Freshman and Sophomore Night Pt. 1
Inaayusan ni ate si Fern sa k'warto niya. Gusto ko man pumasok pero ni-lock nila ang k'warto. 8:30 p.m magsisimula ang party, may isang oras pa kami para mag-ayos.
Habang nagpapalit ako ay napatitig ako sa salamin. Kaylangang mas angat ako sa kag'wapuhan. Hindi ako papayag na makuha ni Haru ang atensyon ni Fern.
Napangisi ako sa isiping 'yon.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ko sa salamin. Nakabrush up ang buhok ko at bumagay 'yon sa suot kong suit. Pagkalabas ko ay napahinto pa ako sa k'warto ni ate. Kumatok ako roon pero ayaw talaga nilang buksan.
"It suits you well." My mom suddenly caught my attention. Malawak ang ngiti niya sa akin.
"I confidently believe that, Mom," pagmamayabang ko.
She chuckled. "Kamukhang-kamukha mo ang dad mo noong kabataan niya."
"Really?"
"Oo para nga kayong carbon copy."
"Kahit ugali ba, Mom?"
"Kung sa bisyo magkaugali talaga kayo," natatawang sagot ni mom.
Hindi na ako naiilang sa kanya. Maayos na nga talaga kaming dalawa.
"Thank you, Mom," biglang saad ko.
"For what?"
"For being my mom."
She held me close to her and hugged me. I closed my eyes as I gently touched her back. Pagkaharap niya sa 'kin ay hindi na siya umimik. Tanging pagngiti at pagtapik sa balikat ko ang ginawa niya. Tumango na lang ako nang maglakad na siya paalis.
Naupo ako sa living room habang hinihintay si Fern. Pinagamit sa 'kin ni dad ang kotse niya. Kaso sa tingin ko ay hindi sa akin sasabay si Fern. Susunduin siya rito ni Haru and speaking of Haru. Narinig ko na ang busina ng kotse niya mula sa labas. Si mom ang lumabas ng bahay para puntahan si Haru. Maya-maya lang ay pumasok na siya sa bahay. Iginaya siya ni mom sa living room. Nang makita niya ako ay tahimik siyang umupo malayo sa akin.
He paid attention to his phone. Wala itong balak na tumingin o makipag-usap man lang sa 'kin. I clenched my fist and gave him a serious look.
"Haru."
I drew his attention. "Bakit?"
"Is there something wrong?"
"Wala."
"Bakit hindi mo kami pinapansin ni Ryu?"
"Not now, Arden," saad niya sabay pagbalik ng atensyon sa phone niya.
"Kaylan mo gustong pag-usapan 'yang problema mo sa amin?"
Ibinulsa niya ang phone niya. "Sa amin?"
Napakunot ang noo ko. "Bakit? Sa akin ka lang ba may problema?"
Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Masyado siyang seryoso at ngayon ko lang nakita ang gan'yang kilos niya.
Tumayo ako para lapitan siya. Nakaupo pa rin siya habang nakaangat ang paningin sa akin.
"Ano ba talagang problema mo sa 'kin? May nagawa ba ako sa 'yo?" inis kong tanong. Hindi siya nagsalita nanatili siyang tahimik. Nang mas mainis ako sa kanya ay tinadyakan ko ang inuupuan niya. "Nakakagago ka, Haru," saad ko pa.
Tumayo ito kaya nagpantay ang paningin namin. Nanatiling tikom ang bibig niya dahilan para makaramdam ako nang matinding galit.
"Sabihin mo kung ano'ng problema mo," may kahinaan ang boses na usal ko.
BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
عاطفيةOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...