A Months later. . . .
"Kinakabahan ako!" ani ni Ryu habang naglalakad kami papunta sa classroom niya.
First day of class ngayon, second year na ako, si Haru ay third year at si Ryu ay huling taon na sa college.
"Bakit ka naman kinakabahan?"
"Sympre, bro, kapag hindi ako nag-aral nang maayos ngayon baka hindi ako maka-graduate!"
"Then study well," sabi ko.
"Tinatamad ako."
"Tch! Last year mo na ngayon tapos tatamarin ka pa?"
"Likas na sa 'kin ang katamaran, at tang ina bro kung sakali nagtatrabaho na ako tapos nag-aaral pa kayo ni Haru. Ayoko pa magmukhang matanda!" aniya.
Napatawa ako. "Tanggapin mo, gusto mo habang buhay ka na lang umaasa sa mga magulang mo?"
"Oo, mas ayos 'yon! At paano na ako makakapagbisyo kung nagtatrabaho na ako?"
"Magaling ka naman sa multi tasking, kayang-kaya mong pagsabayin 'yon," sabi ko.
Nagpakawala siya ng pilyong ngiti. "May naisip ako, bro!"
"Ano?"
"Ipapasok kasi ako ni dad sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya."
"Oh, tapos?"
"Kapag mataas na posisyon ko tapos kaylangan ko ng sekretarya samahan mo akong maghanap," sabi niya.
Naguluhan ako. "Ano'ng pinagsasabi mo?"
"Hahaha hindi mo nakuha?"
Umiling ako. "Nope."
"Ganito kasi 'yan, 'yong hahanapin nating sekretarya 'yong kaya rin mag-multi task," sabi nito sabay kindat sa 'kin. Nanliit ang mga mata ko at pilit na iniintindi ang sinasabi niya.
Taena hindi ko makuha ang ibig sabihin niya!
"Get straight to the point! Hindi ko talaga maintindihan," atungal ko.
"Tang ina, bro, bobo ka na? Nagbakasyon lang nawala na utak mo? Ang ibig kong sabihin 'yong sekretaryang all around, p'wede ikama, isahig, i-table at ibanyo!"
Gago ang puta! Walang pinagbago!
Agad ko siyang binatukan. Buti na lang malayo kami sa mga estudyante. Parang dati kaya kong sikmurahin ang sinasabi ni Ryu, ngayon ay nandidiri na ako.
Ang laki ng pinagbago ko! Proud ako sa sarili ko.
"Bibig mo paki-filter," ani ko. Naalala ko naman bigla si Fern. Classmate pa rin kaming dalawa, dahil nirequest ko kay Prof Hidalgo ang bagay na 'yon. Nagmakaawa ako kay prof para lang pumayag siya. Nilinis ko pa nga ang buong opisina niya. Niligawan ko talaga si prof at sa huli napapayag ko siya. Inilipat niya ako sa section kung saan nando'n si Fern.
"Inamo, Arden! Pangit mo ka-bonding," singhal niya.
Napailing na lang ako. Hinatid ko siya sa classroom niya. Walang kalagyan ang saya ni Ryu nang makitang may mga classmates siyang sexy at maganda. Pinanood ko pa kung paano niya tabihan ang isang cute size na babae. Maliit kasi pero sobrang ganda ng katawan.
Sinenyasan ako ni Ryu na umalis na. Ngumisi na lang ako sabay pag-alis. Masaya akong nagpunta sa building namin. Excited na akong makita si Fern. Pagkatapos kasi noong bakasyon namin sa Baguio ay hindi na kami madalas magkita. Noong makapasa nga si ate sa licensure exam ay hindi siya nakasama sa celebration namin. Paano ba naman kasi si ate ay nag-aya pumunta ng boracay. Kahit treat namin ay ayaw pa rin ni Fern. Nahihiya raw siya dahil family bonding namin 'yon. Inabala na lang niya ang sarili sa pagtatrabaho sa flower shop ng tita niya.
BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
Roman d'amourOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...
