08

152 20 0
                                        

"Doon ka mag-uumpisa sa first floor," sabi ng lalaking teacher na mag-mo-monitor sa 'kin. Tumango na lang ako bago siya umalis.

Maaga akong pumasok para masimulan ko agad ang paglilinis. Para na rin walang masyadong estudyante. 3:30 a.m gising na ako, at 4:00 a.m ako pumasok. Hindi na ako nag-umagahan at sinigurado kong hindi ako makikita ng pamilya ko. Ayoko rin na makita pa si mom, maiinis lang ako.

Kinuha ko ang walis tambo at mabilis na bumaba sa first floor. Nakangiting bumungad sa 'kin ang janitor. "Sa wakas mababawasan ang trabaho ko," saad nito na hindi ko naman ikinatuwa.

Hindi ko siya pinansin at nagsimula na lang magwalis. Sinimulan ko sa hagdanan, may mga ilang estudyanteng dumadaan sa nililinisan ko kaya napapabuntong hininga na lang ako. Kahit gusto ko silang sigawan hindi p'wede dahil nakita kong nakabantay sa akin 'yong nag-mo-monitor.

Nagpatuloy lang ako, pagtapos sa hagdanan ay sa hallway naman ako nagwalis. Sinigurado kong maayos ang ginagawa ko para hindi ako mag-ulit.

"Iho, pagkatapos mo d'yan doon ka sa banyo," sabi ng janitor na ikinasama ng pakiramdam ko.

Tang inang buhay 'to!

"Okay," usal ko na lang. Tumingin pa ako sa relo ko, 5:30 a.m na at mamaya lang dadami na ang estudyante.

Agresibo kong hinampas-hampas sa sahig ang walis nang hindi ko matanggal ang nakadikit na gum.

Sino ba kasing gago ang nagtapon nito rito?

Naupo ako at buong lakas na pinadaan ang walis sa gum para matanggal 'to.

"Hindi mo matanggal 'yan sa gan'yan lang."

Inangat ko ang paningin sa nagsalitang 'yon. Bumungad sa akin ang nakangising si Fern. Walang sabi siyang umupo rin at may kinuha sa bag na tissue. Pinanood ko lang siya habang dinadampot ang gum sa sahig. Nang matanggal niya 'yon ay itinapon niya sa basurahan.

Tumayo ako nang bumalik siya sa kinaroroonan ko. Kaunti na lang magpapantay na ang paningin namin dahil nga matangkad siya.

"Nice," saad ko na lang.

Lumawak ang pag-ngisi niya. "Asaan na 'yong baka Arden 'to?' Nalaos agad?" panggagaya niya sa sinabi ko noon.

"This is all your fault, Ms. Alcazar," kunot noo kong sabi.

Napatawa siya sabay tapik sa balikat ko. "Thanks doon sa pag-save sa akin, pero hindi ko na kasalanan iyang binigay sa 'yong parusa. Dahil sa mga kalokohan mo kaya ka naglilinis ngayon."

"Tch, sana pala hindi na lang kita tinulungan."

"Sus! Hindi ka naman gano'n kasama para baliwalain 'yong kalagayan ko noon," saad niya na ikinatahimik ko. Nang hindi na ako umimik ay nagpaalam na siya. Tulala lang ako sa walis na hawak.

Hindi ako masama sa paningin niya?

Napangisi ako.

Hindi naman talaga ako masama! Sobrang bait ko nga 'e!

"Mr. Claverya, wala ka bang balak na tapusin ang ginagawa mo?"

Nagulantang ako nang makita ang nag-mo-monitor sa harapan ko. Itinuloy ko na lang ang paglilinis sa hallway at pagkatapos nagpunta na sa banyo. Pigil hininga akong nag-map sa comfort room ng mga lalaki. Sa sobrang dumi ay nasusuka na ako.

Mabilis ko 'yong tinapos at nang maayos ko na lahat sa first floor ay pinapasok na ako sa klase. 7:30 a.m ako natapos at 8:30 a.m naman ang umpisa ng klase. Kaya may isang oras pa ako para magpahinga. Bukas daw sa second floor naman ako maglilinis.

Bad Habits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon