PROLOGUE

7.5K 178 13
                                    

ARTHEMIS POV:

Matalim akong nakatingin sa aking magaling na pinsan habang at home na at home itong nakaupo sa couch ko na nandito sa loob ng aking opisina.

Maya-maya ay tumayo ito at lumapit sa akin, kaya naiinis na binaba ko ang ginagamit kong ballpen sa pagpirma ng mga papeles na dala-dala niya kanina.

"Alam mo Arthemis, kung nakakamatay lang ang titig mo, siguro kanina pa akong nangisay dito" sambit nito, kaya napairap ako sa kanya.

Pasalamat siya hindi talaga nakakamatay ang titig kundi kanina pa siya nangisay.

"Alam mo Aubrey, kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko na huwag kang patayin dito mismo sa loob ng opisina ko" gigil na sambit ko na ikinatawa niya.

"Relax Arthemis, masyado ka namang magagalitin" ani pa nito.

"Umalis ka nga muna dito sa opisina ko Aubrey, at baka di ko mapigilan ang sarili ko, mapatay kita" banta ko sa dito.

Pero ang loka tinawanan lang ako.

"Nakakatawa ka talaga Arthemis, buti nakakaya ka pang pakisamahan ng sekretarya mo" bigla namang nagpantig ang tenga ko sa aking narinig,

Kaya ngumisi ako sa kanya at itinukod ko ang aking dalawang siko sa aking office table at pinagsiklop ko ang aking mga palad.

Hindi pwedeng kinakaya-kaya niya lang ako, dahil hindi ako papayag!!

"Masama lang ugali ko, pero di ako manyak na katulad mo na papalit-
palit ng sekretarya para dalihin" bigla namang napatikom ang bibig nito at walang sabi-sabing lumabas ng aking opisina.

Pikon.

Anong akala niya sa akin, di ko alam ang mga kalokohan na ginagawa niya dito sa kumpanya.

Kung pwede ko nga lang siyang tanggalin dito ay baka matagal ko na itong ginawa.

Napailing na lang ako at saka inayos ko ang aking pagkakaupo at  bumalik sa aking ginagawa.

Abala ako sa pagbabasa at pagpirma ng mga papeles ng kumatok sa pintuan ang aking secretary.

"Come in" sigaw ko para marinig niya.

Nakatungo naman itong pumasok sa loob ng opisina ko at tumigil sa harapan ko.

"Ms. Rivas nandyan po si Sister Hailey ng St. John Church" sambit nito habang nakatungo pa rin.

Ganto lagi silang makipag-usap sa akin, halos lahat sila ay ayaw salubungin ang mga mata ko.

Takot na takot sa akin, hindi ko naman sila kakainin ng buhay.

"Sige, papasukin mo" utos ko dito.

Lumabas naman ito at saka pumasok ang isang madre.

"Magandang araw Ms. Rivas" bati nito sa akin, na ikinatigil ko.

Pamilyar na pamilyar sa akin ang boses niya.

Ang boses na hinding-hindi ko pagsa-
sawaang pakinggan.

Nag-angat ako ng tinggin sa kanya, at ng magtama ang aming mata ay agad na nanikip ang aking dibdib, kaya napakuyom ang aking palad upang hindi kumawala ang sakit na aking nadarama ngayon.

"Take a sit, Hailey" sambit ko at napakagat ako ng labi ng banggitin ko ang kanyang pangalan.

Mabilis naman siya umupo sa upuan na nasa harap ng office table ko.

Pag-upo nito ay saka nito inabot sa akin ang isang invitation.

Pag-abot ko sa invitation ay hindi ko sinasadyang mahawakan ang kanyang kamay, kaya agad akong natigilan ng maramdaman ko na naman ang kuryenteng dumaloy galing sa kanya hanggang sa akin.

"Ehem" pekeng ubo nito, para tawagin ang aking pansin dahil saglit akong natigilan.

"Malapit na ang anibersaryo ng St. John, kaya pinapaabot ni Father Erick ang imbitasyon na ito, nawa'y makarating ka" nakangiting paanyaya nito, na ikinairap ko sa aking isipan. Paano niya nagagawang ngumiti sa akin ng ganyan na tila ba wala kaming nakaraan?

"Kase nga madre siya"  sambit ng mahadera kong utak.

"Hindi ka na sana nag-abala, pwede namang  i-email niyo na lang ito sa akin" sambit ko, habang pinipigilang hindi pumiyok dahil nararamdaman kong naiiyak na naman ako sa pambabaliwa ng babaeng ito sa akin.

"Malaki kase ang pasasalamat ng simbahan sa tulong na ibinibigay mo kaya naman personal naming binigay ang imbitasyon sayo" paliwanag nito at saka ngumiti sa akin.

Napakaduga niya, paanong hanggang ngayon ay hindi pa din ako nakakamove- on sa kanya, tapos ito siya sa harap ko at umaakto na para bang isa lamang ako mabuting tao na dapat pasalamatan dahil sa pagtulong ko sa kanilang simbahan.

Hindi niya man lang ako kumustahin. Tulad ng "Hi Arthemis, kumusta kana? Mahigit apat na taon na din pala mula ng magkita tayo"  wala manlang ganyan.

"Ms. Rivas, why are you crying?" nag-aalalang tanong nito, kaya mabilis kong pinunasan ang aking mga luha.

Di ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako sa harap niya.

Napalunok at saka ako tumingin sa berde niyang mata.

Pagkakataon ko na ito para tanungin siya ng mga katanungan na gustong-
gusto kong sabihin sa kanya.

"Hailey, bakit?Bakit mo piniling mag madre kasya ang sumama sa akin? Akala ko ba mahal mo ako?" buong hinanakit na tanong ko dito na ikinatigil niya.

"Mahal ko ang Diyos, Arthemis" simpleng sagot nito.

"Pwede mo namang mahalin at paglingkuran ang Diyos ng hindi nag mamadre"

Totoo naman diba?

Kung totoong mahal mo ang Diyos pagsisilbihan mo siya, at hindi mo na kailangan mag pari o madre para lamang ipaabot ang pagmamahal mo sa Kanya.

"Napag-usapan na natin ito Arthemis, kalimutan mo na ako. Patuloy ka lang masasaktan kung patuloy mo akong mamahalin, hindi tama ito bukod sa madre ako ay pareho pa tayong babae." para namang gumuho ang mundo ko sa binanggit niya.

Oo nga naman madre siya.

Tapos pareho pa kaming babae, maling-mali talaga.

"Masaya ka ba Hailey?" buong tapang kong tanong sa kanya.

"Masaya ako Arthemis, sobrang saya ko" masayang sambit nito at saka ngumiti sa akin.

Kaya wala akong gawa kundi ang tumungo.

Bakit ganto? Di ba dapat maging masaya ako na masaya siya?

Bakit ganto?

Bakit ganto kasakit?

"Ma--makakaalis kana" nahihirapan kong sambit.

Paglabas niya sa aking opisina ay pinunasan ko ang luhang pumatak galing sa aking mga mata.

Ikaw naman kase heart sa daming mamahalin bakit yung madre pa?

••••••

Munting paalala lamang po:

Ang mga tauhan, lugar, pangyayari ay gawa lamang ng aking imahinasyon. Kung may pagkakatulad man ito sa totoong buhay ay aksidente lamang po iyon.

Ito ay babae sa babae na kwento kaya naman kung ayaw mo sa ganto ay huwag mo na itong pansinin at simulan mo ng maghanap ng ibang kwento.

Sa mga Katoliko naman katulad ko, you can report this story kung ayaw niyo HUHUHU alam kong against itong istorya na ito sa ating paniniwala, dahil hindi lamang ito  tungkol sa babae sa babae kundi tumatalakay din ito tungkol sa madre.

At oo nga pala, yung mga typo at wrong grammar.. pasensya na✌️

~ Eeybeedi 🐝
      - Ang bubuyog na naghahanap pa rin ng bulaklak na magpapatamis sa kanyang matabang na buhay.

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon