Kasama ko si Haru habang nasa labas ng night club. Pagkarating ni Ryu aalis din si Haru. Uuwi raw kasi ngayon ang dad niya kaya hindi siya p'wedeng magpagabi.
"Saan ka matutulog n'yan?" tanong niya.
Labis ang pag-aalala niya kaya natawa ako. "Siguro kila Ryu o p'wede rin mag-hotel na lang," sagot ko.
Nagtaka siya. "May pang-hotel ka?"
"Kumupit ako kay dad," taas noo kong usal.
Napailing naman siya, parang gusto pa nga niya akong pangaralan. Dati rati naman sinasabayan pa niya ang trip ko. Kaso dahil nagbabago na nga siya hindi na siya natutuwa sa mga kalokohan ko.
"Magkano?"
"10k," sagot ko na ikinagulat niya.
"Taena mo, Arden! Kupit pa ba tawag do'n?"
"Easy ka lang."
"Ang laking pera n'yan!"
"Barya lang iyang 10k sa dad ko," nakangisi kong saad.
Napabuntong hininga siya. "Hindi barya 'yon! Pinaghirapan pa rin 'yon ng dad mo."
"H'wag mo na akong sermonan, Haru."
"Nag-aalala lang ako, kasi siguradong wasak mukha mo pag-uwi."
"Ede hindi ako uuwi," kalmado kong usal.
Imbes na pangaralan ako ay tumahimik na lang siya. Habang tumatagal umaayos ugali nitong si Haru.
"May tanong ako," saad ko.
"Ano?"
"Nagbabago ka ba talaga para kay Fern?"
"Yes, at para kay eomma," sagot niya.
"Nalaman ba ni Tita Tessa mga kalokohan mo?"
Sumilay sa kanya ang malungkot na ekspresyon. "Oo, may nagsabi sa kanya."
"Sinong pabida naman ang nagsabi?"
"Iyong kapitbahay namin, nakita niya tayo sa club noon tapos saktong may kahalikan ako," iritado niyang sagot.
"Ano'ng ginawa sa' yo ni Tita Tessa? Sinampal ka? Minura? Pinalayas?"
Natawa siya sa mga pinagsasabi ko. "Hindi, mabait si eomma hindi niya kayang gawin sa akin 'yon. Pinagsabihan lang niya ako na h'wag ko nang uulitin. Hindi raw niya ipararating kay appa lahat ng pinaggagawa ko basta baguhin ko na raw sarili ko."
Ang bait talaga ni Tita Tessa. Ang saya sigurong magkaroon ng nanay na katulad niya.
"Suwerte mo hindi ka sinaktan physically."
"Mabilis siyang makonsensya, hindi 'yon nakakatulog kapag nag-aaway kami."
"Ibang-iba pala sa mom ko, kasi 'yon nakakatulog pa ng mahimbing kahit pinalayas na ako hahahaha!" Tumawa lang ako kahit may kaunting kurot sa puso ko.
Nag-alala naman agad siya. "A-arde—"
"Oh! Ryu!" Mabilis kong sinalubong si Ryu na palapit sa amin. Kaya hindi na naituloy ni Haru ang sasabihin.
"Mga bro may ipapanood ako! Viral ngayon, nagpa-send ako sa fb friends ko hahaha!" bungad niya sa amin.
Nagkatinginan kami ni Haru. "Ano naman 'yon?" tanong ni Haru.
Hinarap sa amin ni Ryu ang phone niya. Napanganga ako sa nakitang video, nakaplay pa 'yon.
"Ayoko na manood ng gan'yan!" Inilayo ni Haru ang paningin sa malaswang video.

BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
RomantiekOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...