From: Fern Alcazar
Hintayin mo ako ah!
Pagkabasa ko ng message ni Fern ay naupo ako sa waiting shed sa harap ng school. Marahan kong nginunguya ang bubble gum, habang diretso ang tingin sa kalsada.
Halos isang buwan na ang dumaan mula noong maghiwalay sina Fern at Haru. Hindi nagpaapekto si Fern sa nangyari. Pinilit niyang maging maayos at h'wag na lang alalahanin ang lahat. She's really a strong independent woman. Hindi niya hinayaang ikasira niya ang hiwalayan nila.
Ang lagi nga niyang sinasabi sa akin. If you love someone so much let it go. If it comes back it was meant to be, if it doesn't it never was.
Siguro 'yon talaga ang pinapaniwalaan niya. Kaya nagawa niyang hayaan na lang si Haru sa gusto nito. Pero may tanong pa rin akong hindi masagot ni Fern. Iyon ay kung mahal pa rin niya si Haru.
Sa isang buwan kasing lumipas ay hindi na niya binabanggit pa si Haru. Parang bumalik kami sa dati, noong hindi pa niya kilala ang kapatid ko.
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ay may kumuha ng atensyon ko. Napatingin ako sa mga lalaking high school student na nakatayo malapit sa akin.
"Try mo lang," rinig kong sabi ng isa.
Napayuko 'yong lalaking nasa gitna. "Ayokong subukan 'yan."
"Walang pakisama ay," sabi naman ng nasa gilid niya. Pinapagitnaan siya ng dalawang lalaki. Sinilip ko naman ang inaabot nila sa kanya.
Tch! Yosi!
"Hina mo, loko!"
"Hindi talaga p'wede, h'wag n'yo na akong idamay d'yan."
"Ulol! Isang stick lang, para bago tayo grumaduate makatikim ka na!"
Umiling-iling siya. "Sa inyo na lang."
"Kukunin mo o hindi? O baka naman gusto mong mabangasan ulit?" pananakot ng lalaking nag-aabot ng sigarilyo sa kanya.
"Ayoko talaga, baka maamoy ako ni mama pag-uwi."
"Takot ka sa nanay mo? H'wag gano'n, dapat siya ang takot sa 'yo hahahaha!"
Nakitawa rin 'yong isang lalaki. Itinapon ko ang gum at tumayo. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at inakbayan 'yong lalaking may hawak ng sigarilyo. Nagulat siya nang kuhanin ko ang yosi.
"Sino ka?" kunot noong tanong niya.
"Ilang taon na kayo?"
"17 po," sagot ng nasa gitna.
"18 na ako p'wede na ako sa gan'yan. Kaya ibalik mo sa akin 'yan," inis na sabi ng lalaking kinuhanan ko ng yosi.
Hindi ko siya pinansin, inilayo ko sa kanila 'yong lalaking binubully nila. "Kaibigan mo ba 'tong mga 'to?" tanong ko. Mabilis siyang umiling. Napabuntong hininga ako at humarap sa dalawang lalaki. "Hindi n'yo dapat siya pinipilit na tumikim nito." Inangat ko pa ang yosi.
"Hindi namin siya pinipilit. Siya mismo 'yong nagsabing gusto niya," sabi ng isa. Habang masama naman ang tingin sa akin ng lalaking pasimuno.
"Wala akong sinabing gusto ko," depensa nito sa sarili.
"Umalis na lang tayo," sabi ng pasimunong lalaki. Akmang lalakad na sila nang humarang ako. Inilahad ko pa ang palad sa harapan nila.
"Ano?"
"May nakita ako sa bulsa mo."
"Anong nakita?"
Walang sabi kong ipinasok ang kamay sa bulsa niya. Hinila ko agad ang isang box ng sigarilyo mula roon.
BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
RomanceOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...
