HAILEY/GREEN POV:
"Happy 16th birthday Arth" masaya kong bati sa kanya at ibigay ang isang bracelet.
"Thank you Hailey" masayang sambit nito at niyakap ako.
"May gusto sana akong sabihin sayo, pero sana wag lang magalit. Sana bestfriend pa din tayo" ani nito na ikinatawa ko.
"Bakit naman ako magagalit sayo Arth, ikaw ang laging nad'yan tuwing malungkot ako, kaya kahit ano mang sasabihin mo hindi ako magagalit" nakangiti kong sambit sa kanya.
"Promise" paniniguro niya naman.
"Promise" nakataas ang kanang kamay na sabi ko.
Humiwalay naman siya sa akin ng yakap at inalalayan akong umupo sa isang bench na nandito sa rooftop ng bahay nila.
Pagtapos niya kasing hipan ang kanyang birthday cake ay hinila niya na ako dito, dahil may sasabihin daw siya.
"Mahal kita, Hailey" sambit nito na ikinangiti ko.
"Mahal din kita Arth, alam mo yan" ani ko naman.
"I love you romantically" mabilis na sambit nito na ikinatigil ko.
"A--ano?" di makapaniwalang sambit ko.
"Mahal kita, higit pa sa kaibigan Hailey Conception" sinserong sambit nito.
Ramdam ko naman ang panlalamig ng kamay niya na nakahawak sa akin.
"Arth---"
"Shhh" inilapit nito ang kanyang hintuturo sa aking labi na ikinatigil ko.
"I know you doesn't love me, the way I do, but pwede bang-----"
"I love you too" mabilis kong sambit ng matanggal ko ang kanyang hintuturo sa aking labi.
Gulat naman siyang napatinggin sa akin.
"Hailey, ano bang-----"
"I love you Arthemis Rivas, romantically" pag-amin ko sa kanya.
Nagulat naman ako ng biglang umiyak si Arth sa harap ko, kaya mabilis ko siyang niyakap.
"I thought you didn't love me, the way I do" sambit pa nito.
Ako din naman, akala ko mahal niya lang ako kase mag kaibigan kami.
"Kailan mo pa, naramdaman na mahal mo ako" tanong ko sa kanya kaya napatinggin siya sa akin.
"Ng higit pa sa kaibigan" pahabol ko sa tanong ko.
Humiwalay naman siya ng yakap sa akin, hinawakan ang aking kamay.
"I don't know, I think noong mga bata pa tayo, mahal na kita" ani nito na ikinapula ng pisngi ko.
"Bakit ako?" pahabol na tanong ko.
"Kase sayo tumibok ang puso ko" nakangiting sambit niya at saka inilapit ang kanyang mukha sa akin.
"Anong ginagawa mo, Arth?" tanong ko habang ang puso ko naman ay mabilis na tumitibok.
Nagulat na lang ako ng lumapat ang kanyang labi sa akin.
Ilang sigundo din tumagal ang pagkakalapat ng labi niya sa akin, ng ipatong niya ang kanyang noo sa akin.
BINABASA MO ANG
Sister Hailey (GirlxGirl) Completed
RomanceMahal na Mahal ni Arthemis Rivas ang kanyang childhood bestfriend slash ex-girlfriend na si Hailey Conception, na ngayon ay isa ng madre. May pag-asa pa kaya si Arthemis kay Hailey kung madre na ito? At kung may pag-asa man si Arthemis.. Handa kayan...