"Finally!" masayang wika ni Fern pagkatapos naming maayos ang surpresa niya kay Haru. It is a romantic set up. Kung ako ang susurpresahin ng ganito baka hindi ako makahinga nang maayos.
Pinaghandaan talaga ni Fern ang lahat! Sana lang maappreciate 'to ni Haru at mabago nito ang desisyon niya.
Inakbayan ako ni Fern. "Thank you, Arden!"
"You're always welcome, Fern." Ngumiti na lang ako. Bumitaw siya sa pagkakaakbay sa 'kin at naglibot sa buong k'warto. She walked slowly around the bed. Inoobserbahan niya kung maayos ba ang pagkakaayos ng mga string lights. Umupo pa siya sa kama at tinitigan ang mga picture nila ni Haru.
She looks so perfectly happy.
Naupo rin ako sa kama at sinamahan siya sa ginagawa. Then suddenly I got my eyes stuck on her. She's over the moon right now. Walang kalagyan ang saya niya. At iniisip ko pa lang na pandalian lang ang sayang 'yon ay nasasaktan na ako.
"Hindi ako papasok bukas," she told me. Humarap siya sa 'kin at binigyan ako ng nangungumbinsing tingin.
"P'wede mo naman siyang surpresahin pagkatapos ng klase."
She shook her head. "Write me an excuse letter."
"Fern. . . ."
"Please!" Ngumuso siya at yinugyog ang braso ko.
"Okay, sige!"
"Thanks!"
Patalikod na sana siya sa akin nang hawakan ko ang kamay niya. Natigil siya at nagtatakang tumingin sa 'kin. Nanatili akong nakatitig sa kanya. Siya naman ay bumaba ang tingin sa kamay niyang hawak ko. Napapikit na lang ako at walang salitang niyakap siya. Bahagyang umangat ang balikat niya senyales ng pagkagulat.
Rinig ko ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili. But I felt like I need to do this. I wanted to comfort her without saying anything.
Mahina niyang tinapik ang likuran ko. "Are you okay?"
Hindi ako sumagot mas humigpit lang ang pagkakayakap ko sa kanya. Maya-maya lang ay naramdaman ko na ang pagyakap niya pabalik sa 'kin. Hinaplos-haplos pa niya ang likuran ko.
Natawa siya. "Sabi na nga ba't may problema ka."
I shook my head then I ran my fingers through her hair. Hindi siya umangal sa ginagawa ko.
"Sure ka wala kang problema?"
"Wala, Fern."
"So trip mo lang akong yakapin?" Tumango ako. "Nagpapakababy ka kaibigan!" Hinarap niya ako sa kanya. Tatawa-tawa niyang pinitik ang noo ko.
"Fern. . . ."
"Hmmm?"
Napayuko ako. May gusto akong sabihin sa kanya pero hindi ko p'wedeng pangunahan si Haru. Gusto ko sanang ihanda si Fern sa mga possibleng mangyari. Kaso baka masira ko lang ang araw nila bukas.
"Happy third anniversary sa inyo," sabi ko na lang.
"Thank you!" Then she pinched my cheeks.

BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
RomanceOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...