Katatapos lang namin kumain ng umagahan. Maagang pumasok ang dad ni Fern sa trabaho. Habang si Tita Feya naman ay naglilinis ng bakuran. Kasama namin ngayon si Elay, karga ni Fern ang anak nito.
"May pasok ka na bukas?" tanong ni Fern.
"Oo, wala pa si nanay bukas, p'wede iwan ko si Elle rito?" pakiusap ni Elay.
Ngumiti si Fern. "No problem!"
"Baka masira ko naman bakasyon n'yo n'yan?"
"Hindi, gusto ko rin alagaan 'tong si Elle," saad ni Fern sabay halik sa pisngi ng bata.
"Salamat talaga!"
Nag-usap pa ang dalawa habang ako ay abala sa phone ko. Ka-chat ko si Ryu at panay ang send ng picture niya sa Japan. Mukhang iniinggit niya ako kaya naman nagpasa rin ako ng picture ko rito sa probinsya.
"Arden!" Inangat ko ang paningin kay Fern. Umupo siya sa tabi ko kasama si Elle, pagkatapos ay ipinakarga sa 'kin ang bata.
"Baka mabitawan ko," ani ko.
"Hawakan mong mabuti!"
Marahan kong hinawakan ang bata, tahimik lang ito habang nakatingin sa akin. Nginitian ko siya at hinawakan ang pisngi nito. "Cute mo naman," wika ko.
Tumayo si Fern at nagpunta kay Elay. Bumagsak ang balikat ko nang magsimula na silang magk'wentuhan.
Kaya pala pinahawak sa 'kin 'tong bata para makapag-usap sila!
Muli kong itinuon ang atensyon kay Elle. Titig na titig siya sa 'kin habang nakanguso pa. "Hi, ako si Daddy Arden," biro ko.
Hindi naman niya naiintindihan ang mga sinasabi ko kaya kampante akong magsalita ng kung ano-ano.
Palihim kong itinuro si Fern. "Iyon si Mommy Fern, parents mo kami."
Tang ina! Natatawa ako sa sarili ko.
"Sabihin mo nga, Daaaaa-ddyyyyy," pagturo ko sa bata.
Inilayo ni Elle ang atensyon sa 'kin, tumingin ito sa mom niya. Ngumiti na lang ako sa kanya at tumayo habang karga siya. Lumapit ako kila Fern, may seryoso silang pinag-uusapan ni Elay. Tungkol ata sa tatay nitong si Elle.
"H-hindi ko na nga alam ang gagawin ko," sabi ni Elay. Bakas ang labis na pag-aalala kay Fern. Awang-awa ito sa kalagayan ng kaibigan. "Paano na lang kung hindi na kaya ni nanay alagaan si Elle? Kanino ako hihingi ng tulong?"
Nak'wento sa 'kin ni Fern na wala ng tatay si Elay, bata pa lang siya ay iniwan na sila. Ang nanay naman niya ay matanda na at kahit may dinaramdam na sakit ay nagtatrabaho pa rin.
"H'wag kang mahiyang lapitan sina mama at papa. Kung sakaling walang mag-aalaga kay Elle iwan mo siya rito," sabi ni Fern.
Tinignan ko si Elle, nakatingin na rin siya sa 'kin habang ang daliri ay nasa bibig niya. Dahan-dahan kong tinanggal ang daliri niyang sinisipsip niya.
"Dirty kamay mo, h'wag kain," saad ko sa bata. Inosente lang siya nakatitig sa 'kin kaya nagpakawala ako nang malawak na ngiti.
"Sana lang talaga matapos ko na 'tong highschool para makapagtrabaho na ako," ani ni Elay.
"Last grading n'yo naman na 'to 'di ba? Ga-graduate ka na, malapit na."
"Naaawa na ako kay nanay, matanda na nagtatrabaho pa."
"Wala tayong magagawa, sino ang bubuhay sa inyo kung hindi siya magtatrabaho?"
"Ang tanga ko kasi! Pinagloloko lang pala ako ng lalaking 'yon!"
BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
RomanceOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...
