ARTHEMIS POV:
Paikot-ikot ako sa aking opisina habang ang tatlo ko namang kaibigan ay tahimik lang na nakaupo sa couch.
"Paanong nanyare ang mga bagay na yun?" tanong ko sa mga ito.
"Hindi namin alam Arth, basta pagdating namin sa St. John binalita na lamang sa amin ni Mother Faith na may humahabol na mga armadong lalaki kay Sister Hailey, sa loob ng simbahan at binaril si Sister Hailey buti na lang ay may isang deboto na nakakita kay Sister Hailey, kundi ay baka hindi na ito naagapan ng mga doktor." paliwanag ni Taylor.
"Nahuli ba ang mga humahabol sa kanya?" tanong ko, agad namang nag si ilingan ang mga ito, na ikinatikom ng palad ko.
"Sa tingin mo ba Arth, may kinalaman ang mga kamag- anak ni Sister Hailey sa nangyari sa kanya?" tanong sa akin ni Alecia.
"Alam naman kasi nating hindi aksidente ang pagkamatay ng mga magulang ni Sister Hailey, ten years ago, at ang balita ko ay ang mismong Tito ni Sister Hailey ang nagpapatay sa mga ito" sambit naman ni Taylor.
"Last week, pumunta sila Dad. Sa kumpanya ng mga Concepcion at ang balita ko kay Sister Hailey, pinamana ang lahat ng ari-arian nila" dagdag pa ni Diana.
"Kilala nating tuso ang Tito ni Hailey, kaya alam kong balak nitong ipapatay ang sarili niyang pamangkin" sambit ko.
"Kung ganun, dapat nating tulungan si Sister Hailey" dagdag pa ni Taylor.
"Itakas nalang kaya natin siya sa kumbento, tapos itago natin sa ibang bansa" suhestyon ni Taylor na ikinasama ko ng tinggin sa kanya.
"Joke lang Arth, di kana mabiro" sambit nito at nag peace sign.
"Ang yaman pala ni Sister Hailey, isipin mo tagapagmana siya ng mga Concepcion, bakit kaya siya nag madre?" takang tanong naman ni Diana.
"Oo nga, ngayon ko lang nalaman na isa pala siyang Conception, kung hindi pa natin siya pinaimbestigahan baka di natin malaman" dagdag pa ni Alecia.
"What? Pinaimbestigahan niyo si Hailey?" tanong ko sa mga ito, sabay-sabay naman silang napatango.
"Noong anibersaryo kase ng St. John Church, ay nagtaka kami kung bakit kakaiba yung mata niya, saka sa dami kong madreng nakita at naka-
salamuha ko dito sa Pilipinas siya lang talaga yung merong kakaibang kulay ng mata, kaya naman noong nalaman namin na nabaril siya ay pinaimbestigahan na agad namin, kaya nalaman namin na siya pala ang nag- iisang anak ng mga Concepcion" paliwanag ni Alecia."Wait Arth, alam mo bang isa siyang Conception or ngayon mo lang din nalaman?" tanong sa akin ni Diana at pinaningkitan pa ako nito kaya napairap ako sa kanya.
"Of course, I know. Childhood bestfriend kaya kami, kaya kilalang- kilala ko siya"
"Kayo na childhood bestfriend" sambit ni Taylor.
"Sana all may childhood bestfriend" gatong pa ni Alecia.
Kaya napailing ako sa mga ito.
Matapos kase ng pag-uusap namin ni Taylor nung anibersaryo ng St. John Church ay nangako ako sa kanila na hinding- hindi ko na ulit sila itataboy at mag o-open na ako sa kanila.
-
Nagulat na lang ako ng bigla akong akbayan ni Diana.
"Itanan mo na lang kaya si Sister Hailey, tapos pikutin mo" suhestyon nito kaya agad ko siyang binatukan.
Nakatanggap naman ako ng sipa sa tuhod galing kay Taylor kaya napaluhod ako.
Ang sakit!!
"Gago ka Arth, bakit mo binatukan my luvs ko" sambit nito at parang tanggang lumapit kay Diana.
Natawa naman si Alecia. Mga baliw talaga.
"Tama naman si Diana, bakit ayaw mo na lang itanan, mas madali iyon." sulsol pa ni Alecia kaya sinamaan ko din siya ng tinggin.
"Alam niyo, imbis na makatulong kayo sa akin, mas lalo niyo lang pinapalala ang sitwasyon, may problema pa nga ako sa kumpanya ko dahil sa katrantaduhan na ginawa ng pinsan ko." sambit ko sa mga ito.
"Kaya nga dapat pikutin mo na si Sister Hailey, malaki ang Conception Company, at kapag nag merge ang kumpanya niyong dalawa tiyak, di kana mamomroblema" ani ni Taylor.
"Bwisit kayong tatlo, kahit anong kahayupan ang pinagtuturo niyo sa akin, hindi niyo ba alam na madre ang inirereto niyo sa akin, mga walang hiya" inis kong sighal sa kanila na sabay-sabay nilang ikinatawa.
"At saka isa pa, hindi ko kailangan ang mga Concepcion, para palakihin itong kumpanya ko, dahil mas hamak naman na mas maganda ang pamamalakad ko kasya sa mga Concepcion" dagdag ko pa.
"Yabang" bulong ni Taylor.
"Mukhang ang hangin ata sa opisina na ito" sambit naman ni Diana.
Magsasalita pa sana si Alecia ng titigan ko siya ng masama kaya naman napatikom ang bibig niya.
"Kunwari ka pa Arthemis, na ayaw mo ireto namin sayo si Sister Hailey, eh patay na patay ka nga sa madre na yun" sambit ni Taylor.
"Mahigit apat na taon ka naging martir para sa kanya, tapos kunwari ka pa na ayaw mo" gatong ni Diana.
"Marupok pagdating sa madre" sambit naman ni Alecia at nag high five silang tatlo.
Napailing na lang ako sa mga katrantaduhan na pinag-iisip ng mga kaibigan ko.
Wala na akong laban, tatlo sila eh.
-•••••••-
Ayos pa ba?Date Published: Aug. 4, 2021
Time: 9:24 am
~Eeybeedi🐝
• Ang bubuyog na kinakabahan.
BINABASA MO ANG
Sister Hailey (GirlxGirl) Completed
RomanceMahal na Mahal ni Arthemis Rivas ang kanyang childhood bestfriend slash ex-girlfriend na si Hailey Conception, na ngayon ay isa ng madre. May pag-asa pa kaya si Arthemis kay Hailey kung madre na ito? At kung may pag-asa man si Arthemis.. Handa kayan...