"Good afternoon and welcome to Premier University. Before our commencement procession begins, we ask for your cooperation with the following requests. For the safety of all of our graduates and guests, please keep the aisles clear. This means that you must remain in your seats during the ceremony and not stand in the aisles. We have screens all around the campus for you to view the activities, and a professional photographer is taking pictures of all of the graduates. Thank you all for helping to make this day safe and memorable. The procession will start at 3:30 p.m. You’ve all earned this day, so please enjoy the ceremony!”
Napatingin ako sa relo ko. 3:00 p.m na at kalahating oras na lang ay magsisimula na ang processional namin. Pinagmasdan ko ang buong paligid. Malawak ang venue pero halos hindi pa rin magkasya ang lahat. Habang isa-isa kong tinitignan ang lahat ng estudyante, namangha ako kay Moymoy. Napakarami ng fourth year college sa Premier University, at sa lahat ay si Moymoy ang may highest distinction.
"Arden."
Napatingin ako kay Fern nang kalabitin niya ako. "Bakit?"
May itinuro siya malayo sa amin. Nakita ko naman si ate, kumakaway siya sa akin. "Tawag ka ni Ate Arzela."
Agad akong tumayo, at buong tiyagang nagpunta kay ate. Medyo masikip kasi ang daanan paalis ng upuan ko. Iritado rin ako dahil maingay ang paligid. Nasa likuran ang puwesto ng mga magulang at kapamilya naming mga ga-graduate. Si ate naman ay hindi mapirmi sa upuan nila. Libot siya nang libot sa venue na akala mo ay barangay tanod.
"Ate?"
Hinapit niya ako palapit sa kanya. "Si Fern tawagin mo mag-picture tayo!"
"Baka magsimula na."
"Kaya nga tawagin mo na siya."
"Tinatamad na akong bumalik doon," atungal ko. Pinandilatan naman ako ni ate. Inalis na lamang niya ako sa harapan niya. Agresibo siyang tumalon-talon habang kumakaway kay Fern. Natatakpan na kasi ito ng mga estudyanteng nagsisitayuan.
"Fern!"
"Ate, ang ingay mo!" pagsita ko, pero hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy siya sa pagtawag. Ilang ulit pa niyang tinawag si Fern bago siya mapansin nito. Dali-daling lumapit sa amin si Fern nang makuha ang ibig sabihin ni ate.
"Ate Arzela!" bungad ni Fern. Walang kalagyan ang tuwa niya. Kaya napangiti rin ako.
Hinawakan siya ni ate at inilapit sa akin. "Smile kayo!" ani ni Ate. Sinunod namin siya ni Fern. Pero hindi niya kami kinuhanan ng litrato.
"Dali, Ate," atungal ko.
"Bakit ang layo mo, Arden? Dumikit ka naman," pagpuna ni ate sa akin. Doon ko lang napansin ang distansya namin ni Fern. Kagat labi akong umurong kaunti sa kanya. Ikinabigla ko naman ang paghawak ni Fern sa bewang ko. "Akbayan mo," suhestiyon pa ni ate. Inangat naman ni Fern ang paningin sa akin. Nakangiti siyang tumango, kaya sinunod ko na lamang ang gusto ni ate. Inakbayan ko si Fern.
Pagtapos ay sinimulan ni ate ang pagkuha ng litrato sa amin. Si Fern ay iba iba ang pose habang ako ay parang batong nakangiti lang.
"Kami naman ni Fern," sabi ni ate paglapit sa amin. Bumitaw ako kay Fern at kinuha ang camera kay ate. Kinuhanan ko sila ng litrato. Nahinto rin kami nang sinimulan na ang processional.
"All the graduates kindly line up in three columns," sabi ng M.C.
Tumugtog na ang processional march. Nagtagal kami dahil pahirapan sa paglabas ng venue. At nang tuluyan nang magsimula ay nagkahiwalay na kami ni Fern. Alphabetical kasi ang line up, at kahit sa pag-upo ay hindi na kami magkatabi.
Dahil na-practice namin nang maayos ang processional noon ay hindi na nahirapan ang mga prof na gabayan kami sa paglalakad. Natapos din agad ang processional, nang tuluyan na kaming makaupo ay sinimulan na ang program.

BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
RomanceOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...