Engagement Party
Four years later...
ARTHEMIS POV:
Magkahawak ang aming kamay ni Hailey habang binabati ang mga dumalo sa aming engagement party.
Sa loob ng apat na taon ay marami ng nagbago, nakapagtapos na si Hailey sa kanyang pag-aaral at sa ngayon ay siya na ang Chairman ng kanilang kumpanya.
Ang tiyo niya naman ay nahatulan ng life imprisonment three years ago.
At kami ni Hailey, maslalo pa naming minahal ang isa't-isa.
"Arth, punta tayo sa table nila Taylor" bulong nito sa akin.
Tumango naman ako sa kanya bago mabilis na nagpaalam sa mga kausap namin ngayon.
Habang naglalakad kami papunta sa table ng mga kaibigan namin ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti.
Mas lumaki na din ang group of friends namin ngayon.
Si Taylor at Diana, kakakasal lang last year at ngayon nga ay two months preggy na si Diana.
Si Alecia at Ava naman going strong pa din hanggang ngayon. Sa sobrang sweet ng dalawang 'to mahihiya ang kasweet-an ng honey, jams or kung ano-ano pang sweet na pagkain.
At ang pinsan ko namang si Aria, hindi ko alam kung anong pinainom niyang gamot kay Dhalia, as far, as I know sa fiancé ko may gusto si Dhalia eh, kaya nagulat na lang kami ng ipakilala ni Aria si Dhalia as her girlfriend three years ago.
"Ano ba Aubrey, ayan ka na naman" saway ni Bernice sa pinsan ko.
"Love naman kase, siya yung unang lumapit hindi ako"
"Mag sama kayo ng babae mo" galit na saad ni Bernice at mabilis na umupo sa tabi ni Dhalia.
Lumapit naman sa kanya si Aubrey at saka inamo-amo ito na ikinangiwi naming magkakaibigan.
Si Aubrey at Bernice naman, mahihiya ang switch ng ilaw sa on and off relationship nila.
Hindi ko alam kung ano ba ang meron kay Aubrey at talaga namang habulin ng babae't lalaki dinaig pa si Ava at Alecia sa pagiging sikat sa mga kababaihan at kalalakihan.
Kaya hindi mapigilan ni Bernice na magselos.
"Hailey, congraaaaats sa inyo ni Arthemis" tili ni Ava bago kami yakaping dalawa ni Hailey.
"Salamat" sabay naman naming saad ni Hailey.
"Hailey!!" tili ng isang babae bago dambahan ng yakap si Hailey, kaya napalayo ito sa akin.
"Rachel, buti nakarating kayo" masayang sambit ni Hailey.
"Syempre naman, hindi namin papalampasin ang engagement party mo, diba Zoren?" napairap naman ako ng marinig ko ang pangalan ng galunggong.
Dahil sa inakto ko ay natawa ang mga kaibigan ko sa akin, mas lalo na si Taylor at Aubrey na alaskador.
"Oo naman" sagot ni Zoren, the galunggong.
Pasimple naman akong lumapit kay Hailey bago ipulupot ang aking braso sa kanyang bewang.
Ang sexy ng mahal ko.
Hinawakan naman ni Hailey ang aking kamay na nakapulupot sa kanya, kaya automatikong sumilay ang ngiti sa aking labi.
HAILEY POV:
Busy ako habang binabasa ang mga email na sinend sa akin ng secretary ko.
Habang si Arthemis naman ay naglilinis ng katawan sa banyo.
Kakatapos lang ng engagement party namin ni Arthemis at ang mga bisita namin ay nagsiuwian na habang ang aming mga kaibigan ay nagpaiwan, dahil pagod na daw sila at hindi na sila kayang umuwi, kaya naman pinagpahinga na namin sila sa guest room.
Buti na lang ay maraming guest room dito sa bahay nila Arthemis.
"Hao, anong ginagawa mo?" napatinggin ako kay Arthemis na ngayon ay nagpunas ng kanyang buhok at tanging bathrobe lang ang kanyang suot.
"I'm just checking my emails" sagot ko bago patayin ang aking laptop at ilagay sa nightstand table.
Humikab ako sa pagod kaya naman inayos ko na ang aking higa sa kama para sana matulog ng biglang pumatong sa'kin si Arthemis.
"Matutulog kana?" tanong nito sa akin, tumango naman ako sa kanya habang nakapikit ang aking mga mata.
"Mamaya kana matulog" saad nito.
"Pero Arth, inaantok na--ahh" hindi ko napigilang hindi umungol ng biglang halikan ni Arthemis ang aking leeg pataas sa aking tenga.
"I want you tonight" bulong nito sa'kin, bago ako mabilis na halikan sa aking labi kaya wala akong nagawa kundi ang magpaubaya at damhin ang bawat halik niya sa akin.
Ang apat na sulok ng kwarto ni Arthemis ang saksi ng aming pagmamahalan ng gabing iyon.
Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha, kaya kahit nakahubad ay tumayo ako para ayusin ang kurtina at bumalik sa tabi ni Arthemis na hanggang ngayon ay mahimbing pa ding natutulog.
Hinaplos ko ang makinis na mukha ni Arthemis hanggang dumako ang aking kamay sa kanyang labi.
Agad namang sumilay ang ngiti sa aking labi ng maalala ko kung paano siya magselos kay Zoren.
Wala naman siyang dapat na ikaselos dahil from the start, I know siya na ang endgame ko.
Saka wala akong balak ipagpalit ang isang katulad niya na bumuo at nagmahal sa akin ng buong puso.
I really love her to the point that I'm willing to give and spend the rest of my life with her.
Dinampian ko siya ng mabilis na halik sa kanyang labi bago ko siya yakapin ng mahigpit at hindi ko namalayang nakatulog ako ulit habang kayakap siya.
•••••••••••
Date Published: Aug. 28, 2021Time: 8:03 pm
Congratulations Arthemis & Hailey.
WATCH OUT:
Pasensya na sa wrong grammars at typographical.
~Eeybeedi🐝
BINABASA MO ANG
Sister Hailey (GirlxGirl) Completed
RomanceMahal na Mahal ni Arthemis Rivas ang kanyang childhood bestfriend slash ex-girlfriend na si Hailey Conception, na ngayon ay isa ng madre. May pag-asa pa kaya si Arthemis kay Hailey kung madre na ito? At kung may pag-asa man si Arthemis.. Handa kayan...