CHAPTER EIGHTEEN

1.7K 74 3
                                    

HAILEY/GREEN POV:

Kasama ko ngayon si Sister Jane, dito sa loob ng kwarto ko na ginagamit sa loob ng dormitoryo.

Pinagmasdan ko mga mga larawan na nakalagay sa bedside table ko.

Hinawakan ko ang isang larawan  at pinagmasdan ang isang masayang pamilya.

Mukhang sampu o labing-dalawang taon lang ang bata na nasa larawan.

"Family picture mo yan Sister Hailey" sambit ni Sister Jane at ngumiti.

"Saan ba kami nakatira? Gusto ko sana silang puntahan, baka kase nag-aalala na sila sa akin" bigla naman itong nalungkot sa tinanong ko.

"Sampung taon na silang patay" ani nito na ikinatahimik ko.

Kaya pala ang bata ko pa sa larawan na ito.

Maaga pala akong naulila sa magulang.

"May kapatid ba ako Sister Jane?" hindi ko napigilang itanong, gusto ko kasing malaman kung may kasama pa ba ako sa buhay.

Malungkot naman itong umiling, na lalo kong ikinalungkot.

Kaya siguro nagmadre ako kase wala na akong pamilya at tanging ang Panginoon na lang ang natitira sa akin.

"Naging mabuti ba akong madre?" tanong ko dito.

Ngumiti ito sa akin at tumabi.

"Syempre naman, lalo na sa mga bata na nasa ampunan, alam mo bang araw-araw ka nilang hinahanap sa akin." nakangiting sambit nito.

"Gusto mo bang makita yung mga bata?" bigla naman akong na excite sa tanong nito, kaya agad akong napatango.

Niyaya niya ako lumabas nsa aking silid at pumunta kami sa likod ng simbahan kung saan naroroon ng isang maliit na palaruan at naglalaro ang mga bata, na kasama ang ilang madre.

"Sister Hailey" sabay-sabay na bati nila sa akin at niyakap ako.

Ngumiti naman ako sa kanila.

"Saan po kayo pumunta, Sister Hailey?" tanong ng isang batang babae.

"Oo nga po, antagal ka po naming hinintay" sambit ng napakacute na bata, mukha itong apat na taong gulang.

Lumapit ako dito at hinawakan ko ang kanyang buhok, ang cute naman ng batang ito.

Itinaas naman nito ang kanyang kamay, na ipinagtaka ko.

"Gusto niyang magpakarga sayo" bulong sa akin ni Sister Jane.

Kaya lumunod ako at saka ko binuhat ang bata na ikinatuwa nito, kaya napangiti na naman ako.

"Anong pangalan mo?" malambing na tanong ko dito, na ikinagulat nila.

"Sister Hailey, si Amber po yan. Hindi niyo pa naaalala?" tanong sa akin ng batang babae.

"Ah, eh---" hindi ko alam kung paano ko sa kanila ipapaliwanag na may amnesia ako, at hindi ko sila maalala.

"Kids, let's go inside nagbake si Sister Joan ng cookies baka gusto niyo" ani ni Sister Jane, kaya nakahiga ako ng maluwag.

"Cooky" sambit naman ni Amber, at mabilis na bumaba sa akin at tumakbo papasok sa loob ng bahay.

Nagpaalam naman sa akin si Sister Jane, saka ito sumunod sa mga bata.

Tumingin ako sa paligid at sa simbahan, baka sakaling may maalala ako kahit konti.

"Huwag mong pilitin ang sarili mong makaalala, baka makasama yan sayo" sambit ng isang tinig mula sa likod ko.

"Dhalia" tawag ko sa kanya, ngumiti naman ito sa akin.

"Hindi ko talaga, akalain na totoo ka talagang madre, Gree---este Sister Hailey" sambit nito.

"Ako din naman, hanggang ngayon kase ay wala pa din akong naaalala" pagtatapat ko dito.

"Ayos lang yan, makakaalala ka din. Basta huwag mo lang pilitin ang sarili mo, hayaan mong kusa kang makaalala" bilin niya sa akin.

"Oo nga pala, anong pinag- usapan niyo nila Father Erick kanina?" tanong ko sa kanya at naupo kami malapit sa puno.

"Nakiusap kase si Arthemis sa amin ni Father. Humingi siya ng pabor dito na bigyan ka muna ng bakasyon hanggang makaalala ka, at saka siya naki- usap sa akin kung pwedeng sa kanya ka muna manirahan" pagkukwento nito.

"Anong naging tugon niyo ni Father?"

"Si Father, pumayag siya. Natatakot kase si Father na baka balikan ka ng mga dumukot sayo. At ako naman ang sabi ko ay dapat ikaw ang pag desisyunin" ani nito.

"Green, kilala ka ni Arthemis mula pa pagkabata, kaya kung gusto mo talagang makaalala ay mas maigi kung sasama ka sa kanya. Mukhang mabait at mapagkakatiwalaan naman si Arthemis, kaya wag kang matakot" dagdag pa nito.

"Hindi naman sa natatakot ako, nahihiya kase ako sayo, ang laki ng itinulong mo sa akin, tapos basta na lang kita iiwan" 

"Ano kaba Green, isipin mo ang sarili mo. At huwag kang mag-alala sa akin, nandyan sila Ava, Bernice para samahan ako."

"Salamat Dhalia huh" naiiyak kong sambit, niyakap naman ako nito at hinaplos ang aking likod.

"Mamimiss kita" dagdag ko pa.

"Dadalawin naman kita, kaya huwag kang mag-alala, at saka sakto si Ava ay mananatili na rin sa Manila, kaya baka kay Mommy na din ako, tumira dahil pupunta sa ibang bansa si kuya Gian" 

"Dalawin mo ako, tapos isama mo sila Ava" request ko dito.

Ginulo naman nito ang buhok ko at saka muli akong niyakap.

"Buong buhay kong pasasalamatan ang lahat ng tinulong mo sa akin Dhalia, napaka saya ko kase nakilala ko kayo ng mga kaibigan mo, na nagsilbi sa akin bilang isang pamilya. Tinuruan niyo ako maging masaya, kahit hindi niyo naman ako kaano- ano." mahabang lintanya ko dito.

Humiwalay naman siya sa akin ng yakap at hinawakan niya ang aking kamay.

"Walang anuman Green" nakangiting sambit nito.

••••••
Date Published: Aug. 15, 2021

Time: 7:28 pm

~Eeybeedi🐝

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon