Maayos na natapos ang exam week. Hindi ako nahirapan dahil tinulungan ako ni Fern. Lagi nga akong pumapasok ng maaga gayon din siya, para lang magkasama kaming magreview sa library. Ngayon ay kampante ako sa magiging score ko. Hindi tulad noong first sem na pasang awa ako. Sigurado ako sa mga sagot ko, 8 over 10!
Nakaupo lang ako sa bench na nakaharap sa garden. Hindi ako nakapagbisyo buong exam week. Kaka-review nakalimutan ko na ang bagay na 'yon.
Kasalanan 'to ni Fern.
Bakit ba kasi palagi niya akong binabantayan sa kilos ko? Ibinilin ba ako ni Haru sa kanya? O hindi kaya type ako ni Fern?
Bahagya akong natawa sa naisip, pero natigil din nang may bumatok sa 'kin. Naiirita akong tumingin sa taong 'yon. Hindi ko naman inasahang si Fern 'yon. Naupo siya sa tabi ko at inabot ang isang C2.
"Cheers!" masaya niyang saad pagkabukas ng C2 niya. Nagtataka ko lang siyang tinignan. Nang hindi ko buksan ang akin ay siya na ang bumukas non. "Cheers nga!" Inangat niya ang C2 sa ere at itinapat sa 'kin. Napailing na lang ako at sinunod ang gusto niya. Ipinagdikit namin ang C2 namin sabay pag-inom.
"Papasa tayo sa exam!" masigla nitong saad.
"Oo, matalino ako 'e," usal ko na ikinatawa niya.
"Hahaha! Okay okay! Baka Arden 'yan!"
"Tch, baka Fern 'yan!" saad ko rin at sabay kaming natawa.
Inubos ko ang laman ng bote gayon din si Fern. Malayo ang tingin niya habang malawak ang ngiti.
"Siguro iniisip mo si Haru?"
Tumingin siya sa akin at umiling. "Ikaw iniisip ko."
Natulala ako sa kanya.
Anong ako? Bakit niya ako iniisip?
Diretso rin ang tingin niya sa 'kin. Parang kusang nagliliwanag ang mga mata niya. Nilabanan ko lang ang tingin niya pero hindi siya nailang. Sa katunayan nga ay idinikit pa niya ang mukha sa 'kin at mas nakipagtitigan. Hanggang matawa na lang kami sa ginagawa namin.
"Hahahaha! Ang seryoso mo agad 'e!" saad niya.
"Huh? Hindi ako seryoso! Nagtaka lang, bakit mo ba ako iniisip? Type mo siguro ako?" determinado kong tanong.
Pinalo niya ang binti ko dahil sa sinabi. "Iniisip ko kasing kapag inayos mo ang pag-aaral mo baka mas matalino ka pa sa 'kin."
"H'wag na, ayokong lagpasan ka baka umiyak ka pa."
"Ofcourse not! Mas matutuwa nga ako."
"Tch!"
"Seryoso nga! Gan'to na lang, kapag pumasa ka sa licensure exam may ibibigay ako sa 'yo."
"Ano naman?"
"Hindi ko sasabihin! Secret!"
"Baka scam ka," saad ko.
She shook her head. "Trust me! May ilang taon ka pa para maghanda."
"Okay," tipid kong saad.
Mas natuwa siya. "Sure 'yan ah! Dapat pumasa ka!"
"Basta h'wag mong kalimutan 'yong ibibigay mo sa 'kin. Sulit dapat 'yon, kapag hindi ibabalik ko rin sa 'yo," biro ko.
Marahan niya akong inakbayan na ikinagulat ko naman. Tinapik-tapik pa niya ang balikat ko. "Sulit 'yon!"
Nang mailang ako ay itinuon ko na lang ang atensyon sa bracelet niya. Tinanggal ko ang braso niya sa pagkakaakbay sa 'kin at itinuro 'yong bracelet sa kamay niya. "Ganda naman nito," sabi ko na lang.

BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
RomansaOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...