27

207 34 13
                                    

I felt like I'm dying inside. My body felt heavy and weak. I don't even know how to talk properly. Nakatulala lang ako sa kawalan. Hindi matanggap ng sistema ko ang lahat. Ayokong tanggapin at ayokong paniwalaan.

Fern took my hand and tried to comfort me. "Arden, everything will be okay."

Napapikit ako at umiling. "Don't worry, ayos lang ako."

Napaupo si Ryu sa harapan ko. Hinawakan din niya ang kamay ko at hinaplos-haplos 'yon. Nag-aalala silang dalawa at ayokong nakikita ang ganoong ekspresyon nila.

"Hindi ka ayos," sabi ni Ryu.

I glanced off. "I'm alright."

Mas nag-alala sila, hindi na lang nagsalita si Fern. Si Ryu ay tumabi sa akin at tinapik ang balikat ko. Pinigilan ko naman ang luhang nais kumawala sa mga mata ko.

"Maayos lang ako," ani ko.

Tumalikod si Fern sa akin at napatakip sa mukha niya. She silently hid her emotions. Rinig ko ang mahinang pagsinghot niya. Agad kong inalis ang atensyon sa kanya. Tumayo ako at walang sabing pumunta sa k'warto ni Ryu. Ramdam ko ang pagsunod sa akin ng kaibigan ko. Pagkapasok ko sa k'warto ay ibinagsak ko ang sarili sa kama. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at doon ko na napakawalan ang mga luha.

Ramdam ko ang pag-upo ni Ryu sa gilid ng kama. Naramdaman ko rin ang kamay niya sa likuran ko. He patted my back, wala siyang pinakawalang salita. Tahimik niya akong sinamahan sa kalungkutan ko. I let myself cried out loud. Halos hindi na ako makahinga dahil sa bigat ng pakiramdam. I felt like there is something stuck in my throat. Basang-basa na sa pag-iyak ko ang unan na nakatabing sa akin. Pero hindi ko 'yon inalala, inilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko. Tanging pag-iyak lang ang gusto kong gawin ngayon.

Tang ina! Sobrang sakit!

Pinagmukha nila akong tanga. Hindi ko lubos akalain na ang tinatawag kong ina ay hindi ko kadugo. Ang nakakatanga pa ay kaharap ko na pala ang tunay kong ina hindi ko pa naramdaman. Galit na galit ako sa kanila. Inililihim nila 'yon, at wala silang balak na ipaalam. Kung hindi ko pa sila nahuling lahat, baka hindi pa sila magsabi sa 'kin!

Ipinikit ko ang mga mata habang patuloy sa pag-iyak. Ramdam ko pa rin ang kamay ni Ryu sa likuran ko. Hindi ito napapagod sa ginagawa.

"A-arden?"

Idiniin ko ang unan sa tenga ko para hindi marinig si Ryu sa paghikbi.

Ayokong maawa sila sa 'kin. Ngayon lang 'tong sakit na nararamdaman ko. Naniniwala akong mawawala rin 'to.

•••

Someone tried to wake me up from a heavy sleep. Yinuyugyog niya ang braso ko at mahinang tinatawag ang pangalan ko. Inalis ko ang unan sa mukha ko at tumingin sa kanya. Tumambad sa 'kin ang nag-aalalang si Fern. Napasulyap ako sa orasan at 10:30 p.m na. Dahan-dahan kong binuhat ang sarili paupo, bigla ko pang nahawakan ang ulo dahil sa pagkahilo. Masakit din ang mga mata ko at alam kong namamaga na ito.

"B-bakit hindi ka pa umuuwi?"

She put a smile on her face. "Kain tayo."

"Umuwi ka na, Fern."

"I'll stay here."

"Why?"

Napayuko siya. "I just want to make sure you're okay."

"Maayos lang ako." Ihihiga ko na sana ulit ang sarili nang hawakan niya ang braso ko. Matamlay kong ibinaling ang tingin sa kanya.

"Naghanda si Tita Giyana ng pagkain. Hindi na masarap kapag lumamig," sabi niya.

Bad Habits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon