CHAPTER TEN

2.3K 93 3
                                    

HAILEY POV:

Pagmulat ko ng aking mata ay agad akong nasilaw sa isang bombilya na nasa uluhan ko.

Agad akong pumikit at saka pilit kong ina-adjust ang aking paningin.

Nang ayos na ay saka ako tumingin sa paligid, mukhang nasa isang bakanteng warehouse ata ako ngayon.

Nakatali ang aking mga paa sa upuan, kaya naman hindi ko magawang tumayo, para tumakas.

Kinabahan naman ako ng bigla kong makita ang isang lalaki na may hawak na baril.

"Anong kailangan niyo sa akin?" Naiiyak na tanong ko dito.

Tumawa naman sa akin ito, at saka lumabas.

Napalunok naman ako ng bumalik ito na mayroon ng kasamang iba pa.

"Panginoon tulungan niyo ako" mataimtim kong dasal.

"Kumusta na, mahal kong pamangkin?" bati sa akin ng isang pamilyar na boses na ikinatikom ng kamay ko sa galit.

Alam kong bilang isang madre ay masamang magalit, ngunit ng makita kong muli ang pagmumukha ng taong sumira ng buhay ko ay agad na sumasabog ang aking galit.

"Anong kailangan mo sa akin?" nagtatapang-tapangan na tanong ko dito.

"Pirma mo lang, mahal kong pamangkin. Pirma mo lang ang kailangan ko" sambit nito.

"Kahit patayin mo man ako ngayon, dito ay hinding-hindi ako pipirma dyan" sambit ko kaya agad na lumapit sa akin ang aking sakim na Tito.

Alam kong ang dokumento na iyon ay tungkol sa ari-arian na pinamana sakin ng aking mga magulang.

Sinampal ako nito na ikinahilo ko at halos dumugo na rin ang gilid ng labi ko sa lakas ng sampal nito.

"Para kang mga magulang mo, napaka damot niyo"

"Huwag kang mag-alala, dahil pagkatapos kong makuha ang pirma mo ay susunod ka na rin sa mga magulang mo" matalim na sambit nito at saka ako sinakal, kaya naman napaubo ako, ng bitawan niya ang aking leeg.

"Alam mo bang ilang taon ka na naming hinahanap, at sa tingin mo ba ang pagmamadre ang magiging sagot para makapagtago ka sa amin, hinding-hindi ka makakatakas sa akin kahit saang simbahan ka pa magtago" galit na sambit nito. At napaiyak na lang ako ng bigla nitong sinubsob ang aking mukha sa lamesa na nasa aking harap.

"Pirmahan mo ang mga dokumentong iyan" sambit nito at saka malakas na hinila ang aking kamay na ikinapilipit nito.

"Ahh" impit kong sambit.

Pilit niyang pinapahawakan sa akin ang ballpen.

Maya-maya ay hinila nito ang aking buhok at  pinaharap ako sa kanya.

Ako naman ay iyak lang ng iyak, patuloy lang ang pagtulo ng aking mga luha. At nanghihina na rin ang aking buong katawan.

"Pirmahan mo ito" galit na utos nito at saka hinampas sa mukha ko ang mga papel, nalasan ko naman ang dugo na nasa gilid ng akin labi.

"A--ayoko" nanghihina kong sambit kaya naman sa galit nito ay binato niya sa mukha ko ang mga dokumento, at bigla na lang akong nahimatay.

ARTHEMIS POV:

Nasa office kami ngayon ng tatay ni Alecia na nagmamay-ari ng isang law firm, madami itong kilalang mapapagkakatiwalaang pulis at private investigator na makakatulong sa amin sa paghahanap kay Hailey.

"As of now, ay ginagawa ng team ko ang lahat ng makakaya nila para makita si Sister Hailey, naglagay din kami ng mga checkpoints sa daan" sambit ni Lt. Del Fuego.

"Makikita rin natin siya, tiwala lang" bulong sa akin ni Taylor at saka tinapik ang balikat ko.

"Sir" tawag ng isang pulis kay Lt. Del Fuego

"Yes, Alvarez?" tanong nito.

"Sir nakuha na po namin ang mga CCTV, kung saan makikita ang sasakyan na ginamit ng mga kidnappers" ani nito, kaya naman sabay-sabay kaming pumunta sa isang opisina kung saan nanduroon ang mga kuha ng CCTV.

Napahawak na lang ako sa aking dibdib, ata sabay-sabay na napasinghap sila Taylor, ng makita namin ang CCTV ng simbahan kung saan makikita kung paano hinampas ng baril si Father Erick at kung paano sikmuraan si Hailey.

Dahil sa nakita ko ay lalo akong nag-alala para kay Hailey.

Hindi ko namalayan na unti-unti na palang bumabagsak ang aking mga luha sa aking mga mata.

"God, alam kung makasalanan ako, pero sana naman ay ligtas si Hailey, kase hindi ko po kakayanin, kung may mangyayaring masama sa kanya" taimtim kung dasal.

•••••••••
Date Published: Aug. 14, 2021

Time: 7:15 am

~Eeybeedi🐝


Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon