"Mom!" Patakbo akong lumapit kay Mom Tessa. Pasakay na siya sa kotse kaya nang makita ako ay napahinto siya. Nakangiti niya akong sinalubong at niyakap. Napapikit ako habang hinahaplos niya ang likuran ko.
"Anak," rinig ko ang lungkot sa boses niya. Pagkaharap ko ay nangingilid na ang mga luha niya. "Akala ko hindi ka na darating."
I shook my head. "Mom, basta umuwi ka sa graduation ko."
"Oo naman, tulad nga ng sabi ko uuwian ko lahat ng espesyal na araw mo. Basta anak h'wag mong kalilimutang tumawag sa 'kin at i-update mo ako palagi," sabi niya.
Ngumiti ako. "Opo, Mom, mag-iingat po kayo ni Haru."
Muli niya akong niyakap. "Kung p'wede lang kitang isama."
Napailing ulit ako. "Ayos lang ako rito, Mom."
Napabitaw ako kay mom nang makita si Haru na palabas ng bahay. He can't look me in the eye anymore. Alam niyang naiinis ako sa ginawa niya. Nagkausap kami kagabi at ibinuhos ko lahat ng sama ng loob ko sa kanya. But still I don't want to keep this anger. Alam kong nasasaktan din siya ngayon at ayoko nang dagdagan pa.
"Goodbye, Arden," he said at nilagpasan ako. Inilagay niya ang mga maleta sa compartment ng kotse.
"Gusto kang makita ni Fern," sabi ko. Naitigil niya ang ginagawa at marahang pumihit paharap sa 'kin.
"Ayoko, Arden, baka kapag nagkita kami hindi na ako makaalis."
"Hindi siya matigil sa pag-iyak. We didn't even know how to comfort her."
Napayuko siya at pilit na itinago ang namumula niyang mga mata. "Nakapag-usap na kami nang maayos kahapon."
"Sumang-ayon ba siya sa mga desisyon mo?"
"Yes, she respect my decisions. We broke up properly. Aayos si Fern, hindi man ngayon pero alam kong magiging maayos siya. Hindi siya makasarili, she fully accepted this break up. Kasi alam niyang para 'to sa pangarap ko. I promise to myself na hinding-hindi ako maghahanap ng iba. Babalikan ko si Fern kapag naayos ko na ang buhay ko and I know she's willing to wait," he said as he tried to remain calm. Hindi niya hinayaang bumuhos ang emosyon niya. Hindi naman ako nakaimik. Hindi ko na rin alam ang sasabihin. "Arden, we need to go. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. I wish you luck sa exam mo." After that he took a deep breath. "And please, take care of her."
I nodded without saying anything. He patted my shoulders and hugged me tightly.
I will miss him and mom. Tatanggapin ko na lang na kaylangan nilang umalis. Wala naman akong magagawa para pigilan pa sila.
Nang tuluyan nang makapasok sa loob ng kotse sina Haru at mom ay bumungad naman sa 'kin si Mr. Min Joon. Hindi ko napigilan ang pamumuo ng inis sa kalooban ko.
"I will let Tessa to visit you," aniya.
"Why? I know you hate me."
"Ofcourse I hate you, especially your father but I want Tessa to be happy," kalmado niyang sabi. Naialis ko ang tingin sa kanya kaya nilagpasan na lang niya ako. "Take care of yourself," biglang saad niya.
Naiangat ko agad ang paningin sa kanya. Tumango siya sa 'kin bago pumasok sa kotse. Pinanood ko na lang ang pag-alis nila. Pagkatapos ay naupo ako sa harap ng gate.
Napabuntong-hininga na lang ako. Then I let myself rest for a while and spent time alone.
•••
"Ibigay mo sa kanya 'yan." Inabot sa 'kin ni ate ang pizza at lasagna na inorder niya. "Siguraduhin mong makakakain siya nang maayos." Napayuko ako habang hawak ang mga pagkaing 'yon. "Oh? Bakit gan'yan itsura mo?" tanong pa ni ate.
BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
RomantizmOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...
