A few days passed and I haven't talk to her. Sinubukan kong kalimutan ang presensya niya. Inabala ko ang sarili sa mga bagay na wala siyang kinalaman.
"Ano'ng lagay ng exam mo?" tanong ni ate. Nakahiga ako sa couch habang tutok sa pinapanood ko. Hindi ko siya pinansin at nanatiling tahimik. "Hoy! Sabihin mo nga sa 'kin, maayos ba exam mo?"
"Maybe."
"Ewan ko sa 'yo, Arden! Hindi ko man lang nakitang naghawak ka ng libro. Paano ka papasa sa board exam kung gan'yan ka?"
"Arzela, pakihinaan boses mo."
Naiinis siyang tumabi sa 'kin. "Ano'ng balak mo?"
"Magpahinga."
"At sirain ang pag-aaral mo?"
"Hindi ko sinabing sisirain ko ang pag-aaral ko."
"Baliw ka ba! Ginagawa mo na nga 'e! Imbes na mag-review ka sa exam n'yo, panay ka tulog, at panonood!" sobrang lakas ng boses niyang pagkakasabi, buti na lang nakaalis na si dad.
"Pasalamat ka hindi ako naglalasing."
"Wow! Ako pa talaga ang magpapasalamat sa 'yo! H'wag kang magpaka-broken d'yan! Ayusin mo ang sarili mo. Nagmumukha ka lang tanga sa ginagawa mo. Tinatamad ka mag-aral dahil ni-reject ka ni Fern? Sa tingin mo ba kapag sinira mo ang pag-aaral mo, magiging kayo ni Fern? Sarili mo lang ang pinapahirapan mo, Arden!" sigaw niya sa 'kin.
Tumayo ako at iniwan siya sa sala. Sinigawan pa niya ako pero nagtuloy-tuloy lang ako sa paglabas ng bahay. Walang gana akong naupo sa harap ng gate at tinawagan si Ryu. Hindi ito sumagot kaya hinayaan ko na lang.
Napabuntong-hininga ako nang maalala ang ginawa ko noong exam week. Nagpuyat ako sa panonood, hindi nag-review at nagkulong ng k'warto. Hindi man lang ako nakaramdam nang pagsisisi sa ginawa ko.
Bahala na kung bagsak ako sa exam. Wala na rin akong pakialam sa dean's lister.
Tumayo ako at inayos ang sarili. Nagsimula akong maglakad palabas ng village. Dala ko naman ang pera ko kaya p'wede akong makagala.
Nagpunta ako sa isang mall. Plano kong abalahin ang sarili roon. Tumawag pa si ate sa 'kin at pilit akong pinapauwi.
"Nasaan ka?"
"Mall."
"Ano'ng ginagawa mo r'yan?"
"Gagastos. May gusto ka bang ipabili?"
Napabuntong-hininga siya. "Anong oras ka uuwi?"
"Kung kaylan ko gustong umuwi."
"Ano ba naman 'yan, Arden! Ilang taon ka na ba? Hindi ka naman na bata pero bakit gan'yan pag-uugali mo?"
"Nasa mall lang naman ako. Ano ba'ng masama sa pagpunta rito?"
"Ewan ko sa 'yo! Umuwi ka agad at 'wag kang pupunta sa bar! Kapag hindi mo ako sinunod, isusumbong ko na kay dad lahat ng pinaggagawa mo!"
Agad kong ibinaba ang tawag.
Uuwi ako nang maaga. Gusto ko lang libangin ang sarili ko.
Nagpunta ako sa cinema. Horror movie ang pinili kong panoorin. Pagkapasok sa sinehan ay nagsimula na ang movie. Tutok lang ako sa panonood. Habang malakas naman ang paghiyaw ng mga tao sa mga nakakatakot na eksena ng pelikula.
"Arden?" Naigawi ko ang paningin sa tumawag sa 'kin. Hindi na ako nagulat nang makita si Kesha sa gilid ko. Kakaupo lang niya at titig na titig sa 'kin. "You're here," nakangiting ani niya.

BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
RomanceOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...