ARTHEMIS POV:
Bad mood akong pumasok sa trabaho, ngayon dahil sa nangyaring pagtatalo namin ni Hailey.
Kaya naman lahat ng nagpapasa sa akin ng mga dokumento ay mabilis kong pinapaalis.
Nakakainis ang Hailey na yun.
Pasalamat siya madre siya kundi matagal ko na siyang tinapon sa mars, kasama ang mga salitang sinabi niya sa akin kahapon.
Hindi niya alam kung gaano kasakit ang salitang binitawan niya sa akin.
Nakakainis siya.
Insensitive na madre.
Walang puso.
Arrgh, nakakainis ka Hailey Conception!!!
"Good morning cousin" bati sa akin ng pamilyar na boses na nagpatigil sa akin sa pakikipagtalo sa sarili ko.
"Aria?" tanong ko dito.
"Yes, it's me" masayang sambit nito, kaya naman mabilis akong tumayo sa aking swivel chair at niyakap ko siya.
"Aria, o-mygush. Kailan ka pa umuwing babae ka?" tanong ko sa kanya bago bumitaw sa yakap.
"Kahapon lang, pinuntahan ko kase sa kulungan si Ate Aubrey" sambit nito.
Pangay na kapatid niya kase si Aubrey pero di katulad ni Aubrey, mabait si Aria may pagkamataray lang talaga.
"Balita ko nagsialisan na ng kumpanya mo ang mga investors mo, pasensya ka na sa kalokohan ni Ate huh" paumanhin nito.
"Ayos lang iyon, dahil nga sa kanya kaya nagkusa ng umalis ang mga mukha kong perang investors" natawa naman siya sa sinabi ko.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, lok* ka pa din" natawa naman ako sa sinabi niya, siraul* talaga tong babae na'to.
"By the way, ilang buwan ng nakakulong ang Ate mo huh, bakit di pa nakakalaya iyon, mapera at makapangyarihan naman ang Daddy niyo" takang tanong ko dito.
Umupo naman siya sa silya, na nasa harap ng office table ko, ako naman ay bumalik sa swivel chair.
"Gusto siyang turuan ni Daddy ng leksyon, kaya hindi pa siya pinapalaya" sagot nito.
"Oo nga pala Arthemis, may ipapakiusap sana ako sayo, wala kasing makakatulong sa akin ngayon, dahil nasa kulungan si Ate" nahihiyang sambit nito.
"Ano naman yun?" tanong ko sa kanya at tinaasan ko siya ng kaliwang kilay.
"Ano pwede bang hiramin kita as my fake girlfriend" ani nito na ikinatayo ko.
"Ayoko!!" mabilis kong tangi.
Bigla naman itong nagpout at saka nagpacute sa akin na ikinagiwi ko.
Hindi bagay sa kanya juskooo.
Mukha siyang pato.
"Parang awa mo na Arthemis, bukas na babalik ang ex-girlfriend ko, kasama ang fiancé niya, alam kong aasarin lang ako nun kapag nalaman niyang single pa din ako" pagma-
makaawa nito."Wag mo akong isali sa kalokohan mo Aria, maghanap ka na lang ng iba" bigla naman siyang lumapit sa akin at saka lumuhod sa harap ko.
"Arthemis, mahal kong pinsan. Maawa ka na sa akin. Kailangan ko ng tulong mo" pagmamakaawa nito at suminghot-singhot pa.
"Ayo----"
"Arthemis! Maawa ka na sa akin oh" napangiwi nalang ako ng humagulhol ito sa harap ko at hinawakan ang aking kamay.
Sa awa ko at sa pagiging desperada niya ay wala akong nagawa kundi ang sumang-ayon sa kanya.
"Sige na, sige na. Tangin* naman oh, wag ka ng umiyak dyan hindi bagay sayo bwisit" sagot ko sa kanya.
Tumayo naman ito at ako dinambahan ako ng yakap.
"Ms. Rivas nandito si---" hindi na natuloy ni Dale ang sasabihin niya ng makita ang posisyon namin ngayon ni Aria.
Nakaupo ito sa lap ko paharap sa akin, at ang mga kamay nito ay nakapulupot sa aking batok. Habang pinupugpog ako ng halik sa pisngi.
"O-mygush!!" napasinghap naman si Hailey sa kanyang nakita at mabilis na nagtakip ng mata bago tumalikod.
Mabilis kong naitulak si Aria, na ikinasama nito ng tinggin sa akin.
"Sorry" nakangiwi kong paumanhin dito.
Mabilis naman akong lumabas ng opisina para habulin si Hailey.
Pagbaba ko sa elevator ay nakita kong palabas na ito.
Hahabulin ko pa sana siya ng may marealize ako.
Bakit ko nga ba siya hinahabol?
Sasakay na sana ulit ako sa elevator ng makita kong may kausap siyang lalaki, habang pinapasakay siya ng kotse nito.
Putch* sino yung gunggong na yun.
Naiinis akong tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Hailey.
"Hailey!!" tawag ko sa pangalan niya.
"Hailey" hinihingal kong sambit pagkalapit ko sa kanya.
Nagulat naman ako ng mabilis siyang yumakap sa akin at takot na umiyak sa balikat ko.
Deja' vu
Sinamaan ko naman ng tinggin ang lalaki at mabilis akong sumenyas sa mga security guard.
Tatakas na sana ang lalaki ng mabilis siyang hinila ng mga security guards.
"Kayo na bahala sa loko-loko, na yan. Sabihin niyo na hinaras ang girlfriend ko kaya ipakulong niyo, kapag nabalitaan kong hindi niyo ipinakulong yan tatanggalin ko kayo sa trabaho" banta ko sa mga ito.
"Sige po, Ms. Rivas." kinakabahang sagot ng isang lalaki. Tumango naman ako dito.
"Ayos ka lang ba, Hailey?" nag- aalalang tanong ko sa kanya.
Mabilis naman siyang bumitaw sa akin at saka tumalikod.
Hahakbang na sana ito paalis ng hawakan ko ang kamay niya.
"Saan ka pupunta?" takang tanong ko.
"Uuwi" maikling sagot nito.
"Hatid na kita, baka mapaano ka na naman"
Mabilis ko siyang hinila papunta sa parking lot at inalalayang sumakay sa loob ng kotse ko.
••••••
Date Published: Aug. 17, 2021Time: 10:14 pm
~Eeybeedi🐝
BINABASA MO ANG
Sister Hailey (GirlxGirl) Completed
RomanceMahal na Mahal ni Arthemis Rivas ang kanyang childhood bestfriend slash ex-girlfriend na si Hailey Conception, na ngayon ay isa ng madre. May pag-asa pa kaya si Arthemis kay Hailey kung madre na ito? At kung may pag-asa man si Arthemis.. Handa kayan...