ARTHEMIS POV:
Nakasandal ako sa aking kotse habang hinihintay si Hailey.
Nakatingin lang sa akin ang mga estudyante, na binabaliwala ko.
Ngayon lang ba sila nakakita ng outsider?
At ito pang mga guards masama ang tinggin sa akin, ano ba ginawa ko sa kanila?
Kaya ayaw ko ditong pag-aralin si Hailey eh, kakaiba kase ang mga estudyante dito hindi ko maintindihan.
Pagkakita ko kay Hailey ay automatikong napataas ang aking kaliwang kilay.
Sino ba namang hindi?
May kasama siyang isang babae at dalawang lalaki. Yung isang lalaki kung makalapit pa kay Hailey, akala mong sawa.
"Arth" nakangiting tawag nito sa akin, kaya mabilis kong ipinalibot ang aking braso sa kanyang bewang bago gawaran siya ng mabilis na halik sa kanyang labi.
"How's your day?" malambing kong tanong sa kanya, bago irapan ang lalaking mukhang galunggong.
"It's good" nakangiting sagot nito,mabilis ko namang pinisil ang kanyang pisngi, hindi ko kase matiis ang cuteness niya.
"By the way, Arth meet my new friends" ani nito bago bahagyang humiwalay sa akin na ikinanguso ko.
Nagulat naman ako ng mabilis niya akong halikan sa aking pisngi kaya automatikong sumilay ang ngiti sa aking labi.
"This is Rachel my classmate, ito naman si Jay, Rachel's boyfriend and this is Zoren, Jay's teammates" pakilala sa akin ni Hailey sa kanila.
"And guys this Arthemis my fiancé" halos magtatalon naman ako sa tuwa ng ipakilala ako sa kanila ni Hailey.
Fiancé
Nakipagkamay sa akin ang mga bago niyang kaibigan at nung turn na ni Zoren ay mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay na ikinangiwi niya.
Ngumisi lang ako dito bago ibalik ang tinggin ko sa aking fiancé.
Pagkatapos naming magpaalam sa mga kaibigan ni Hailey, ay dumeretsyo na kami papunta sa kumpanya nila.
It's Hailey's company pero ako muna ang naghumahawak ang dami kasing demands ng mga stockholders, wala naman silang kwenta. Matatandang ganid sa pera. Tss.
Pagdating namin sa kumpanya ay mabilis kaming binati ng mga empleyado. Tumuloy naman kami sa Chairman's office.
"Anong gagawin ko ngayon?" tanong ni Hailey habang nakaupo sa swivel chair.
Bagay na bagay sa kanya maging boss.
Ang hot.
"As far, as I know ako ang acting Chairman at ikaw Ms. Conception ang secretary ko, kaya umalis ka d'yan sa upuan ko" pangangasar ko sa kanya, napanguso naman siya at saka tumayo sa pagkakaupo.
"Okay, Ms. Rivas" madiin na sambit nito na ikinatawa ko.
Inabot ko naman sa kanya ang isang tablet at saka malakas niyang binasa ang schedule ko ngayon.
"7pm meeting with stockholders" basa nito.
"Pansin ko lang laging may meeting ang mga stockholders dito, wala namang nangyayari" saad ko na sinang-ayunan ni Hailey.
Hinatak ko naman palapit sa akin si Hailey na ikinagulat niya.
"Bakit ba nanghihila ka?" naiinis na tanong nito.
"Maupo ka ulit d'yan sa swivel chair, pag-aralan mo yang mga documents galing sa finance department" utos ko sa kanya.
Umupo naman siya at kinuha ang isang bugkos na mga dokumento.
"Ang sakit naman nito sa ulo" pagrereklamo niya at napahilot pa siya sa kanyang magkabilang sindito, habang ako ay nakangiting pinagmamasdan siya.
Bagay na bagay talaga sa kanya.
Nakakainlove naman siyang tingnan.
Gush, I'm so inlove with this lady infront of me.
"Staring is rude Ms. Rivas" saway niya sa akin, imbis na mahiya sa pagkahuli niya sa akin ay nagpacute lang ako sa kanya.
