Kila Haru pa rin ako tumuloy. Hindi ako umuwi sa amin dahil ayoko pang harapin ang pamilya ko. Buti na lang nasa business trip ang dad ni Haru. Isang linggo ako p'wedeng makitulog sa kanila.
Habang naglalakad sa hallway ay kausap ko si ate.
"Umuwi ka na mamaya, Arden," saad nito.
"Ayoko."
"H'wag ka nang mag-inarte, nag-aalala na kami sa 'yo."
"Baka ikaw lang nag-aalala sa 'kin."
"Kahit si mom nag-aalala rin sa 'yo."
"Ayokong umuwi, Arzela," pagmamatigas ko.
She sighed. "Pupunta ako sa building n'yo mamaya, susunduin kita."
Napahinto ako sa hagdanan. "H'wag na, Arzela."
"Anong h'wag? Arden, magtino ka nga! Ano ba'ng pinaggagawa mo?"
"H'wag mo akong pangaralan."
"Kung hindi kita sasabihan magbabago ka ba?"
"Kahit sabihan mo ako o hindi, gagawin ko kung ano'ng gusto ko."
"Ano ba naman 'yan, Arden!"
"Kaya mo ba akong ipagtanggol kay dad? Pag-aalala lang naman ang kaya mo, Arzela," inis kong sabi.
Sumisinghot na siya sa kabilang linya. "Ewan ko sa 'yo! 'Yong boyfriend ko hindi ako kaylanman pinaiyak, pero ikaw gabi-gabi kitang iniiyakan!"
Narinig ko ang biglang paghikbi niya. Ramdam ko ngang umiiyak na siya.
I sighed in disbelief. "Could you please stop crying?"
"U-umuwi ka na kasi, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ako nakakatulog gabi-gabi kasi wala ka."
"Safe ako, Ate, kasama ko si Haru," kalmado kong saad. Ayoko namang mastress lalo 'tong kapatid ko kapag nagalit pa ako.
"Hindi sapat 'yong alam ko lang na nandoon ka kila Haru. G-gusto ko nakikita ka mismo. . . ."
"Sige, uuwi na ako mamaya, basta h'wag ka nang umiyak," kumbinsi ko sa kanya. Hindi ko naman na narinig ang hikbi niya.
"Sabay tayong umuwi para hindi ka masaradohan ng pinto," suhestiyon niya.
"Okay."
"Take care, Arden! Love na love ka ni ate, kaya lagi mong tatandaan na may nag-aalala sa 'yo," malambing na sabi niya.
Ibinaba ko agad ang tawag. I sat down on the stairs. Napatitig ako sa kawalan habang iniisip ang sinabi ni ate. Parang may humaplos sa puso ko nang sabihin niyang mahal na mahal niya ako.
Kaysa magpakain sa iniisip ko ay inilabas ko na lang ang sigarilyo sa bulsa ko. Sinindihan ko 'yon gamit 'yong lighter na hiniram ko kay Haru. Luminga-linga pa ako sa paligid. Buti na lang walang mga estudyante at teachers. Tahimik kong inubos ang sigarilyo. Pagtapos ay kumuha ulit ako ng isa at humithit pa. Nakagagaan ng pakiramdam.
"Ano ba! Kapag hindi mo ako binitawan masisira mukha mo!"
Naiangat ko ang panginin sa hallway kung saan ko narinig ang sigaw na 'yon.
"Halika na kasi."
Pamilyar ang mga boses nila. Hanggang mapagtanto ko na nga kung sino ang mga 'yon. Nakita ko si Fern na hinihila ni Harith. Dahil mas malakas si Harith ay nabuhat niya si Fern.
Itinapon ko ang sigarilyong hawak at tinapakan 'yon bago sumilip kila Harith. Buhat-buhat niya ang nanlalaban na si Fern. Pilit niya itong ipinasok sa banyo na malapit sa kinaroroonan ko. Ibinaba ko ang bag ko at patakbong pumunta sa kanila. Nakapasok na sila sa banyo, hindi na ako nakahabol pa nang ilock ni Harith ang pinto.
BINABASA MO ANG
Bad Habits (COMPLETED)
RomanceOne of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone else? Are you going to wait? What if you've waited but still that someone can't love you? Will you acce...