CHAPTER NINETEEN

1.7K 83 3
                                    

DHALIA POV:

Naiiyak na pinagmasdan namin sila Ava at Green habang magkayakap.

Sa anim na buwan kaseng pananatili ni Green sa amin, ay halos si Ava ang kasama nito bukod sa akin.

Paboritong- paborito siya ni Ava, lalo na tuwing papayag si Green na magsukat o mag pa make-up kay Ava.

"Mamimiss kita Green" sumisinghot na sambit ni Ava at saka humiwalay ng yakap kay Green.

"Ako din, Ava mamimiss ko kayo" malungkot na tumingin sa amin si Green.

Ngumiti lang ako nang mag tama ang paningin naming dalawa.

Kahit malungkot ako, ay hindi ko ito  ipinakikita sa kanya, ayoko siyang mag-alala sa akin.

"Ano kaba Ava, bibisitahin naman natin si Green sa Manila eh" sambit ni Bernice at hinila si Ava para yakapin.

"Nasanay kase akong nandito si Green" malungkot na sambit ni Ava.

Pati din naman ako, nasanay akong nandito siya.

Lumapit sa akin si Arthemis at  niyakap ako na ikinagulat ko.

Sinong hindi magugulat diba?

Arthemis Rivas yan.

Maaaring nagtataka kayo kung bakit nandito si Arthemis, nandito siya kasama ang mga kaibigan niya para sunduin si Green.

At ito na din ang araw ng pag-alis ni Green.

Hindi kase pumayag si Green na hindi personal na magpaalam sa mga kaibigan ko.

"Salamat" bulong sa akin ni Arthemis.

Ngumiti naman ako sa kanya, mararamdaman ko talagang labis ang pasasalamat niya sa amin dahil sa ginawa naming pagtulong kay Green.

-

Maya-maya ay nagpaalam na sila sa amin, at sumunod naman kami sa kanila papunta sa labas.

Muli naman kaming niyakap ni Green.

"Mag-iingat ka" sambit ko dito, habang mahigpit ko siyang yakap-
yakap.

Parang ayaw ko na tuloy siyang pakawalan.

Napabuntong hininga naman ako sa iniisip ko.

"Salamat Dhalia" buong pusong pasasalamat sa akin ni Green at saka ito pinagbuksan ni Arthemis ng pintuan ng kotse.

Lumapit sa akin si Arthemis at binigyan ako ng calling card.

"Kapag namimiss mo si Hailey, bukas ang bahay ko para sa inyo" ani pa nito.

"Ingatan mo siya" bilin ko dito, ngumiti naman siya sa akin at tumango.

Isa-isa niya namang pinasalamatan ang mga kaibigan ko, at ganun din ang ginawa ng mga kaibigan niya.

"Maraming salamat sa inyo, makakaasa kayong aalagaan naming mabuti si Sister Hailey" sambit ni Taylor.

Ilang minuto din ang lumipas ng umalis sila.

Lumapit sa akin sila Kuya Gian at tinapik ako sa aking balikat.

Malungkot naman akong ngumiti dito, at naramdaman ko na lang na tumutulo na ang aking luha.

Ganito pala kasakit kapag nasanay ka ng kasama mo yung isang tao, pero kailangan niya ng umalis para sa ikabubuti niya.

Nawalan naman ako ng balanse ng bigla akong dambahin nila Ava at saka ako niyakap.

Napatawa na lang kami ng buhatin ni Bernice si Ava na ikinatili ng isa.

"Whaaa!! Ibaba mo ako Bernice!!" tili nito at pinagpapalo si Bernice sa likod.

Pumasok na silang lahat sa loob at naiwan akong mag-isa sa labas.

"Hindi ka pa, papasok?" napaigtad ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

Akala ko nakaalis na ang babaeng ito kasama ng mga kaibigan niya.

"Naiwan ko yung bag ko sa loob ng bahay mo" sambit nito kaya nasagot ang katanungan ko sa aking isip.

Tumingin ulit ako sa kanya, at napatulala nalang ako ng makita ko ang kabuuan niya.

Nakasuot siya ng crop top at jeans na pinarisan ng high heels, na bumagay talaga sa kanya, nagmumukha tuloy siyang modelo sa suot niya.

"Done checking me out?" tanong nito,  na ikinapula ng pisngi ko.

"Pasensya na" paumanhin ko dito.

"Okay, lang sanay na ako" sagot nito.

Sabay naman kaming pumasok sa loob ng bahay, at nagulat sila ng makitang kasama ko si Alecia.

"Whaaa, crush!!" tili ni Ava at mabilis na niyakap si Alecia.

Napangiti naman si Alecia kay Ava ng humiwalay ito sa yakap ng isa.

"Ang ganda-ganda mo talaga, akala ko wala na akong makikita na kasing  ganda ni Green, pero nung nakita kita sa personal doon ko nalaman na mali ako" sambit nito at saka hinawak-hawakan ang mukha ni Alecia.

Natawa naman sa kanya si Alecia at pinabayaan na hawak-hawakan ni Ava ang kanyang mukha.

Nagulat na lang kami ng bumaba ang kamay nito sa bewang ni Ava.

Mukha tuloy silang mag kasintahan na namiss ang isa't-isa.

At masasabi kong bagay sila sa isa't-isa.

••••••
Date Published: Aug. 15, 2021

Time: 7: 29 pm

~Eeybeedi🐝

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon