3 years later
"Prepare the tax return and financial records, Mr. Claverya," mahinahong utos ng chief financial officer ng kompanya. Mabilis akong tumango. Kinabahan pa ako dahil hindi ko pa lubusang naayos ang financial records. Ang deadline kasi nito ay next week pa sana, kaya nagtaka ako kung bakit narito ngayon ang CFO.
Nakaupo siya sa harapan ko. Hindi na nga ako makatingin sa kanya dahil minamadali kong gawin ang kaylangan niya. Kilala si Mr. Agustin bilang walking pressure. Paano ba naman kasi ay makita lang ng mga employee ang presensya niya ay natataranta na sila sa pagtatrabaho. Gano'n na gano'n din ang nararamdaman ko ngayon.
"Nasaan si Mr. Garcia?" tanong nito. Sumulyap ako sa puwesto ni Moymoy. Nakakainis nga dahil iniwan niya sa 'kin ang dapat ay trabaho niya. Ako tuloy ngayon ang natataranta.
"Nagpunta po sa cafeteria, sir," sagot ko. Tumango na lamang siya at ipinagpatuloy ko ang ginagawa.
Magtatatlong taon na ako rito sa Formonix. Nagtrabaho din naman ako sa kompanya, kung nasaan sina ate at dad. Kaso naisip ko noon na mas maganda siguro kung magsarili ako. Buti na lang open no'n ang hiring for CPA sa kompanyang 'to. Hindi na ako nagdalawang isip pa dahil isa ito sa pinakakilalang kompanya sa Pilipinas. Balak ko pa nga sanang magtrabaho sa government agency pero dahil mas malaki ang sahod dito sa private company, dito na ako namalagi.
Nang matapos ko ang lahat ng kaylangan ni Mr. Agustin ay nakapagpahinga na ako. Hindi ako nahirapan dahil si Moymoy ang unang gumawa ng lahat ng 'yon. Dahil malinis at walang mali ang ginawa niya ay nadugtungan ko nang maayos.
Hindi ko inakalang magiging katrabaho ko si Moymoy. Ang totoo n'yan ay mas nauna ako sa Formonix. Maraming kompanya ang nag-offer sa kanya ng trabaho, meron pa ngang offer sa kanya sa ibang bansa, pero mas pinili niya na sa Pilipinas magtrabaho.
"The cafeteria is shit!" Nagulat ako nang padabog na inilapag ni Moymoy ang coffee sa lamesa ko. He seems annoyed with something. Napatingin din ako sa coat niya. It looks like someone ruined his coat, by spilling water on it.
"Pakihinaan 'yong aircon," utos ko na lang. Kinuha ko ang cup of coffee at ininom. Umuulan sa labas at kahit nandito ako sa loob ay naririnig ko.
"Do you have an extra coat?" tanong nito sabay pag-upo sa puwesto niya.
"Wala."
"Bakit hindi ka nagdala?"
"Ikaw? Bakit hindi ka nagdala? Kargo ba kita?" taas kilay kong tanong.
"Sa susunod hindi mo na ako mauutusan bumili ng kape mo."
Umiling-iling na lang ako. "By the way, nagpunta rito ang CFO."
"UFO?"
"Mukha ba akong nagbibiro, Moymoy?"
"Ano ba'ng sinasabi mo?"
"Makinig ka kasi!" Napalakas na ang boses ko. Paano ba naman kasi abala na siya sa laptop niya.
"Ano nga?"
"Si Mr. Agustin nagpunta rito. Kinuha niya 'yong financial record natin last month."
"Hindi ko pa tapos 'yon."
"Tinapos ko."
"Okay, thanks!"
"Next time ikaw na gumawa ng sa tax," saad ko. Tumango-tango lang siya at sinimulan ko na ulit ang trabaho.
Noong unang taon ko sa pagtatrabaho ay hirap na hirap ako. Nakailang pagalit pa sa 'kin sina dad at ate bago ko natutunan ang buhay na pinasok ko. Ipinagpasalamat ko na lang na inayos ko ang pag-aaral noong college. Dahil kung hindi, hindi ko makakayanan ang trabahong 'to. Ngayon ay sanay na ako sa ginagawa ko. Hindi ko man pinangarap kung nasaan ako ngayon ay unti-unti kong nagugustuhan.

BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
RomantikOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...