"Inhale, exhale muna kayo!"
Napasimangot kami kay ate. Nakatayo siya sa harapan namin habang hawak ang phone niya. Lumabas na ang result ng licensure exam. Excited na akong makita kaso si ate ay pabida!
"Napakatagal mo, Arzela," atungal ko.
"Huwag kang maging excited! Baka umiyak ka kapag hindi ka pumasa," aniya. Napangiwi na lamang ako. Alam ko namang papasa ako.
"Mom, Dad, ano sa tingin n'yo ang result?" tanong pa ni ate.
"Papasa si Arden," sagot ni mom.
"Tama ang mom mo, papasa siya," saad naman ni dad.
Taas noo akong ngumiti. "Papasa ako!"
"Ngikngik mo!" atungal ni ate. Nanliliit ang mga matang ibinalik niya ang tingin sa phone. Napahiyaw siya nang ma-click ang file. Napahawak pa ako sa dibdib dahil sa gulat.
"Pakidalian, Arzela!" inis kong sabi.
"Ito na po, Kuya," aniya sabay pag-irap. Huminga siya nang malalim at hinanap ang pangalan ko sa list. Tahimik lang kaming lahat habang hinihintay ang resulta. Maya-maya lang ay tumalon-talon si ate kaya napatayo kaming tatlo.
"Wohhhhhh!"
"Ano? Pasado?" kinakabahang tanong ko.
"Si Fern pasado!" masayang sabi niya. Napalitan ang kaba ng tuwa. Sabi na nga ba't papasa si Fern!
"Siya talaga una kong nakita letter A apelyido 'e!" sabi pa ni ate.
"Hanapin mo na ang pangalan ng kapatid mo," ani ni dad. Muling ibinalik ni ate ang paningin sa list. Naningkit ang nga mata niya at tumingin ulit sa 'kin.
"Hindi ba itong si Chasin Moy R. Garcia 'yong summa cum laude n'yo?" tanong nito. Tumango ako. Napatakip naman siya sa bibig niya.
"Bakit?"
"Top three siya sa licensure exam! With an average of 92.17! Grabe naman 'tong schoolmate mo na 'to, halimaw!" tugon ni ate.
Lumapad ang ngiti ko. Ang galing niya! Hindi man kami ganoon kalapit sa isa't isa, proud na proud ako sa kanya. He's a force of positivity, and when you think of the life he's had, the pressures he's been under, that's really admirable!
"Hanapin mo na pangalan ko!" utos ko na lang kay ate. Sumeryoso bigla ang itsura niya habang hinahanap ako sa list. Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil do'n. Maya-maya lang ay napatingin na siya sa 'kin.
"Ano?"
"Hindi ko nakita."
"Seryoso ka ba?" inis kong tanong.
"Tignan mo nang maayos, Arzela," sabi ni mom. Muling tinignan ni ate ang list. Pagtapos ay umiling-iling siya sa amin. Bumagsak ang balikat ko sabay lapit sa kanya.
"Ako na maghahanap!" suhestiyon ko.
"Hindi ka pumasa," malungkot nitong saad.
"Pumasa ako! Ako maghahanap," atungal ko sabay pagkuha sa kanya ng phone. Ngunit itinago niya 'yon sa bulsa at bigla akong niyakap. "Parang tanga, Arzela!"
"Biro lang, brother! Pumasa ka talaga! Ahahahaha!" Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at sumayaw-sayaw. Inilabas pa niya ang phone at ipinakita sa amin ang pangalan ko.
Tang ina! Kinabahan pa ako! Akala ko bumagsak!
"Napaka-abnormal mo!" ani ko kay ate. Tumawa lang siya at muling nagsayaw. Napayakap naman sa 'kin ang mga magulang ko.
Hindi na ako ganoong nagulat dahil alam kong papasa talaga ako. Ginawa ko kasi ang buong makakaya ko noong exam, kaya confident ako.
"Yehey! Ang galing talaga ng kapatid ko!" hiyaw ni ate.
BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
RomantikOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...
