Wala akong planong gala ngayong Sabado dahil kaylangan kong mag-review. Sa Lunes na ang quarter exam namin at kahit papaano seseryosohin ko. Hindi kasi tulad ng dati na may source ako ng sagot. Ngayon ay wala na, dahil si Fern na ang katabi ko.
Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko dahil madalas na akong mailang kay Fern. Hindi ko alam kung bakit at ayoko nang problemahin pa 'yon!
Ginugol ko lang ang buong araw sa pagbabasa. Nang magsawa ako ay gumawa na lang ako ng kodigo ko. Nilagay ko 'yon sa isang bondpaper. Hapon na ako natapos sa paggawa ng cheat sheet.
Tinatamad akong mag-memorize!
Pagkalabas ko ng k'warto ay nakita kong palakad si dad sa kinaroroonan ko. Patakbo akong nagpunta sa sala, kaso nahinto rin nang bigla niya akong tawagin.
"Arden," kalmado niyang tawag sa 'kin.
Humarap ako sa kanya. Hindi naman siya galit at hindi rin seryoso.
May inilabas siya sa wallet niya. Para namang kuminang ang mga mata ko nang makita ang tag-iisang libo roon. Humugot lang siya ng 3,000 at inabot 'yon sa 'kin. Walang pagtatanggi ko 'yong kinuha.
May pang-club ako bukas!
"Nagbigay ako sa 'yo para hindi ka na kumupit. Dahil sa oras na ulitin mo ang ginawa mong 'yon may kalalagyan ka sa 'kin," biglang pagseryoso niyang sabi.
Hindi na lang ako nakaimik nang umalis na siya. Hindi man lang ako natakot sa banta niya. Masaya ako dahil sa wakas nakahawak din ako ng pera. Panay isang daan lang kasi ang baon ko noong nakaraan.
Dumiretso ako sa living room. Nakita ko si ate na nagsusulat habang kumakain. Nahiga ako sa couch na nasa harapan niya. Saglit siyang tumingin sa 'kin.
"How are you?" tanong nito.
Ngumiti ako. "Masaya!"
"Dahil?"
Pinakita ko sa kanya ang 3k na binigay ni dad.
Napaawang ang bibig niya. "Bakit ako hindi binigyan? Ikaw na nga 'yong kumuha ng 10k niya tapos binigyan ka pa? Unfair!"I rolled my eyes. "Tch!"
Ibinalik niya ulit ang tingin sa notes niya. Habang ako kachat sina Haru at Ryu.
"Kapatid," biglang pagtawag ni ate.
"Ano?"
"Galit ka ba sa 'kin?"
Tumingin ako sa kanya. "Huh?"
"Hindi ba nga nagsabi ka ng nararamdaman mo noon samin ni mom. Gabi-gabi ko kasing iniisip 'yong sinabi mo. Sorry do'n sa parteng pinilit ko si mom na magpunta sa pageant ko. Naging close talaga ang isipan ko noon. Akala ko mas importante 'yong pageant ko kaysa 'yong graduation mo." Rinig ko ang lungkot sa tuno ng pananalita niya.
Hindi ako nagsalita. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Napanguso siya nang hindi ako umimik.
"Arden, galit ka talaga? Sorry na, nakokonsensya talaga ako kasi naghonor ka pa pala noon. Pinaghirapan mo 'yon tapos ibang tao ang nagsabit ng medalya mo. Babawi ako sa 'yo promise! Basta bati na tayo ah?"
May parang humaplos sa puso ko nang sabihin niya 'yon. Buti naman napagtanto na niya kung gaano kahalaga sa 'kin ang araw na 'yon.
Hindi pa rin ako nagsalita kaya agad siyang tumayo. Napangiwi pa ako nang umupo siya sa tabi ko at bigla akong niyakap. Hindi na nga ako makahinga dahil ang higpit ng yakap niya.
"Arzela!"
"Bati na tayo 'di ba? Sige ka iiyak ako rito!"
"Ang corny mo!"

BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
RomansaOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...