ARTHEMIS POV:
"Are you sure na ayaw mo talaga mag-aral sa Ludwig" tanong ko kay Hailey habang nagmamaneho ako ng aking kotse papunta sa Light University.
First day of class kase ngayon ni Hailey, at kinuha niya ang kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Management (BSBA-M).
"Ang kulit mo Arthemis, sabing sa Light nga gusto ko" napipikon na sambit nito.
"Tinatanong lang naman kita baka magbago isip mo"
"Ilang linggo mo na yang paulit-ulit na tinatanong sa akin, di naman nagbago ang isip ko" sagot nito at naghalukipkip.
Pagdating namin sa Light University ay inihinto ko ang aking kotse malapit sa gate, bago patayin ang makina.
"Gusto mo, ihatid kita sa loob?" tanong ko sa kanya na ikinanguso niya, kaya agad akong natawa.
"Matanda na ako Arthemis, kaya ko ng pumasok ng mag-isa" parang batang sambit nito.
"Okay fine, so susunduin na lang kita mamaya huh."
"Sige-sige" sagot nito at akmang lalabas ng hilahin ko ang kanyang kaliwang kamay.
"May nakalimutan ka ata Ms. Conception" ani ko na pinagtaka niya.
"Wala na--" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya ng agad kong pinagdikit ang aming mga labi.
"Ganyan dapat magpaalam sa iyong fiancé" nakangiti kong saad na ikinapula ng kanyang pisngi.
Mabilis akong lumabas sa driver side, at saka umikot para pagbuksan ang fiancé kong naestatwa na ata.
Paglabas ni Hailey ay agad na nagsilingunan sa'min ang mga estudyante.
"Is that Arthemis Rivas?" tanong ng isang babae.
"Oo gurl siya nga, at sino yang kasama niya ang ganda"
"Pinsan niya ata" sagot naman ng isa pangbabae na ikinasimangot ko.
Mukha ba kaming magpinsan ni Hailey.
"Papasok na ako" ani ni Hailey.
"Hatid na kita hanggang gate" saad ko dito bago ko hawakan ang kanyang kamay.
"Arthemis naman, kaya ko naman ih" maktol nito habang naglalakad kami, kaya hindi ko na naman napigilang matawa.
Ang cute niya kase.
Pagdating namin sa gate ay pinakita niya sa guard ang kanyang ID. Kaya pinapapasok na siya ngunit ayoko siyang bitawan.
"Arthemis" saway niya sa akin, kaya nakasimangot ako.
Napabuntong hininga naman ako, at unti-unti kong binibitawan ang kanyang kamay.
Nang mabitawan ko na ang kanyang kamay ay mabilis ko namang ipinalibot ang aking braso sa kanyang bewang bago ilapit ang aking bibig sa kanyang tenga.
"Namimiss agad kita" bulong ko sa kanya.
"Arthemis, madami ng nakatingin sa atin" nahihiya naman niyang bulong pabalik.
"Pakiaalam ko sa kanila" saad ko kaya nakatikim ako ng hampas sa aking braso.
"Mga Ma'am, excuse me po huh, pero nakaharang po kayo sa daan" saway sa amin ng isang guard, kaya sinamaan ko ito ng tinggin bago bumitaw kay Hailey.
"Istorbo" bulong ko bago napasimangot.
"Pumasok kana sa trabaho mo Arth" sambit ni Hailey habang nakatayo pa din sa tabi ko.
"Fine" labas sa ilong kong sambit.
Lumapit ako kay Hailey bago siya gawaran ng halik sa kanyang labi, na ikinapula niya na naman.
Napasinghap naman ang mga estudyanteng nakakita kasama na ang mga guards.
HAILEY POV:
Nakangiti ako habang nakatingin kay Arthemis na naglalakad papunta sa kanyang kotse.
Ayaw niya pa nga sanang umalis buti na lang ay napilit ko.
"I love you Hailey Conception" sigaw nito at inihinto ang kanyang kotse sa harap ng gate.
I mouthed "I love you too" naman sa kanya na ikinangiti niya at bumusina muna bago umalis.
Sisitahin sana siya ng mga guards ng mabilis na napasibad ni Arthemis ang kotse niya.
Pagpasok ko sa Light University ay agad na nagsitinginan ang mga estudyante sa akin, hindi ko naman ito pinansin at pinagpatuloy na lang ang paglalakad papunta sa aking first class.
Kailangan ko kase mag-aral para walang masabi sa akin ang mga stockholders ng aming kumpanya.
Magaling naman magturo si Arthemis sa pagpapatakbo ng kumpanya, pero maganda pa din kapag nakapagtapos ka ng pag-aaral.
Ginigipit kase ako ng mga stockholders, hindi daw ako ang nararapat sa pagiging Chairman ng kumpanya dahil wala akong natapos, kaya naman napagdesisyunan ko munang mag-aral at bumababa sa pwesto.
Pansamantalang pumalit muna sa akin si Arthemis, magaling naman si Arthemis at pinagmerge na ang aming mga kumpanya kaya hindi na nakaangal ang mga stockholders na gumigipit sa akin.
Si Arthemis din ang instructor ko sa pagpapatakbo ng kumpanya, tinuturuan niya ako ng iba't-ibang strategies at dahil magaling nga siyang magturo ay madali kong nakukuha ang mga itinuturo niya.
Nasabi na din namin sa aming mga kaibigan na nagpropose na siya, at napag-usapan na din namin ni Arthemis kung kailan kami ikakasal sa ngayon, nakapokus muna ako sa aking pag-aaral. Habang si Arthemis naman abala sa paghawak ng kanilang kumpanya at ang pagiging acting chairman sa kumpanya namin.
Minsan nga naiisip ko kung paano ni Arthemis nagagawa ang napakadaming trabaho.
Tapos may oras pa siya para ihatid sundo ako. Sinabihan ko naman siyang huwag na lang akong sunduin dahil may driver naman ako, pero ayaw niya talaga.
Kaya wala akong nagawa kundi ang hayaan siya. Kahit na ang layo-layo ng bahay niya sa bahay ko, tapos papasok pa siya sa kumpanya.
Mula kase ng nakalabas ako sa kumbento ay sa bahay na namin ako tumira.
" Hi, my name is Rachel" inilahad ng isang chinitang babae ang kanyang kanang kamay sa akin.
Ngumiti naman ako sa kanya bago abutin ang kanyang kamay.
"I'm Hailey" pakilala ko dito.
Tumabi naman ito sa akin at saktong dumating na ang aming professor sa unang klase.
•••••••
Date Published: Aug. 28, 2021Time:8:00 pm
Ummm.
WATCH OUT:
Pasensya na sa wrong grammars at typographical.
~Eeybeedi🐝
BINABASA MO ANG
Sister Hailey (GirlxGirl) Completed
RomanceMahal na Mahal ni Arthemis Rivas ang kanyang childhood bestfriend slash ex-girlfriend na si Hailey Conception, na ngayon ay isa ng madre. May pag-asa pa kaya si Arthemis kay Hailey kung madre na ito? At kung may pag-asa man si Arthemis.. Handa kayan...