CHAPTER TWENTY-NINE

1.9K 78 3
                                    

ARTHEMIS POV:

Dahan-dahan kong ipinapahid ang bulak sa aking sugat habang nakaharap sa salamin.

Wala kase akong katulong na maglinis ng aking sugat, dahil kakaalis lang ni Aria, dala-dala ang kanyang mga gamit.

Babantayan pa kase nito ang kanyang Ate, na kakalaya lang sa kulungan.

Naalala ko tuloy yung nanyare sa ospital, akala talaga namin si Aubrey ang target ng mga namamaril.

Ayun pala ay si Hailey, kaya naman kumuha na ako ng maraming body guard na mag babantay sa kanya.

Nag leave din muna ako sa trabaho para mabantayan ko siya.

Hindi ko kase alam ang gagawin ko kung mauulit na naman ang nangyari sa kanya.

"Arthemis" tawag ni Hailey habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ko.

Binaba ko naman ang bulak na hawak ko at binubuksan ko ang pintuan.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Tutulungan sana kitang linisin ang sugat mo" nahihiyang sambit nito.

"Ayos lang ako, kaya ko naman" tangi ko sa kanya.

Hindi ko kase kaya kapag masyado kaming magkalapit na dalawa.

Tumingin naman siya sa akin at sa kanang braso ko.

"No, I will help you, mukhang na ngangalay ka na" makulit na sambit niya at  hinila niya ako paupo sa aking kama, kaya wala akong nagawa kundi ang hayaan siya.

Kinuha niya ang isang cotton ball, at nilagyan ng konting betadine, at saka  dahan-dahan niya itong inilapat sa aking sugat.

"Arth" mahina niyang tawag sa akin, kaya napatinggin ako sa kanya.

"Hmm" sambit ko.

"Nakakaalala na ako" ani niya.

Malungkot naman akong ngumiti at saka tumingin sa kisame ng aking kwarto.

Ibig bang sabihin nito babalik na siya sa kumbento?

Isipin pa lang ang ganung bagay, naninikip na ang aking dibdib.

"Kailan pa?" sambit ko habang pinipigilang mag crack ang aking boses.

"Mula nung nangyare yan sayo" sagot niya at itinuro ang daplis sa aking kanang braso.

"Anong gagawin mo ngayon? Babalik kana ba sa kumbento gaya ng sabi mo? Baka balikan ka ng mga humahabol sayo"

Umupo siya sa gilid ng kama at itinigil ang kanyang ginagawa.

"I know it's to much to ask, pero pwede mo ba akong tulungan. I know my Uncle, hindi titigil yun habang hindi nakukuha ang gusto niya" natatakot na sambit, niya kaya naman gamit ang kaliwang kamay ko ay hinawakan ko ang kanyang kamay.

Tama pala ang hinala namin nila Taylor na ang kanyang Tito, ang mag kagagawan nitong lahat sa kanya.

"Nandito lang ako, Hailey"

"Thank you so much Arth, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka" nakangiti sambit niya, at pinisil ang aking palad.

"For you Hailey, gagawin ko ang lahat para sayo" sambit ko habang nakatingin sa berde niyang mga mata.

"Maraming-maraming salamat talaga Arth" masaya niyang sambit at niyakap ako.

I miss this.

I miss her.

I miss her hug.

I miss everything about her.
-----
Pagkatapos linisin ni Hailey ang sugat ko, ay agad na siyang lumabas sa kwarto.

Ako naman ay naiwang nakatulala habang nakahiga sa aking kama.

Nakakaalala na siya, at once na natapos na namin ang problema niya sa kanyang Tito, ay babalik na siya sa kumbento.

Maiiwan na naman akong mag-isa.

Bakit ang unfair ng mundo sa akin?

Ang gusto ko lang naman ay makasama siya.

Ayun lang naman ang kahilingan ko.

Bakit ayaw ipagkaloob sa akin?

Bakit ba lahat ng taong mahalaga sa akin, iniiwan ako?

"Arth, nandito kaba?" tanong ng pamilyar na boses.

"O-o" crack kong sambit.

Agad namang binuksan ni Alecia ang pinto at napatigil ito, ng makitang umiiyak ako.

"Omygush Arthemis, bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo? Gusto mo dalhin kita sa ospital?" sunod-sunod na tanong nito, umiling lang naman ako sa kanya bilang sagot.

"Ano ba talagang nangyari, Arth?" nag-aalalang tanong niya at pinunasan ang aking luha.

"Nothing, na miss ko lang ang parents ko" pagsisinungaling ko.

THIRD PERSON POV:

"Bullsh*t, ang tatanga* niyo. Malapit na eh, mapapatay niyo, bakit hindi niyo pa tinuloy?" galit na galit na singhal ni Cesar Conception sa kanyang mga tauhan.

"Boss, matatamaan ko na sana eh, nangilam lang si Rivas" ani naman ng isang lalaki, at sabay-sabay silang natigilan ng hampasin ni Cesar ang mesa.

"Ang tatanga* niyo, Edi sana tinadtad niyo sila pareho" galit na sambit nito.

"Pasensya na boss, ayaw lang naman magaya kay Jomar" takot na sambit nito.

Si Jomar ay isa nilang kasamahan na pinatay ni Cesar, ng hindi sundin nito ang pinag-uutos ng kanilang Boss.

"Talagang magagaya kayo kay Jomar, kapag hindi niyo, ginawa ng maayos ang mga trabaho niyo" banta sa kanila ni Cesar.

Alam nila ang kayang gawin ng kanilang Boss, at alam din nilang halang ang kaluluwa nito.

"Hanapin niyo ang magaling kong pamangkin, at dalhin sa akin. Kapag may nangilam. Patayin niyo" utos nito at galit na lumabas ng warehouse.

Nagkatingginan naman ang mga tauhan nito at sabay-sabay, napabuntong hininga.

••••••
Date Published: Aug. 18, 2021

Time: 2:09 pm

~Eeybeedi🐝

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon