ARTHEMIS POV:
Nandito kami sa likod ng simbahan matapos malaman na may amnesia si Hailey.
Kinuwento sa akin, ngayon ni Dhalia kung paano at ano ang nangyari kay Hailey na lalo kong ikinagalit.
"Isang buwan siyang nanatili sa ospital, at pagkalabas niya ay tinulungan namin siyang maghanap sa mga simbahan kung may nakakakilala sa kanya, pero umabot na nga kami ng limang buwan sa paghahanap ay wala pa din kaming nakuha na impormasyon tungkol sa kanya." pagkukwento nito.
"Ayoko naman humingi ng tulong sa mga pulis, kase kada makakakita si Green ng pulis o di kaya baril ay agad itong nagwawala, sabi ng doktor dahil daw yun sa traumang nakuha niya" dagdag pa nito.
Tahimik naman akong nakikinig sa kanya, habang iniisip ang hirap na pinagdaan ni Hailey sa kamay ng mga dumukot sa kanya.
"By the way, taga Manila naman pala si Green, paanong nakarating siya sa probinsya namin?" takang tanong nito.
"Dinukot siya sa mismong simbahan kung saan siya naglilingkod, anim na buwan na namin siyang hinahanap at ilang private investigator na rin ang kihuna ko para hanapin siya, pero parang may humaharang sa paghahanap namin" paliwanag ko naman dito.
"Paano ako makakasigurong totoo ang sinasabi mo sa akin? Ayokong mapahamak ulit si Green." tanong nito at tignan ako na para bang sinusuri kung totoo ang sinasabi ko sa kanya.
"Ipapakita ko sayo ang mga pictures namin mula noong mga bata pa lang kami hanggang sa pumasok siya sa kumbento, kung gusto mo sumama ka sa amin, mamaya sa simbahan kung saan siya naglilingkod" sambit ko dito.
Para naman mag tiwala siya sa akin.Tumango naman ito sa akin at tinignan si Hailey na kausap ngayon nila Taylor.
"So madre talaga si Green?" maya-maya'y tanong nito sa akin na ikinalingon ko sa kanya, bago ako bumuntong hininga.
"Hailey ang pangalan niya" pagtatama ko sa dito, kanina pa kase siya Green ng green.
"At oo, madre siya" dagdag ko pa.
"Bakit mo siya hinalikan kung alam mo naman palang madre siya?" tanong nito at saka mapaglarong ngumisi sa akin.
"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayong naging magkarelasyon kami, bago siya nag madre?" tanong ko sa kanya.
"Depende" sambit nito.
"Depende?" ani ko pa, aba parang di ata naniniwala sa akin ang babaeng ito.
"Binibiro lang kita" natatawang sambit nito, kaya napairap ako sa kanya na ikinatawa niya lalo.
"Oo nga pala, bakit Green ang tawag mo sa kanya, sa daming pwedeng ibigay na pangalan sa kanya bakit Green pa?" curious na tanong ko.
Bigla naman itong napangiti sa tinanong ko, kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Huwag kang magseselos huh, pero kase noong unang kita ko pa lang sa mata ni Green, may kakaiba akong naramdaman, biglang gumaan ang loob ko." nakangiti lang ito habang nag kukwento na tila ba may magandang inaalala. Tss.
"Nahulog na ba ang loob mo sa kanya?" hindi ko naiwasang itanong. Sa isip ko lang sana iyon, ngunit naisatinig ko pala.
Ngumiti ito, at pumunta sa isang puno at umupo sa isang bench.
Sumunod naman ako sa kanya, at umupo rin ako sa tabi niya.
"Pinilit kong pigilan ang nararamdaman ko sa kanya, pero kahit anong gawin ko lalo lang akong nahuhulog sa kanya, sino ba naman ang hindi nahuhulog sa katulad niya, mabait, malambing at higit sa lahat kada titingin ako sa kanyang mga mata, nararamdaman ko yung saya. Minsan nga pinagdasasal ko na sana hindi siya madre" mahabang lintanya nito at saka tumingin sa langit.
Nakikita ko tuloy ang sarili ko sa kanya, ganyan na ganyan din ako hanggang ngayon.
Kahit anong pilit ko, siya pa rin talaga.
"Kung ganoon, pareho tayong nabihag ng isang madre" natatawa kong sambit na ikinagulat niya.
"Hindi ka galit? I mean, hindi ka ba
natatakot na baka agawin ko siya sayo?" takang tanong nito, natawa naman ako sa kanya."Bakit naman ako magagalit, nagmahal ka lang naman, pero sinasabi ko sayo, mahirap mag mahal ng madre dahil sa tungkulin at paniniwala nito" babala ko sa kanya.
Ayoko siyang iturin na kalaban, dahil malaki ang naitulong nita kay Hailey, at mukha din siyang mapag-
kakatiwalaan at mabait na tao.Nagulat naman ako ng bigla ako nitong hawakan sa balikat.
"Mahirap siguro ang lahat ng pinagdaanan mo lalo na ng anim na buwan siyang nawala" simpatya nito, at naaawang tumingin sa akin, kaya umiwas ako ng tinggin sa kanya.
Ayokong kinakaawaan ako ng ibang tao.
Tumikhim ako at saka ko, hinawakan ang kanyang kamay.
"Salamat, salamat sa pag tulong mo kay Hailey, kung wala ka baka mabaliw na ako kakaisip kung anong nangyare sa kanya" pasasalamat ko sa kanya.
Ngumiti naman siya sa akin...
At saka pinisil ang aking kamay.
"Walang anuman, basta ipangako mo sa akin na patuloy mo pa ding aalagaan si Green" sambit nito, tumango naman ako sa kanya bilang sagot.
Kahit hindi niya naman sa akin hilingin, ay gagawin ko pa din ang lahat ng aking makakaya para maprotektahan si Hailey, para di na ulit maulit ang gantong pangyayari.
"Makakaasa" sambit ko at itinaas ang aking kanang kamay, bilang pangako.
••••••
Date Published: Aug. 15, 2021Time: 12:30 pm
Watch out :
Marami po akong nakitang typos, sana'y pagpasensyahan niyo na po. May sapak lang talaga keyboard ko.~Eeybeedi🐝
BINABASA MO ANG
Sister Hailey (GirlxGirl) Completed
RomanceMahal na Mahal ni Arthemis Rivas ang kanyang childhood bestfriend slash ex-girlfriend na si Hailey Conception, na ngayon ay isa ng madre. May pag-asa pa kaya si Arthemis kay Hailey kung madre na ito? At kung may pag-asa man si Arthemis.. Handa kayan...