"Busy?"
Naiangat ko ang paningin kay Fern. Nasa library kaming dalawa. Umupo siya sa harapan ko at inilapag ang mga gamit niya sa lamesa. Ibinalik ko na lamang ang paningin sa binabasa kong libro. Inangat ni Fern ang katawan niya at bahagyang sinilip ang binabasa ko.
"Akala ko binabasa mo 'yong lesson natin mamaya," ani niya.
I smirked. "I need rest, Fern."
Nakangiwi niyang kinuha ang librong binabasa ko. Pinasadahan niya 'yon ng tingin, pagtapos ay ibinalik ang tingin sa 'kin.
"Mahilig ka pala magbasa ng lovestory?"
Hinila ko ang libro sa kanya. "Nakita ko lang 'to sa k'warto ni ate. Sinubukan kong basahin."
Itinago ko 'yon at inilabas na lang ang libro ko sa accounting. Pinigilan niyang matawa kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Bawal ba magbasa ng gano'n ang lalaki?" taas kilay kong tanong.
Lumapad ang ngiti niya. "P'wede, pero 'yong binabasa mo ang erotic masyado."
Nanlaki ang mga mata ko. Tinignan ko ulit 'yong libro. Napatakip ako sa bibig ko at itinuro 'yon.
"Seryoso?"
"Oo, nabasa ko na 'yan."
"Bakit gan'yan 'yong title? Hindi naman mukhang erotic."
"Ahh! Hindi ko rin alam sa author n'yan. Try mo basahin 'yong nasa gitnang chapter. Tuloy-tuloy 'yong spg scene roon. Bilib nga ako sa mga tauhan, hindi napapagod umungol hahahaha. . . ." pabulong niyang sabi.
Napayakap ako sa sarili ko. "Tinapos mo?"
"Yup! Tatapusin mo rin ba 'yan?"
Umiling ako. "H'wag na lang, ibabalik ko kay ate."
Nanonood ako dati ng 18+ na movie at bumibisita sa pornhub. Pero hindi ko na ginagawa 'yon ngayon. Kaya hindi ko itutuloy na basahin 'yang libro. Ipasusunog ko na lang kay ate.
Isa rin 'yang si Arzela 'e! Painosente ang loko! Malaswa rin pala!
"Huh, bakit? Don't worry hindi kita aasarin. Nagbabasa rin naman ako."
Ang hilig ng mga babaeng magbasa ng mga erotic story, pero kapag panonood na ang usapan, nagpapakaanghel!
Itinago ko na lang kay Fern ang isiping 'yon.
"Ayoko ng gan'yan, ma-i-imagine ko," saad ko.
Mahina siyang tumawa at luminga-linga sa paligid. "Goodboy ka na talaga ah, congrats."
"Tch!"
Binasa ko na lang ang lesson namin. Patawa-tawa pa si Fern, hindi pa naka-move on sa binasa ko. Sinubukan ko nalang ulit mag-focus sa libro.
"Arden. . . ."
Sinulyapan ko siya. "Oh?"
"Excited na ako."
"Saan?"
"Sa anniversary namin." Nagpalumbaba pa siya pagkasabi non. Kagat labi niyang pinaglaruan ang pisngi gamit ang mga kamay. Sa ilalim ng lamesa ay pumapadyak-padyak ang mga paa niya.
"Next week pa," sabi ko.
"Oo, pero ngayon pa lang kinakabahan na ako."
"Bakit ka naman kakabahan?"
"Kasi iniisip ko kung ano'ng magiging reaksyon niya."
"Iiyak," saad ko.
Inayos niya ang upo at tinitigan ako. "Iiyak? Gano'n ba siya kapag sinusurpresa? Ngayon ko lang kasi gagawin 'to."
BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
RomanceOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...