"Thank you po sa tulong n'yo." I bowed to show respect. Lumapit sa akin si Tito Ryota and he patted my shoulders. Malawak din ang ngiti ni Tita Giyana sa akin.
"You're welcome and make yourself comfortable here," ani ni tito.
Nakangiti akong tumango. Pagkaalis nilang dalawa ay humarap sa akin si Ryu. May trabaho sina Tito Ryota at Tita Giyana kaya dalawa lang kami ngayon ni Ryu.
"Kumusta pakiramdam mo?"
"Medyo ayos na ako," sagot ko.
"Iyong totoo?"
"I'm telling the truth, Ryu."
He sighed. "May balak ka bang kausapin sina Tita Tessa at si Haru?"
Hindi ako nakaimik, lalo na't wala pa akong balak na harapin sila. Hindi ko alam kung papaano sila pakikisamahan. Pamilya ko sila, pero wala akong ideya kung ano'ng ituturing ko sa kanila.
"Bahala na," saad ko.
"I understand you, bro. Kahit ako nagulat sa mga nangyari. Kapatid mo pala si Haru!"
"Kaya pala magaan ang loob ko sa kanya."
"Oo! Kaya rin mas gusto mo siyang kaibigan kaysa sa 'kin!"
Napangiwi ako. "Anong pag-iinarte 'yan?"
Agad siyang umakbay sa akin. "Ako na dapat paborito mong kaibigan."
"Tch!"
"Tabi tayo matulog ah!"
"Ako sa kama mo, tapos ikaw sa baba," natatawang saad ko.
"Si Fern nga tinabihan mo kagabi!"
Nanlaki ang mga mata ko. "Paano mo nalaman?"
Bumalatay ang pilyong ngiti sa kanya. "Sumilip ako kagabi sa inyo hahaha! Pero, bro, seryoso ka talaga?"
"Saan?"
"Kay Fern!"
"Seryoso 'tong nararamdaman ko sa kanya," I answered without hesitation.
"Paano si Haru? Half-brother mo karibal mo!"
I arched an eyebrow. "Wala akong balak na agawin si Fern sa kanya."
"Sigurado ka?"
"Oo!"
"Pero gusto mong mag-break na sila?" Hindi agad ako nakasagot, kaya natawa siya. "Naku! Hahahahahaha! Ikaw ah, siguro gabi-gabi mong dasal 'yon?"
"Tch! Kumain na lang tayo!"
"Yieeeeee! H'wag kang mag-alala, sa iyo ang panig ko. Fern at Arden for the win!"
Binatukan ko siya. "Nagugutom na ako."
Napahawak ito sa batok niya pero nanatili pa rin ang nakakalokong ngiti. "Iniiba mo usapan 'e! Pero halatang kinikilig ka!"
"Tang ina mo, Ryu, 100 times!"
"Hahahaha lutong non ah! Parang pagmamahal mo kay Fern?"
Kaysa pakinggan ang pang-aasar niya ay nagtungo na lang ako sa kusina.
Kaya lang naman gan'yan si Ryu, kasi gusto niyang tumawa o ngumiti ako. Ang corny nga lang ng paraan niya.
Nang makarating ako sa kusina ay wala akong nakitang pagkain. Nagtingin pa ako sa ref nila, pero karamihan ay hindi ko kinakain. Sanay sila Ryu sa pag-o-order ng pagkain. Hindi sila madalas nagluluto dahil abala sa trabaho ang mga magulang niya.
"Order na lang tayo!" suhestiyon ni Ryu.
"H'wag."
"Hindi ka kakain?"

BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
RomansaOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...