Agad niya namang pinisil ang pagkabila kong pisngi.
"Why so cute Ms. Rivas?" tanong niya na ikinatawa ko.
Pinalobo ang aking pisngi at nagpuppy eye ako sa kanya na ikinatawa niya naman.
Her laugh.
Bakit pati ang pagtawa niya nakakainlove pa din?
O, sadyang patay na patay lang talaga ako sa kanya kaya ganito ang reaksyon ko?
DHALIA POV:
Mag-isa ako habang naglilibot ngayon sa mall upang bumili ng regalo para sa wedding anniversary ng magulang ko.
Wala kase akong mahatak sa mga kaibigan ko. Si Ava busy sa modeling niya, lalong-lalo na ngayong kasama niya ang kanyang girlfriend na si Alecia.
Si Bernice naman missing in action, hindi ko mahagilap.
Minsan nga nagtataka na ako sa babaeng iyon kung saan iyon nagpupunta.
Para siyang si Dora.
O baka pinalitan niya na si Dora.
Ayoko naman ayain si Hailey, dahil busy iyon sa pag-aaral at pagpapatakbo ng kumpanya nila.
"Hi Ma'am, anong pong hanap niyo?" tanong sa akin ng isang saleslady pagpasok ko sa isang jewelry shop.
Tumingin ako sa mga alahas na nakahalera sa lalagyan nito ngunit wala akong mapili.
"Gusto ko sana regaluhan ang magulang ko para sa wedding anniversary nila" saad ko sa saleslady.
Bigla namang may babaeng lumapit sa saleslady, I think ito yung boss nila bahagya kaseng yumuko si Ateng saleslady eh.
"Hi Miss, so naghahanap ka ng regalo for your parents, right?" tanong nito pagkaalis ng kanyang saleslady.
Tinignan ko siya ng maigi at iniisip ko kung saan ko ba siya nakita.
Pamilyar kase siya sa akin.
"Have we meet before?" takang tanong ko sa kanya.
Napatinggin naman siya sa akin at saka ngumiti na ikinakalabog ng aking dibdib.
"Yeah, sa bahay ni Arthemis" sagot nito, para namang may light bulb na umilaw sa taas ng ulo ko.
"Ikaw yung ex ni Arthemis" sambit ko na ikinatawa niya.
"Actually pinsan ako ni Arthemis, inaasar ko lang talaga yung fiancé that time" natatawang sagot niya.
"So hindi ka talaga ex ni Arthemis?" paniniguro ko pa.
"Ang kulit mo, sabing pinsan ko nga yun" naiiling na sagot nito.
"By the way, I'm Ariana Rivas Alcantara, you can call me Aria." nakangiting inilahad nito ang kanyang kamay sa akin, na mabilis kong tinanggap.
Napabitiw naman ako sa kanya ng tila ba may kung anong kuryente ang dumaan sa aking kamay.
"I'm Dhalia" pakilala ko sa kanya.
"Dhalia, you got a pretty name" nakangiting sambit nito, napahawak naman ako sa pisngi ko ng maramdaman kong biglang uminit ito.
"Thank you" nahihiya kong sambit sa kanya.
Pinisil niya naman ang tuktok ng ilong ko na aking ikinagulat.
"Ang cute mo" natutuwang sambit nito kaya agad akong tumalikod sa kanya para hindi niya makita ang pamumula ng magkabila kong pisngi.
••••••••
Date Published: Aug. 28, 2021Time: 8:02 pm
Aria wag kang ganyan. HAHAHA
WATCH OUT:
Pasensya na sa wrong grammars at typographical.
~Eeybeedi🐝
BINABASA MO ANG
Sister Hailey (GirlxGirl) Completed
RomansMahal na Mahal ni Arthemis Rivas ang kanyang childhood bestfriend slash ex-girlfriend na si Hailey Conception, na ngayon ay isa ng madre. May pag-asa pa kaya si Arthemis kay Hailey kung madre na ito? At kung may pag-asa man si Arthemis.. Handa kayan...