Dahan-dahan akong naglakad papasok sa bahay namin. Luminga-linga pa ako, gabi na at alam kung nandito na si dad. Pagkatapos kasi ng klase ay gumala pa kami nina Ryu at Haru.
Marahan kong inihakbang ang mga paa papunta sa k'warto ko. Nang mapahinto na lang ako dahil tumambad sa harapan ko si dad. He glared at me. Sobrang sama ng tingin niya na animo'y lalamunin na ako ng buhay.
"Akala ko wala ka nang planong umuwi?"
"Dad, I'm tired," I said. Lalagpasan ko na sana siya nang buong puwersa niya akong hinila.
"Dad!"
"Halika ka rito mag-usap tayo." Pagkasabi niya non ay pabato niya akong binitawan. Nasa kusina kami malayo sa k'warto nila. Dahil kapag doon niya ako sinermonan ay sigurado akong magigising si mom. "Ano ba ang pinaggagawa mo sa buhay mo?" Pinilit niyang hininaan ang boses.
I looked at him, expressionless. "Nag-aaral naman ako tulad ng gusto mo."
Dinuro niya ako. "Oo nag-aaral ka, pero hindi maayos."
"Dad, bukas mo na lang ako sermonan."
"Saan ka natulog kagabi?"
"Kila Ryu," pagsisinungaling ko.
"Kakausapin ko 'yang mga kaibigan mo."
Napapikit ako dahil sa inis. "Dad, could you please stop bothering me."
Buong tapang ko siyang nilagpasan. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakaalis ay napahinto na ako. Isang bagay ang tumama sa mismong ulo ko. Sobrang sakit non at para akong mahihilo. Napatingin ako sa tumama sa akin, napaawang naman ang labi ko nang makitang libro 'yon.
"Wala kang respeto, Arden, lumalaki kang walang alam," kunot noong sabi niya.
Imbes na pansinin 'yon ay lakad takbo akong pumasok ng k'warto ko. Sinigurado kong nakalock ang pinto. Narinig ko naman ang malakas na pagkatok ni dad sa pinto ng k'warto. Nahiga na lang ako at itinaklob ang unan sa mukha ko.
Kung p'wede lang na palitan ang mga magulang ginawa ko na. Si mom? Tch! Isa rin 'yon, si ate na lang ang laging kinakampihan. Naalala ko pa no'n na si ate ang palagi niyang inuuna. Tuwing may meeting sa school, may family day, at kuhanan ng card. Hindi nga rin siya pumunta noong graduation ko sa high school. Paano ba naman kasi, may pageant no'n si ate at 'yon ang pinuntahan niya.
Napakahalaga ng graduation sa akin. Pero ang ending 'yong mom ni Haru ang nagsabit ng medalya ko. Sayang nga dahil pinagsikapan kong makasali sa honors no'n para sa kanila. Pero walang pumunta sa graduation ko ni isang kapamilya. Kaya hindi nila ako masisisi kung bakit ganito ang trato ko sa kanila.
Hindi ako galit sa ate ko, sa katunayan nga mahal na mahal ko siya. Kung sino man ang dapat kagalitan ko ay ang mga magulang ko.
•••
"Siguraduhin ninyong mag-re-review kayo. Ang bumagsak sa assessment i-ho-hold ko ang grade," seryosong saad ni Mrs. Bautista ang teacher namin sa managerial economics.
I called Haru pagkaalis ni Mrs. Bautista. "Hey," bungad ko.
"Break time na namin kayo rin ba?"
"Oo, pumunta ka na rito."
"Nand'yan si Fern?"
"Yup," pagkasabi ko in-end niya agad ang tawag. Naglakad naman ako palapit kay Fern. Nagbabasa siya, so I sat beside her.
"Bakit?" tanong nito habang nasa libro ang atensyon.
"Pupunta rito si Haru," I said. Nanatili lang siyang nagbabasa. "Pupuntahan ka niya," saad ko pa.
BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
RomanceOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...
