ARTHEMIS POV:
"Are you, okay?" tanong ko kay Hailey at inabutan ko siya ng isang basong tubig.
Tumango naman ito sa akin bilang sagot.
Sumandal ako sa gilid ng lababo at pinagmasdan ko siya habang tahimik na nakaupo sa dining chair at pinaglalaruan ang basong ngayon ay wala ng laman.
"Bakit hindi mo sinabi akin?" biglang tanong nito, na ipinagtaka ko.
Ano naman ang sasabihin ko sa kanya?
"Akala ko nagbibiro lang ang mga kaibigan mo ng sinabi nila sa akin yun" dagdag pa nito.
Bigla namang kumalabog ang puso ko sa kaba, alam ko ng kung ano yung tinutukoy niya.
May idea na naman akong nakita niya kanina yung mga larawan na nilagay ko sa high school photo album ko.
"Ano bang pinagsasabi mo Hailey, hindi kita maiintindihan" padi-deny ko dito.
"Bakit Hailey ang tawag mo sa akin, tapos yung mga kaibigan mo laging may Sister sa unahan, kapag tinatawag nila ako?" natigilan ako sa tinanong niya kaya nag- iwas ako sa kanya ng tinggin.
"Mula bata tayo Hailey na talaga ang tawag ko sayo, nasanay lang siguro ako na iyon ang tinawag sayo" pagsisinungaling ko dito.
Ngunit ang totoo kaya hindi ko siya tinatawag na Sister ay dahil umaasa pa din ako.
Umaasa ako na baka sakaling bigyan kami ng pagkataon ng Diyos na magmahalan muli.
Alam kong madre siya at naglilingkod siya sa Diyos ng buong puso, kaya naman doon pa lang ay wala na talagang pag-asa pero kapag tumitingin ako sa kanyang mga mata lalong lumalakas ang loob ko na hintayin at ipaglaban siya.
Abutin man ako ng madaming taon.
"Naging magkasintahan tayo, bago ako nagmadre kaya pala hinalikan mo ako noong nakita mo ako sa simbahan" sambit nito.
"I'm sorry for kissing you that day" paumanhin ko dito, bigla namang nagbago ang expression ng mga mata niya.
"Mahal mo pa ba ako hanggang ngayon?"
Tila naman na pipi ako sa tanong nito. Kaya umiwas ako sa kanya ng tinggin.
"Ayokong guluhin ang isip mo Hailey, hindi ka pa nakakaalala, ayokong ma-stress ka kakaisip sa isasagot ko sayo" sagot ko dito at akmang lalabas na ng kitchen ng bigla siyang nagsalita na ikinatigil ko.
"Ganun din naman maiistress din naman ako kakaisip kung bakit hindi mo sinagot ang tanong ko" ani nito.
"Bakit ba gusto mo pang malaman? Madre ka kaya kahit sabihin kong mahal kita wala ding magyayare" malungkot kong sagot.
Natigilan naman siya sa naging sagot ko.
"You don't deserve me Arthemis, madre ako magmahal ka na lang ng iba. Yung taong mamahalin ka ng buong puso" sambit nito na ikinawasak ng puso ko.
Masakit pala marinig mismo sa taong mahal mo, yung mga salitang ayaw na ayaw mong marinig mula sa kanila.
"Pag nakaalala na ako, babalik na ulit ako sa simbahan, para mag lingkod. Ayokong maiwan ka na naman ng mag-isa kaya hanggang hindi pa ako nakakaalala maghanap ka na ng taong mamahalin at makakasama mo habang buhay" napakagat naman ako sa aking ibabang labi, upang pigilang tumulo ang nagbabadya kong luha.
"Bakit pa ako maghahanap ng iba kung ikaw mismo ang gusto ko makasama hanggang pagtanda" bulong ko sa aking isipan.
"Hindi madaling makalimot ang puso Hailey, kaya kahit utusan mo ako na ituon sa iba ang pagmamahal ko, hindi ko agad magagawa yun" depensa ko pa dito.
"Walang imposible sa pag-ibig Arthemis, baka bukas mamalayan mo na lang na tumitibok na yung puso mo sa iba" sambit pa nito.
"Bakit ba gustong-gusto mo ako ipagtulakan sa iba?" naiinis kong tanong dito.
Napakainsensitive naman ng madreng ito, hindi niya ba nararamdaman na nasasaktan na ako sa pagtutulak niya sa akin sa iba.
"Dahil ayokong mabuhay ka ng nag-iisa" sambit nito.
"Ano naman kung mabuhay ako mag-isa, mula ng mamatay ang magulang sana'y na ako" sagot ko naman sa kanya pabalik.
"Mahirap mabuhay ng mag-isa Arthemis"
"Alam ko, alam na alam ko. Pero kinaya ko, kaya wag mo akong pangunahan sa mga desisyon ko sa buhay" naiinis na sambit ko at saka ko siya iniwan sa kusina.
"Nakakainis ka Hailey" sigaw ko pagpasok ko ng aking kwarto.
HAILEY/GREEN POV:
Nakatingin lang ako sa pintuang pinaglabasan ni Arthemis.
Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na hindi siya nasasaktan.
Hindi ko naman intensyon na saktan siya, ang gusto ko lang ay magmahal siya ng iba, dahil kahit kailan hindi ko yun maibibigay sa kanya.
Madre ako.
At dapat na tanging ang Diyos lang ang pinaglilingkuran ko.
Kahit wala akong naaalala alam ko at ramdam ko na buong puso kong tinanggap ang Panginoon.
At ang pagmamahal ay dapat sa kanya ko lang inaalay.
Si Arthemis, dapat makahanap na siya ng taong nararapat sa kanya.
Pero bakit ang sakit, ipagtulakan siya palayo?
Bakit ang sakit makita siyang malungkot?
Bakit ang sakit, tuwing naiisip ko na may kasama siyang iba?
Bakit ang sakit-sakit na hindi kami pwede?
Bakit?
Napahawak ako sa aking dibdib at saka ko pinunasan ang luhang tumulo sa aking pisngi.
Bakit ba ako umiiyak?
Tatayo na sana ako upang bumalik sa aking kwarto ng makita ko si Alecia na malungkot na nakatingin sa akin.
"Hindi ko sinasadyang, marinig ang lahat ng pinag-uusapan niyo" paumanhin nito at umupo sa tabi ko.
••••••
Date Published: Aug. 17, 2021Time: 11:23 am
Yung typos at wrong grammars. Pasensya na mga bhi.
~Eeybeedi🐝
BINABASA MO ANG
Sister Hailey (GirlxGirl) Completed
RomansaMahal na Mahal ni Arthemis Rivas ang kanyang childhood bestfriend slash ex-girlfriend na si Hailey Conception, na ngayon ay isa ng madre. May pag-asa pa kaya si Arthemis kay Hailey kung madre na ito? At kung may pag-asa man si Arthemis.. Handa kayan...