CHAPTER FOURTEEN

1.8K 78 8
                                    

ARTHEMIS POV:

Galit na galit kong ibinato ang mga pinagsasubmit sa akin na dokumento ng ang aking mga empleyado.

Lahat ng ito ay walang kwenta, bakit ba hindi nila magawa ng maayos ang mga trabaho nila?

"Dale!!!" tawag ko sa sekretarya ko,  agad namang pumasok si Dale sa opisina ko.

"Ano ng balita tungkol sa pinapahanap ko sa mga private investigator?" tanong ko dito.

"Wala pa rin po silang, binibigay na update Ms. Rivas" kinakabahan nitong sagot.

"That's bullsh*t, binabayadan ko sila ng malaki, tapos di nila ginagawa ng maayos ang trabaho nila" galit kong sigaw at binato ko ang vase na nasa harap ng mesa ko, na ikinagulat ni Dale.

Umupo ako sa aking swivel chair at tinawagan si Lt. Del Fuego. Isa pa tong  taong to, ilang buwan na kaming naghahanap hanggang ngayon wala pa din siya naiibigay na update sa akin.

"Hello, Ms. Rivas" bati nito.

"Anim na buwan, anim na buwan na kayong naghahanap kay Hailey Conception, pero hanggang ngayon miski hibla ng buhok nito ay hindi niyo pa rin nakikita, ginagawa niyo ba talaga ang trabaho niyo ng maayos?" galit kong singhal dito.

"Pasensya na Ms. Rivas, ginagawa naman namin ang---"

"Tang*na sa lagay na yan, ginagawa niyo ng maayos, eh pasarap-sarap lang naman kayo dyan sa opisina niyo mga walang kwenta" binabaan ko ito ng tawag at saka ako napahilot sa aking sintido.

Hailey, nasaan kana ba?

Huwag mo naman ako pahirapan ng ganito.

Tumayo ako sa aking swivel chair, at saka pumunta sa mini bar dito sa loob ng opisina.

Kumuha ako ng isang wine at saka tinungga ito, hindi na ako nag-abala pang kumuha ng wine glass.

"Arth, anong nangyare dito bakit mukhang araw-araw binabagyo itong office mo?" tanong ni Taylor.

"Pagod na ako Taylor" sambit ko.

"Arth, it's okay magpahinga ka muna." nag-aalalang lumapit ito sa akin at saka kinuha ang iniinom kong wine.

"Nawawalan na ako ng pag-asa, anim na buwan na ang lumipas pero wala namang nangyayari" naiiyak kong sambit.

"Huwag kang mawalan ng pag-asa mahahanap din natin si Sister Hailey" pag-aalo nito sa akin.

"Oo nga pala pupunta kami ngayon sa St. Augustine Church, gusto mo bang sumama?" tanong nito.

"Sige, wala naman akong ginagawa sa office na ito kundi ang magwala" pagpayag ko dito, alam ko namang kapag nanatili pa ako dito sa loob ng opisina ko ay lalo lang akong maiinis sa mga trabaho na ginagawa ng mga empleyado ko.

Inayos ko muna ang aking sarili bago lumabas ng opisina, inutusan ko din si Dale na palinisan ang opisina ko.

Mukha kaseng binagyo na naman ang opisina ko dahil sa mga dokumentong nagkalat sa sahig at ang basag na vase na binato ko kanina.

Pagdating namin sa St. Augustine Church ay nakita namin sila Diana na nakikipag-usap sa isang madre, siguro ipag-uusapan nila ang gaganaping foundation.

HAILEY/GREEN POV:

Sa anim na buwan na pagpunta namin sa iba't-ibang simbahan ay wala pa ding nangyayari.

Pati mga ang paghahanap sa mga modeling agencies ay ginawa na rin namin. Pero wala talagang nangyayari.

Kaya naman naiisipan ni Dhalia na isama ako sa Manila para dalawain ang Mommy  niya.

"Green, nagpasama nga pala si Mommy sa atin, sa isang simbahan.
Pag-uusapan daw kase nila ang gaganaping foundation" ani nito.

"Sige, tara. Baka makahanap din tayo doon ng impormasyon tungkol sa akin" ani ko pa.

Paglabas ng Mommy niya sa kwarto nito ay sabay-sabay na kaming lumabas at saka sumakay sa kotse ni Dhalia kasama ang mommy niya.

Pagdating namin sa simbahan ay agad na lumapit sa Mommy ni Dhalia ang isang madre.

"Anak, Iha, may pag-uusapan lang kami ni Mother Iza, pwede kayong pumasok sa loob ng simbahan para manalangin" sambit nito.

Tumango naman kaming dalawa ni Dhalia dito at saka kami pumasok sa loob ng simbahan.

"Taylor ang ingay mo, nasa loob tayo ng simbahan manahimik ka" rinig kong saway ng isang babae sa kasama niya.

"Nasaan na kase si Arthemis?" inip namang sambit ng isang babae.

"Ayan na pala siya eh" ani naman ng isang babae, kaya napatinggin ako sa kung saan ito nakatingin.

At bigla na lang kumalabog ang puso ko ng makita ang isang magandang babae na naiiyak na nakatingin sa akin.

"Hailey?" sambit nito na habang palalapit sa akin. Napahawak naman ako sa damit ni Dhalia.

"Hailey!!" naiiyak na sambit nito at saka ako niyakap.

Gulat naman akong napatinggin sa kanya.

"Nandito ka lang pala, kung saan-saan pa kita pinahanap" umiiyak na sambit nito.

Bumitaw ito ng yakap sa akin at saka nito hinaplos ang aking pisngi.

Napapikit naman ako sa ginawa niya. Ang lambot ng palad niya na humahaplos sa aking pisngi.

Napamulat naman ako ng aking mga mata ng naramdaman kong nakalapat na ang labi nito sa labi ko, na lalong ikinabilis ng tibok ng puso ko.

"God" bulong ko sa aking isipan.

"Miss, sino kaba? Alam mo bang madre yang hinahalikan mo?" tinulak ni Dhalia ang babae at saka masama itong tinignan.

"Oo, alam ko. Alam na alam ko" sagot ng babae na ikinagulat naming dalawa ni Dhalia.

"Alam mo naman pala eh, bakit mo siya hinalikan?" galit na tanong dito ni Dhalia.

Sasagot na sana ang babae ng bigla akong niyakap ng tatlo pang babae.

"O-mygush, Sister Hailey. Nandito ka lang pala. Alam mo bang halos halughugin na ni Arthemis ang buong Pilipinas mahanap ka lang" lintanya ng isang babae pag kahiwalay nila sa akin ng yakap.

"Wait, sino ba kayo?" tanong sa kanila ni Dhalia.

"Kaibigan kami ni Sister Hailey" sagot ng isang babae.

"Naaalala mo ba sila Green?" tanong sa akin ni Dhalia at napailing naman ako bilang sagot.

Wala akong maalala, di ko sila kilala.

Sino ba sila?

"Green? Bakit Green ang tawag mo sa kanya?" tanong ng babaeng humalik sa akin kanina.

"Ayun ang pinangalan ko sa kanya, dahil hindi niya maalala kung sino siya" sagot ni Dhalia na ikinagulat nila.

•••••••
Date Published: Aug. 14, 2021

Time: 6: 29 pm

~Eeybeedi🐝

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon