37

196 42 7
                                    

"Bakit ka nandito?"

Iyon agad ang bungad sa akin ni Ryu. Hindi ko siya pinansin. Pinagtuonan ko ng atensyon ang beer na hawak ko. Napabuntong hininga na lang ako sabay pagtungga.

"What are you doing?" hindi makapaniwalang tanong ni Ryu.

"Umiinom," sagot ko.

Umupo siya sa harap ko. "Bakit ka umiinom? At dito pa sa lugar na 'to?"

Ngumiti ako. "Na-miss ko."

"Tangina nito! Nakakatawa ka ulol!"

"Samahan mo na lang ako."

"May problema ka."

"Wala."

"Meron! Sabihin mo sa 'kin ano 'yon?"

I let out a deep sigh. Hindi pa agad ako sumagot. Pinaglaruan ko ang bote ng beer. Nakatitig lang ako roon na para bang 'yon ang pinakaimportanteng bagay ngayon.

"She rejected me," tulala kong sabi.

"Si Fern?" Nang hindi ako umimik ay tinabihan niya ako. Tinapik-tapik pa niya ang balikat ko.

"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko.

"Comforting you."

Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko. "Hindi ko kaylangan Ryu."

"Okay lang 'yan, marami pang babae r'yan."

I smiled as I nodded. "Oo, hindi lang naman siya."

Natahimik kami. Pinagmasdan lang ako ni Ryu habang nilalagok ko ang beer. Hindi niya ako pinigilan o pinagbawalan.

Blanko na ang isipan ko.

Itong lugar lang na 'to ang naisip kong puntahan. Umuwi man ako sa bahay kahapon ay hindi nawala ang bigat ng pakiramdam ko. Mas nalungkot pa nga ako dahil sobrang tahimik ng paligid. Pagkapunta ko rito ay nawala lahat ang iniisip ko. Dahil mas nangibabaw ang ingay ng mga tao at mas pinagaan pa ng alak ang pakiramdam ko.

Nangako ako noon sa sarili ko na hindi na ako babalik dito. Pero tang ina! Dahil sa gusto kong kalimutan siya ay nagpunta ako rito.

"Gusto ko pa," sabi ko pagkaubos ng beer.

Tumayo si Ryu at walang sabing nagpunta sa bar counter. Nag-order nga siya ng alak at pagkalapit sa 'kin ay inilapag niya lahat ng 'yon sa harapan ko.

"Bakit Ryu?"

"Anong bakit?"

"Bakit hindi mo ako pinipigilan?"

Natawa siya. "Kahit pigilan kita hindi ka naman titigil."

Binuksan niya ang isang bote at inabot sa 'kin. Kinuha ko na lang 'yon at tuloy-tuloy na ininom. Pinapanood lang niya ako. Hindi niya ako sinamahan sa pag-inom.

"Kapag nalasing ako, iuwi mo ako sa inyo," saad ko.

"Pumasok ka ba kanina?" pag-iba niya.

Napangisi ako. "Hindi."

"Bukas? Papasok ka?"

"Hindi rin."

"Gago ka talaga, bakit dinadamay mo 'yong pag-aaral mo? Malapit ka nang grumaduate, Arden," seryoso niyang sabi.

Hindi ko siya pinansin. Nagbukas pa ako ng isang bote at nilagok 'yon.

"Pumasok ka bukas," sabi pa niya.

"Wala akong gana."

"Tang ina mo, bro! Umayos ka nga!"

"I want to focus on myself, Ryu," saad ko. Ramdam ko na ang tama ng alak sa katawan ko. Pero pinilit kong idiretso ang tingin sa kaibigan ko.

Bad Habits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon