CHAPTER THIRTY-FOUR

1.8K 74 17
                                    

ARTHEMIS POV:

Nag-aasaran kami ni Hailey, habang papunta sa aking sasakyan ng biglang may mga armadong lalaki na humarang sa amin.

"Anong kailangan niyo" mabilis kong tanong sa kanila at hinila ko si Hailey papunta sa aking likuran.

"Arth" natatakot na sambit nito sa aking pangalan kaya pinisil ko ang kanyang braso.

"Huwag ka ng makialam, Ms. Rivas. Kailangan namin ang madre na iyan, kaya kung ayaw mong masaktan ay umalis ka na lang" banta sa akin ng isang lalaki.

Naramdaman ko namang nanginginig na si Hailey sa takot.

"Oh, God please wag ngayon." bulong ko sa aking isipan.

Mukha kasing umaatake ngayon ang trauma ni Hailey.

"Gag* ba kayo, bakit ko naman ibinibigay sa inyo si Hailey?" galit na tanong ko sa kanila.

Hinding-hindi ako papayag na basta-basta na lang nila kuhanin sa akin si Hailey.

"Ayaw mo talaga huh, boys alam niyo na ang gagawin niyo" sambit ng isang lalaki.

Bago lumapit sa amin ang limang lalaki na nakasuot ng bonet.

"Arth!!" sigaw ni Hailey, ng hawakan siya ng isang lalaki.

Agad ko namang hinila si Hailey at saka sinipa ang lalaki, kaya napaupo ito.

Buti na lang talaga ay marunong ako sa self-defense.

"Tang*namong babae ka" galit na sigaw ng lalaking sinipa ko, at mabilis itong tumayo bago ako hilahin sa aking buhok.

"Ahhh" inda ko.

Lintek tong lalaking to, bakla ata ito eh.

"Arth!!" sigaw ulit ni Hailey na ngayon ay nagpupumiglas, habang hawak siya ng dalawang lalaki.

"Bitawan niyo ako" umiiyak na sigaw nito, kaya naman mabilis kong sinipa sa tiyan ang lalaking may hawak sa buhok ko at akmang tatakbo na sa kinaroroonan ni Hailey ng bigla akong sikmuraan ang isang lalaki na ikinaluhod ko.

"Bwisit kang babae ka, kung di ka sana nangialam, di kana sana magkakaganyan" ani ng sumuntok sa aking tiyan at saka ako nito sinipa kaya napahiga ako.

"Arthemis" sigaw ni Hailey at tatakbo na sana papalapit sa akin ng agad siyang hinahin ng dalawang may hawak sa kanya at mabilis siyang ipinasok sa van.

"No!!" nanghihina kong sigaw.

"Arthemis" umiiyak na sigaw ni Hailey, bago nila isara ang pinto ng van.

Kahit ng hihina ay pinilit ko pa ding tumayo para sana habulin sila Hailey.

"Hailey" tawag ko sa pangalan ng babaeng mahal ko at pilit na hinahabol ang van.

Ngunit bigla na lang tumulo ang aking mga luha ng mabilis na itong lumabas sa parking lot ng aming kumpanya.

"Hailey" humagulhol kong sambit sa pangalan niya.

Sa ikalawang pagkakataon wala na naman akong nagawa para iligtas siya.

Para ipagtanggol siya.

HAILEY POV:

"Bitawan niyo ako, ano ba!" takot na sigaw ko sa dalawang lalaki na humihila sa akin, papasok sa isang warehouse.

"Pakawalan niyo ako dito, kailangan ako ni Arthemis." pagmamakaawa ko sa kanila.

At bigla ko na namang naalala si Arthemis.

Si Arthemis.

Ayos lang kaya siya?

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon