06

198 24 1
                                        

Pinatawag ako sa dean's office pagkatapos ng huling klase namin ngayong umaga. Ngayon daw sasabihin ni dean ang desisyon niya. Hindi naman ako kinabahan dahil alam kong hindi ako ma-e-expelled.

Masama ang tingin sa akin ni Harith. Magkaharap lang kami kaya kitang-kita ko ang lahat ng pasa niya. Napangisi pa ako dahil namamaga pa rin ang mata niya. Bumuo kami ng tensyon sa isa't isa. Titig na titig siya sa 'kin habang nakakuyom pa ang kamao. Hindi niya ako kayang sunggaban dahil katabi ko si Prof Hidalgo.

"Ngayon lang natapos ang meeting," sabi ni dean pagkapasok niya sa office. Naupo siya sa harap namin ni Harith habang hawak ang isang folder. Doon ata nakalagay ang desisyon ng committee sa kaso namin ni Harith.

Sumulyap si dean kay Harith. "The school committee decided to consider the two of you."

"What do you mean, sir?" sabat ko.

Diretso siyang tumingin sa akin habang binubuksan ang folder. "Mr. Harith Fortes, hindi ka ma-e-expelled," saad nito na ikinagalit ko.

"What, dean? It's not fair," inis kong wika. Kitang-kita ko naman ang ngiting tagumpay ni Harith.

Hindi pinansin ni dean ang reklamo ko. "Hindi lang ako ang nagdesisyon ng bagay na ito. Buong administrasyon ng unibersidad ang kasama ko. Suspension ang punishment sa 'yo Mr. Fortes, isang buwang suspension. Lahat ng subject na hindi mo mapapasukan sa isang buwan na 'yon ay kaylangan mong habulin kapag pasok mo. Pahirapan ang bagay na 'yon, kapag hindi mo na-accomplish ang lahat mag-sa-summer class ka," diretsong saad ni dean.

Hindi sapat 'yon!

"Ikaw naman, Mr. Claverya, one week na paglilinis sa buong first year building. May mag-mo-monitor sa 'yong teacher. Kapag hindi mo ginawa nang maayos ang task mo, suspension din ang bagsak mo," saad niya sa 'kin. Magsasalita pa sana ako nang inunahan na niya. "May mga nagpatunay na estudyante sa mga ginagawa mo. Paninigarilyo, pagdadala ng alak sa loob ng school at pakikipag-making out sa mga babae," seryosong dagdag niya.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko naman p'wedeng itanggi ang lahat ng 'yon.

Pagkalabas ko ng dean's office ay dumiretso agad ako sa cafeteria. Sa monday daw ako mag-uumpisa sa paglilinis ng building. I don't even know how to start. Malawak ang building ng first year kaya siguradong mahihirapan ako.

Naupo ako habang hinihintay ang mga kaibigan ko. Kaso nakatangggap ako ng text message kay Haru. Hindi raw sila makakasama sa akin ngayong lunch.

Mag-isa kong kakain.

Walang gana akong tumayo nang bigla na lang lumitaw sa harapan ko si Fern. Napatingin ako sa inilapag niya sa table ko.

"Peace offering?" taas kilay kong tanong.

Umupo siya at sinenyasan din akong umupo. "Hindi ba p'wedeng thank you offering?" usal niya habang binubuksan ang lunch box niya.

Naupo na ako. "Bakit ka naman nagpapasalamat?"

"Paulit-ulit tayo? Gusto mo pa talagang ipaalala sa 'kin 'yong ginawa ng loko-lokong lalaking 'yon?"

Napangisi ako. "So, you're alright?"

"Hindi ba halata?"

Binuksan ko na lang ang lunch box. Napakunot ang noo ko nang makita ang laman non.

"Move on ako agad do'n, ayoko na rin kasi isipin. Baka kapag inalala ko magpakamatay ako," saad niya habang sumusubo.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "What is this?"

Nahinto siya sabay tingin sa lunch box. "Ang tanga talaga ni Liera! Nagkapalit kayo ng lunch box," tugon niya.

"So, ano talaga ang para sa 'kin?"

Bad Habits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon