CHAPTER THIRTY-SEVEN

1.7K 69 30
                                    

DHALIA POV:

"Hindi pa din ba siya nagising hanggang ngayon?" tanong ko kay Arthemis habang pinagmamasdan namin si Hailey na mahimbing na natutulog.

Malungkot namang umiling si Arthemis, na ikinabuntong hininga ko.

Gantong-ganto din ang lagay noon ni Hailey ng dalhin namin siya dati sa ospital.

Lumapit naman si Ava kay Hailey at hinaplos ang buhok nito.

"Namimiss ko na si Green" malungkot na saad nito.

"Gigising din siya Ava" sambit naman ni Bernice.

"Bakit ang tagal niyang gumising?" nag-aalalang tanong ni Ava.

"Sabi ng doktor kailangan daw ni Hailey na makabawi ng lakas, dahil sa trauma na natamo niya." sagot ni Arthemis at hinawakan ang kanang kamay ni Hailey na ikinaiwas ko.

Mahal na mahal niya si Hailey, at handa siyang ibuwis yung buhay para dito.

Samantalang ako isang duwag, ni hindi ko nga maamin kay Hailey na mahal ko siya.

Dahil natatakot ako na magbago yung tinggin niya sa akin.

"Hello guys, nagdala kami ng pagkain for lunch" masayang itinaas naman ni Taylor ang dala niyang pagkain.

"Kain na tayo, nagugutom na ako eh" dagdag pa nito pagkalapag ng pagkain sa mesa.

"Sabihin mo matakaw ka lang talaga" kontra naman sa kanya ng kanyang nobya na ikinatawa namin.

Ang cute naman nilang tignan.

"Alecia!!" halos mapahawak naman ako sa aking dibdib dahil sa gulat ng tumili si Ava.

Agad itong tumakbo papunta kay Alecia at mabilis siyang naglambitin na ikinatawa naman nito.

"Ehem" tikhim ni Bernice, kaya napatinggin kami sa kanya.

"Parang ilang taon kayong hindi nagkikita huh" saad nito at masamang tumingin kay Alecia.

Tinaasan lang naman siya ng kaliwang kilay nito, bago mabilis na halikan sa labi si Ava na ikinasinghap namin.

Namumula naman ang pisngi ni Ava sa ginawa niya habang si Bernice ay nakatulala lang na napatinggin sa kanila.

Ilang sigundong namayani ang katahimikan sa loob ng kwarto ni Hailey.

"Alecia, binata kana" masayang saad ni Taylor bago tapikin ang balikat ni Alecia.

Si Arthemis naman ay walang pakiaalam sa nangyayari, dahil nakatutok lang ang tinggin nito kay Hailey.

Hinawakan ni Alecia ang kanang kamay ni Ava at magkahawak ang kamay nilang dalawa ng itinaas niya ito.

"Guys kami na" masayang pag-aanunsyo nito, kaya napatili na naman sila Diana at nag-apir pa sila ni Taylor.

Tinignan ko naman si Ava at ngumiti lang sa akin ito na ikinailing ko.

Pag-ibig nga naman.

Nagulat naman kami ng biglang lumabas si Bernice at padabog na isinarado ang pinto, na ikinangiwi namin.

Nagkatingginan naman kaming lahat at sabay-sabay na napakibit balikat.

BERNICE POV:

Nakakainis talaga yung Tan na iyon, sino siya para arrgh.

Bwisit siya!

At ito namang si Ava, bakit ba ang manhid-manhid niya?

Hindi niya ba alam na gusto ko siya?

Bwisit naman oh.

Wala naman palang kwenta ang kasabihang "Action speak louder than words"

Ginawa ko na ang lahat para lang maramdaman ni Ava na mahal ko siya ng higit pa sa kaibigan pero wala pa din.

Sabi nga ng iba "Actions are meaningless without words" kung sana lang naging matapang ako para sabihin sa kanya na gusto ko siya.

Bakit ba kase ang duwag-duwag ko?

"Ouch" inda ng isang babae ng mabangga ko ito.

Agad itong napaupo sa semento at masama ang tinggin sa akin.

Mabilis itong tumayo, at pinunasan ko naman ang luha kong wala pa ding tigil ang pagtulo.

Sisinghalan sana ako nito, ng biglang napatigil ng makitang umiiyak ako.

Napabuntong hininga naman ito at saka umiling-iling.

"Brokenheart?" tanong niya sa akin at inabutan niya ako ng panyo na agad kong tinanggap bago ko ito ipangpunas.

"Salamat" malat na sagot ko.

"Walang anuman" saad nito at ginulo ang buhok ko.

Aalis na sana ito ng bigla kong hawakan ang kanyang kamay.

Nagtataka naman siyang napatinggin sa akin.

"Pwede mo ba akong samahan?" tanong ko sa kanya.

"Pasensya na Ms. I don't know the name, pero may trabaho pa kase ako" mabilis na sagot nito.

Hahakbang na sana siya ng mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay.

Napairap naman itong napatinggin sa akin.

"Look miss, kung may problema ka man hindi ko na problema yun, kase hindi tayo magkakilala at may trabaho pa akong kail----"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng mabilis ko siyang halikan sa kanyang labi na ikinatigil niya.

Nagulat naman ako ng mabilis siyang tumugon sa aking halik at ipinalibot niya ang kanyang kamay sa aking bewang bago isandal sa isang kotse.

Naglilikot ang kanyang dila sa loob ng bibig ko na ikinaungol ko at tila ba may kung anong bagay na nagkakagulo sa aking tiyan. Bumibilis na din ang tibok ng puso ko.

"Omygush, Ate Aubrey" saad ng isang babae na ikinatigil naming dalawa.

Mabilis ko namang itinulak ang nakahalikan.

"Aria" sambit nito, ngunit tinaasan lang siya ng kilay ng kapatid niya.

Aalis na sana ako ng bigla akong hilahin ni Aubrey.

Yeah, I guess yung ang pangalan niya since yun ang tinawag sa kanya nitong kapatid niya.

"Meet my girlfriend" pakilala nito sa akin na ikinalaki ng aking mata.

Girlfriend?

Napatili naman ang kanyang kapatid at mabilis na yumakap sa akin.

Patay!

•••••••••
Date Published: Aug. 24, 2021

Time: 11:33 am

Napakaswerte mo Bernice, aba Police Commander yang hinalikan mo.

HAHAHA

WATCH OUT:

Pasensya na sa wrong grammars at typographical.

~Eeybeedi🐝

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon