04

184 24 0
                                        

Malakas kong kinatok ang pintuan ng bahay namin. Paano ba naman kasi ay ni-lock nila ito.

"Ate!" pag-sigaw ko habang lumilinga-linga sa paligid. Mas dinoble ko ang lakas ng pagkatok sa pintuan. Kaunti na lang ay masisira ko na ito.

"Tang ina! Ate!"

Imbes na si mom ang tawagin ko ay si ate ang mas gusto kong magbukas ng pinto. Hanggang ngayon hindi pa rin magaan ang loob ko kay mom. Sobrang laki ng epekto sa 'kin ng hindi niya pagpunta sa graduation ko.

"Arzela! Hoy!" Kinalampag ko na ang pinto. Malapit na maggabi at nandito pa rin ako sa labas.

Napatingin ako sa phone ko nang magring 'yon. Agad ko namang sinagot nang makitang si ate ang tumatawag.

"Arzela, ano ba! Kanina pa ako kumakatok dito. Nasaan ba kayo? Nakauwi ka na ba?" sunod-sunod na tanong ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.

"I'm so sorry, Arden," she said

"Why? Ano bang meron?"

"N-nilock ni dad ang pinto, 'wag daw kitang papasukin," nanlulumo niyang sabi.

Halos kumulo ang dugo ko sa narinig.

"Ano na naman ba'ng problema niya?"

"Kasi late ka na namang umuwi, 3:30 p.m dismissal n'yo. Tignan mo 7:35 p.m na, nagalit si dad kaya sabi 'wag ka na raw papasukin sa bahay," malungkot niyang saad.

"Where's mom? Sabihin mo buksan niya ang pinto!"

"A-arden," nag-aalinlangan niyang usal.

Kaunting-kaunti na lang wawasakin ko na 'tong pintuan.

"Ano? Wala na namang pakialam sa akin si mom? Tang ina 'yan!"

"Nag-aalala rin si mom sa 'yo, Arden," depensa niya.

I clenched my fist. "Kung nag-aalala siya sa 'kin hindi niya hahayaang matulog ako sa labas!"

"Sandali kakausapin ko si dad." Narinig ko ang pagtakbo niya mula sa kabilang linya, pero imbes na maghintay dito ay umalis na lang ako. Kung ayaw nila akong papasukin ede h'wag. May mga kaibigan akong p'wedeng puntahan. Pagkalabas ko sa village namin ay tinawagan ko agad si Ryu.

"Ryu!"

"Ughhh shit, bilis!"

Napahinto ako sa narinig.

"What the hell, bro! Ano'ng ginagawa mo?"

"Wait A-arden nasa climax na kami, istorbo ka– Uhmmm gan'yan nga, diinan mo pa."

I ended the call. Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko siya maaasahan ngayon. Si Haru na lang ang tatawagan ko. Kaso hindi pa man ako nakakatawag ay nakatanggap na ako ng text message kay ate. Nag-so-sorry siya dahil hindi niya nakumbinsi si dad na buksan ang pinto. Ang sabi pa niya ay makitulog na raw muna ako sa mga kaibigan ko.

Bakit ba gano'n ang mga magulang ko? Disiplina ba ang tawag nila sa ginagawa nilang 'to? Tch, mas lumalayo lang ang loob ko sa kanila.

Inalis ko na lang ang lahat ng 'yon sa isipan. Tinawagan ko si Haru na mabilis namang tumugon.

"Arden?"

"P'wede ba akong makitulog sa inyo?"

"Ano'ng nangyari?"

"Hindi ako pinapasok sa bahay," I said.

"Sige, dude, wala si appa p'wede ka rito."

Gumaan naman bigla ang pakiramdam ko. Kaso naisip kong wala akong pamasahe.

Bad Habits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon