"Get ready next week class, goodbye," pagpapaalam ng professor.
"Fern, mauna na ako," ani ko sabay tayo. Nag-aalalang inangat ni Fern ang paningin sa akin. Hindi na siya nakaimik nang magsimula akong maglakad paalis. Hindi ko kayang harapin si Fern ngayon. Mas gusto kong hindi muna maramdaman ang presensya niya.
Uuwi na sana ako nang makita ko si Ryu sa waiting shed. Lumapit agad siya sa akin, malawak ang ngiti nito.
"Alam mo na ang balita?" tanong niya.
"Ano'ng balita?"
"Sina Fern at Haru na!"
I sighed. "I know."
Inakbayan niya ako at sabay kaming naglakad. "Maayos na kayo ni Haru?"
"Oo," I lied.
"Totoo?"
"Oo nga!"
"Kumusta naman si Elizabeth?"
Nahinto ako sa paglalakad. "Sinong Elizabeth?"
"Gago! Hindi mo na kilala? 'Di ba siya 'yong gusto mong babae?"
Inisip ko pa 'yon hanggang mapagtanto ang sinasabi niya. "Ahhhh 'yon ba, wala na hindi ko na siya gusto."
"Hahaha bilis ah! Sino na gusto mo ngayon?"
"Si Fern," sagot ko.
Napatakip siya sa bibig niya.
Balak ko talagang sabihin sa kanya 'yon. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na isingit ang tungkol do'n.
"Arden! Ano'ng sinasabi mo? Patay ka kay Haru n'yan," ani niya.
I rolled my eyes. "Wala akong balak na agawin si Fern."
"Tang ina! Kaylan pa, Arden?"
"Noong maisip ko nang itigil lahat ng bisyo ko."
"Gago ngayon ko lang alam! Hindi ko man lang napansin 'yon? Anong klaseng kaibigan ako?"
"Tch! At hindi totoo si Elizabeth," saad ko na mas ikinagulat niya.
"Putaaaaaaa ka! Niloko mo lang ako?"
Natawa na lang ako. Inakbayan ko ulit siya at nagpatuloy kami sa paglalakad. Wala akong balak na umuwi ng maaga ngayon. Gusto kong abalahin ang sarili ko dahil malulungkot lang ako kapag nanatili ako sa bahay.
"Pero ayos ka lang?" tanong niya.
"Oo."
"Ayos lang na may relasyon na silang dalawa?"
"Wala sa 'kin 'yon," pagsisinungaling ko.
"Talkshit ka pala, bro! Ang sabi mo noon 100 percent hindi ka magkakagusto kay Fern! Inamo talaga! Kaya pala sinamahan mo siya sa probinsya nila!"
"Ang ingay mo!"
"Paano ba naman kasi ginulat mo ako!"
"Tch!"
"Sure ka ayos ka lang?"
"Babae lang 'yan, Ryu," labag sa loob kong sabi.
"Sa bagay marami pa namang single r'yan! Tara hunting tayo ngayon."
"Hunting? Saan?"
"Dating gawi!"
"Bar?"
Nakangiti siyang tumango. Pinag-isipan ko nang maayos kung babalik ba ako sa lugar na 'yon. Pinakiramdaman ko ang sarili. Si Ryu ay pinipilit ako, kung ano-ano ang pinang-aakit niya sa 'kin para pumunta. Kesyo marami raw magandang babae ngayon, ililibre raw niya ako, mawawala raw problema ko at ngayon lang naman daw kami magsasaya. Sa huli ay nakuha ako ng mga sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
RomanceOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...