Halos isang linggo na ang nagdaan pero hindi pa rin ako pinapansin ni Haru. Tuwing kakausapin namin siya ni Ryu ay iiwas siya. Hindi na rin siya madalas sumama sa mga gala namin. Si Fern lang ang palagi niyang kasama. Walang alam si Fern sa kalagayan namin ni Haru. Hindi ko na lang sinabi dahil problema naming magkakaibigan 'yon.
Bisperas ngayon ng party namin. Nandito ako ngayon sa apartment nila Fern. Bago kami pumunta sa bahay ay didiretso muna kami ng school. Aalamin namin kung nakapasok ba ako sa dean's lister. Lumabas na kasi ang final grades namin.
Habang nag-aayos ng gamit si Fern ay kausap ko si Ryu sa phone.
"What's wrong with Haru? Nakakairita na siya, hindi ko siya maintindihan. Stress ba siya sa study o may galit sa atin?" singhal ni Ryu.
"I was thinking the same thing," giit ko.
Kahit si Ryu hindi na niya pinapansin!
"Putang ina niya! Sarap basagin ng mukha! Ang arte-arte, p'wede naman niya tayong kausapin kung may problema siya sa atin. Ano ba tayo? Manghuhula?"
"Tatawagan ko siya mamaya, kapag binabaan ulit ako bahala na siya sa buhay niya."
"Ako rin tatawagan siya, kapag hindi sumagot h'wag na siyang magpakita sa 'kin."
Ilang minuto pa kaming nag-usap. Nang handa na si Fern sa pag-alis ay nagpaalam na ako kay Ryu. Habang nasa byahe kami ay iniisip ko pa rin si Haru. Naninibago ako sa kilos niya. Madalas kaming nag-aaway noon pero hindi naman niya ako natitiis. Siya pa nga ang nakikipagbati sa 'kin. Pero ngayon parang wala ata siyang balak na kibuin ako.
"Ikaw magbayad," bulong ni Fern.
Sa jeep kami sumakay, gusto raw magtipid ni Fern. Makakatipid naman talaga siya dahil ako ang magbabayad.
Medyo nagtagal ang byahe namin dahil sa traffic. Nang makarating kami sa school ay nagpunta kami sa opisina ni Prof Hidalgo.
"Kinakabahan ka?" tanong ni Fern.
"Hindi."
"Sus, nanginginig kamay mo," ani niya.
Itinago ko ang kamay sa kanya. Totoong kinakabahan ako, idagdag pa ang pag-aalala. Paano kung hindi ako nasama sa dean's lister? Baka ma-disappoint sa 'kin si Fern.
Sana makapasok! Gusto kong maging proud si Fern!
"Hahanapin ko lang ang record n'yo," ani ni prof. Sabay kaming tumango ni Fern. Nakaupo kami sa harapan ni prof. Sumisilip pa si Fern sa laptop niya kaya tahimik ko siyang pinigilan.
"H'wag kang excited," usal ko.
"Kinakabahan ako sa exam ko."
"Don't worry, pasado ka naman do'n sa major exam."
"Pasado pero mababa."
Medyo mababa nga ang nakuhang score ni Fern sa huling exam namin no'n. Iyon 'yong panahong hindi siya makapag-focus dahil kay Haru.
Inangat ni prof ang paningin niya sa amin. "Congrats, Ms. Alcazar, pasok ka sa dean's lister!"
Tuwang-tuwa si Fern gayon na rin ako. "Thank you, sir!"
Sa akin naman tumingin si prof.
Ito na! Kinakabahan ako!
"Akala ko hindi mo na aayusin ang pag-aaral mo. Natuwa nga ako nang makitang mataas na ang nakukuha mo sa exam, written output, attendance, performance, quiz, at activity. Lahat ng 'yon pinagtuunan mo ng pansin. Masaya akong sabihin sa 'yong kasali ka sa dean's lister, ipagpatuloy mo lang ang pag-aaral nang mabuti."
BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
CintaOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...
