A months later. . . .
"Give it a try, bro!" sigaw ni Ryu sa kabilang linya. Nakahiga ako sa couch habang nanonood. Kaya naman hindi ko maituon ang atensyon sa sinasabi niya. Muli itong sumigaw, "Hoy, Arden!"
"Ano ba? Hindi ko na maintindihan 'tong pinapanood ko," atungal ko.
"Tang ina mo! Ako muna intindihin mo!"
"Ano ngang sinasabi mo?"
"Type ka ng secretary ng CEO namin."
I sighed. "I'm not interested, Ryu."
"Arte mo! Alam mo bang pangarap ko siya. Kaso putang ina mo, Arden! Ikaw ang gusto niya!"
Inilayo ko nang kaunti ang phone sa tenga. "Huwag ka ngang magmura!"
"Nakakainsulto 'e! Puta!"
"Kahit ako ang gusto niya, wala akong pakialam, Ryu."
"Dapat pala hindi na lang kita pinakilala."
Napangisi ako. Nagpunta kasi ako noon sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Kasama niya noon 'yong pinopormahan niyang sekretarya. Tapos ipinakilala ako ni Ryu. Unang tingin ko pa lang sa babaeng 'yon alam kong interesado na siya sa 'kin.
"Ayoko sa matanda, Ryu, kaya sa iyong-sa iyo na," sabi ko.
"Ulol, bro!"
"May sasabihin ka pa?"
"Wala na!"
"Okay, goodbye," agad kong ibinaba ang tawag. Muli kong itinuon ang pansin sa television. Naadik na ako sa panonood ng mga drama series. Kaya halos hindi na ako lumalabas ng bahay. This is what I am doing over the past few months. Nakatulong 'to sa recovery ko sa mga nangyari.
"Pasok sa dean's lister!" Napatayo ako nang sumigaw si ate. Sumilip pa ako sa kanya, napatingin naman siya sa 'kin. Out of curiosity I ran towards her in the kitchen. Nakatitig siya sa phone niya. Lumabas din si mom mula sa k'warto at lumapit sa amin.
"Look, Arden," sabi niya sabay harap ng phone sa 'kin. Pinakatitigan ko 'yon at napamaang ako sa nakitang post. Naroon ang picture ko at may nakalagay na 'Dean's lister' sa baba nito. Hindi ako makapaniwalang napatakip sa bibig. Itinuro ko pa ang phone ni ate.
"Sure ba 'yan?"
Natawa sila ni mom. "Nakalagay diyan ang litrato at pangalan mo. Basahin natin," sabi ni mom. "Arden F. Claverya."
My mom smiled at me. Niyakap ko naman siya at sa pagkakataong 'yon ay naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko. Nakiyakap din si ate at hinaplos-haplos ang likuran ko.
"Proud na proud kami sa 'yo," ani ni ate. "Ang galing-galing ng kapatid ko!"
Buong akala ko ay hindi ako makakasama sa dean's lister. Malaki kasi ang ibinaba ng grades ko noong first semester. Buti na lamang naiayos ko ang pag-aaral ko noong second semester.
Pagkabitaw namin sa pagkakayakap ay napatingin ulit ako sa post. Hiniram ko pa ang phone ni ate at hinanap si Fern sa post. Hindi ako nahirapan sa paghahanap dahil nakita ko agad siya. As I expected kasama rin siya sa dean's lister. Tinignan ko rin ang summa cum laude namin at laking gulat ko nang makita kung sino 'yon.
Summa cum laude: Chasin Moy R. Garcia
Si Moymoy! Taena ganito siya katalino? Inangat niya ang BSA!
"Dad!"
Naialis ko ang tingin sa phone. Nakita ko si dad na palapit sa amin. Inilapag nito ang mga gamit niya sa lamesa at tumabi sa 'kin.

BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
RomansaOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...