16

178 32 13
                                        

Dumating na ang araw ng final exam namin. Maaga akong pumasok para makapag-review pa ako. Hindi ko na nakausap sina Haru at Ryu dahil abala rin sila sa pag-re-review. Lalo na si Ryu dahil kaylangan niyang maghabol para makapasa siya.

Bago pumunta sa classroom ay dumaan muna ako sa cafeteria. Pumila ako dahil marami na ang estudyanteng namimili. Mabenta ngayon ang chocolates at peanut. Pero ako hindi naniniwala na kapag kumain ka non bago mag-exam ay tatalino ka. Iyong iba umaasa lang sa chocolates pero hindi naman nag-review.

Napansin ko ang pagtawag ni Fern. Sinagot ko agad 'yon.

"Saan ka na?" tanong niya.

"Cafeteria."

"Ginagawa mo r'yan? Halika na rito para makapag-review tayo!"

"Kaya mo naman mag-review kahit wala ako 'di ba?"

"Tanga! Kaylangan kita," usal niya na ikinatahimik ko. Napakagat labi pa ako habang dahan-dahang lumakad papunta sa bilihan.

She needs me!

"Bakit mo naman ako kaylangan?" Mahina ang boses ko para hindi niya marinig ang impit na kilig ko.

"Nasa iyo 'yong libro ko 'di ba?"

Unti-unting naalis ang napakagandang imahinasyon ko.

Paasa ang loko! Libro lang pala!

Parang gusto ko na tuloy maging libro! Kasi 'yong libro lagi niyang tinitignan. Iyong libro madalas pa niyang yakapin. Minsan hinahalikan pa niya kapag natutuwa siya. Palagi pa niyang kasama sa pagtulog, paggising at baka nga kahit sa pagligo! Taena paano maging libro?

"Hoy, Arden!"

Inilayo ko ang phone sa tenga ko. "Oo na papunta na!" saad ko sabay end ng tawag.

Humarap ako sa tindera, magkasalubong ang kilay niya at para bang naiinip na sa 'kin. Ngumiti na lang ako at bumili na. Dalawang C2 at apat na chips ang binili ko. Pagkatapos ay patakbo akong umakyat sa third floor. Nang makarating ay hinihingal na ako. Napansin naman agad ako ni Fern. Akala ko nga ay aabutan niya ako ng tubig pero 'yong dala kong pagkain ang kinuha niya.

"Ang sweet mo talagang kaibigan," ani niya.

I rolled my eyes. "Tubig!"

"Tumakbo ka pa kasi! P'wede mo namang lakarin."

Napahawak ako sa dibdib ko at inilahad ang kamay. "Nauna pa sermon mo, baka mamatay na ako rito!"

Ngumiwi siya at sinunod na lang ang utos ko. Kinuha niya ang tumbler niya at ibinigay sa akin. Kaunti lang ang ininom ko baka kasi walang matira sa kanya. Madalas na kaming nag-se-share ng tumbler. Komportable naman siya at sympre masaya ako ro'n! Indirect kiss 'yon!

Naupo na kami at nagsimula siyang kumain. Nilabas ko ang libro, idinikit naman niya ang upuan sa tabi ko. Sumenyas pa siyang ibukas ko na para siguro sabay na kaming magbasa. Hindi nga lang ako makapag-focus dahil 'yong pagnguya niya ang naririnig ko.

"Fern, hinaan mo naman ngumuya," atungal ko. Kumuha siya ng isang piraso sa chips. Nanlaki ang mga mata ko nang isubo niya sa akin 'yon. Kahit nagulat sa ginawa niya ay nginuya ko na lang. "Chocolates sana bibilhin ko kaso ayaw mo ata?" patanong na saad ko.

She chuckled. "Oo!"

"Kaya madalas prutas ang ibinibigay ni Haru sa 'yo."

Natigil siya sa pagnguya. "Iyon na nga, share ko lang sa 'yo ah. Noong nakaraan pumunta siya sa apartment. Tapos nagdala siya ng napakaraming chocolates. Hindi naman sa pagiging maarte pero hindi ko talaga hilig 'yon. Kaya ang kumain ng lahat ay si Liera. Nagtataka nga ako kasi nakalimutan ni Haru na ayoko ng chocolate."

Bad Habits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon