HAILEY POV:
Nanghihina ang buong katawan ko ng magising ako.
Tulog na ang mga nagbabantay sa akin, at kaya naman dahan-dahan akong yumuko at nanghihinang kinalas ang tali sa aking paa.
Buti na lang ay hindi nila tinali ang aking kamay.
Pagtanggal ko ng tali ay saka ako tumayo, at dahan-dahang humakbang palabas ng warehouse.
Palunok naman ako ng makitang mayroong dalawang armadong lalaki ang nagbabantay sa labas.
Nagtago ako sa gilid ng isang lumang sasakyan at mag pag-iingat na lumabas.
Nang makalampas ako sa mga bantay ay dali-dali akong tumakbo kahit nanghihina hanggang makarating ako sa isang talahiban.
Patuloy lang ako sa pagtakbo kahit na walang makita dahil sa dilim. Nagsusugat-sugat na rin ang aking mga braso dahil sa tulis ng mga talahib.
"Ama, tulungan niyo ako" dasal ko.
"Magsikalat kayo at hanapin niyo ang pest*ng madre na yun" galit na utos ng isang lalaki, kaya lalo akong natakot.
Bakit ang bilis nila, halos ilang metro lang ang layo namin ng mga armadong lalaki.
Para hindi ako makita ay gumapang ako sa talahiban at narating ko naman ang isang gubat, kaya kinilabutan ako.
"Ano hindi niyo pa rin nakikita? Ang tatanga niyo naman" agad na sumiklab ang takot sa aking puso ng marinig ko na naman ang boses ng isang lalaki.
Dali-dali akong tumakbo habang nagtatago sa mga punong nadaraanan ko.
"Nakita ko na ang madre, nandito siya" sigaw ng isang lalaki at saka nagpaputok ng baril na ikinairit ko.
Patuloy lang ako sa pagtakbo habang patuloy pa rin nila akong hinahabol.
At halos mabiyak ang puso ko ng makitang bangin na nasa harap ko, napapalibutan na rin ako ng mga armadong lalaki.
"Bwisit kang madre ka, pinahirapan mo kami" galit na sigaw ng isang lalaki at saka ako binaril sa braso.
"Gag* ka Jomar, lagot tayo kay boss pagnamatay yan" pigil sa kanya ng isang lalaki.
"Ayun nga ang maganda eh, ang mamatay siya, para di na mahirapan si boss" sigaw naman nito pabalik at saka tinutok sa akin ang baril.
"Ama, kung ito na ang huling gabi ko, sana ay tanggapin niyo pa rin ako sa langit kahit na ako sa inyo'y nagkasala" nakapikit kong dasal ko.
Namalayan ko na lang na may mainit na bagay na tumama sa bandang tiyan ko at sa aking braso bago ako mahulog sa bangin.
Unti-unti akong nahuhulog sa bangin at tila ba isa lang akong papel na patuloy na bumabagsak mula sa itaas.
"Arthemis" sambit ko sa pangalan ng taong mahal ko.
"Patawadin mo ako" bulong ko pa.
"Ahh" inda ko ng tumama ang aking ulo sa isang bato.
Sa lakas ng pagkakabagsak ko ay nagsiliparan ang mga ibon.
At unti-unti namang pumipikit ang aking mata, hanggang sa gupuin na ako ng dilim.
DHALIA POV:
Sa dami ba naman naming pagkacamping-an ay dito pa napili sa gubat na to.
Mas maganda kung sana kung nag beach na lang kami, hindi yung naisip pa nilang mag camping...
Ewan ko ba kase sa mga kaibigan ko, ang lakas magyaya ng camping, wala naman palang ka alam-alam sa pag kacamping.
"Nakasimangot ka na naman dyan Dhalia, ayusin mo nga yang mukha mo" saway sa akin ni Ava.
"Dapat kase nagbeach na lang tayo eh" naiinis kong sambit.
"Alam mo Dhalia kung gusto mo naman pa lang mag beach sana di ka na lang sumama" inis naman na lintanya ni Bernice.
"Ewan ko sa inyo, makaalis nga muna dito" sambit ko at saka ako naglakad-
lakad.Nakakatakot talaga sa gubat na ito, para kasing may hihila sayo kapag gabi na.
May malaking bato akong nakita kaya naman pinuntahan ko ito, para magselfie ng may mapost naman ako sa Instagram.
Palapit na ako sa malaking bato ng may makita akong puting tela, kaya naman nilapitan ko pa ito para makita kung ano ba talaga ito, at halos mahimatay ako ng may makita akong isang duguang madre.
"Ava!! Bernice!! halika kayo dito!!" sigaw ko, kaya naman tumatakbong lumapit sa akin ang dalawa at ang iba pa naming kasama.
"O-mygush" gulat na sambit nila.
"Bu--buhay pa kaya siya?" kinakabahan kong tanong.
Agad namang lumapit si Kuya Gian dito at saka tinignan mga pulso nito.
Doktor si Kuya Gian, naman may alam siya sa mga ganitong bagay.
"May pulso pa siya, halika Ben tulungan mo akong buhatin siya, para madala natin siya sa malapit na ospital" tawag ni Kuya Gian kay Ben, at saka binuhat naman ni Ben ang madre at tumatakbong lumabas ng gubat.
Nakatulala naman kaming nakasunod ng tingin sa kanila.
"Anong nangyare sa kanya?" bulong ko at saka ako nag-aalalang sumunod kaila Kuya Gian.
"Saan ka pupunta, Dhalia?" tanong ni
Chris."Susundan ko sila Kuya Gian" sambit ko at saka nagmamadali akong lumabas ng gubat.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin pero parang may isang bagay na nagtutulak sa akin para sundan sila.
••••••
Date Published: Aug. 14, 2021Time: 2: 04 pm
~Eeybeedi🐝
BINABASA MO ANG
Sister Hailey (GirlxGirl) Completed
RomanceMahal na Mahal ni Arthemis Rivas ang kanyang childhood bestfriend slash ex-girlfriend na si Hailey Conception, na ngayon ay isa ng madre. May pag-asa pa kaya si Arthemis kay Hailey kung madre na ito? At kung may pag-asa man si Arthemis.. Handa kayan...