36

202 37 12
                                        

Blanko ang isipan ko habang naglalakad paakyat sa classroom. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari sa amin ni Fern. Hindi ko nakalimutan 'yon at tuwing naaalala ko ay para akong kinakain ng kahihiyan.

I don't know how to approach her anymore. Ano ang sasabihin ko kapag nakita ko siya? Paano ako kikilos sa harapan niya?

Napahawak na lang ako sa buhok ko at ginulo 'yon.

I'm afraid that I might lose her because of what I did last night.

Kahit kinakabahan ay desido pa rin akong magpakita sa kanya. Pagkapasok ko sa classroom ay tumambad sa 'kin si Fern. Palabas na sana siya kaso nahinto nang makita ako. Napansin ko ang pagpapanic niya. Dali-dali itong bumalik sa upuan niya. Hindi na niya nagawa pa ang balak na paglabas.

I sighed.

She's ignoring me.

Tahimik na lang akong naupo sa tabi niya. Binuklat ko ang libro ko at nag-umpisang maghighlight doon. Sinulyapan ko rin siya, diretso lang ang tingin nito sa board. Wala namang nakasulat pero nanatili ang tingin niya roon.

Nang magsimula ang klase namin ay mas lalo kaming natahimik. Tutok ang atensyon ko sa prof pero ang isipan ko ay naka'y Fern.

"Ms. Alcazar," tawag sa kanya ng prof.

"Po?"

"Mag-aya ka ng isang classmate mo, may ipagagawa ako sa inyo."

"O-okay po, ma'am."

Tumayo siya kaya naman agad akong nagsalita. "Fern, sasamahan kita," suhestiyon ko. Pero nagtaka ako nang hindi niya 'yon pansinin. Lumapit siya kay Andrei at inaya 'to. Napatingin pa si Andrei sa 'kin at kay Fern.

"I'm busy," sabi nito kay Fern.

"Sandali lang naman."

"Why me? Nand'yan si Arden." Itinuro pa ako ni Andrei.

Hindi tumingin sa 'kin si Fern. "Sige na, sandali lang talaga 'to."

Napabuntong hininga na lang ako. Wala ng nagawa pa si Andrei, sumama siya kay Fern kahit labag sa loob niya. Pinanood ko silang dalawa habang palapit sa teacher.

This is what I'm scared of. Ang mag-iba ang pakikisama niya sa 'kin.

Taena! Bakit ko ba kasi ginawa 'yon?!

Nakita ko ang paglabas nila ni Andrei. Ilang minuto pa ang tinagal nila bago makabalik. May dala silang mga libro at inutusan silang ipamahagi sa amin 'yon. Sa side ko sana magbibigay ng libro si Fern. Kaso nakipagpalit siya kay Andrei.

Iniiwasan talaga niya ako.

Inilapag ni Andrei ang libro sa lamesa ko. "Lutang 'yang kaibigan mo."

"Bakit?"

"Muntikan pa naming hindi makuha 'tong mga libro. Paano ba naman kasi, paiba-iba 'yong sinasabi sa prof."

Napatingin ako kay Fern. Maya-maya lang ay naupo na siya sa tabi ko. Sinubukan kong kausapin siya pero hindi ito sumasagot.

She ignored my existence, and I felt like I'm dying inside.

Hinayaan ko na lang siya. Hanggang lumipas ang ilang oras at hindi pa rin niya ako pinapansin. Alam kong naiilang na siya sa 'kin. Kaya nagsisisi ako sa ginawa ko kagabi.

Tang ina kasi, Arden! Padalos-dalos!

"Okay, class, pagbutihan n'yo ang pag-re-review para sa first semester exam natin. Next week na 'yon kaya maghanda kayo," bilin ng prof. Umuo ang lahat gayon din si Fern.

Bad Habits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon