CHAPTER THIRTY-SIX

1.6K 68 13
                                    

ARTHEMIS POV:

Hawak-hawak ko ang kanang kamay ni Hailey, habang mahimbing itong natutulog sa ospital bed na kinahihigaan niya ngayon.

Dalawang araw na siyang tulog na aking pinag-alala.

Nakakulong na din ang tauhan ng kanyang tiyuhin. Habang ang tiyuhin niya ay nagpapagaling pa din sa ibang ospital, ngunit bantay sarado naman ito ng mga pulis lalong-lalo ni Aubrey.

Si Aubrey, hindi ko talaga akalain na isa siyang pulis.

At Police Commander pa talaga.

Naalala ko tuloy ang pag-uusap namin matapos naming madala si Hailey sa ospital.

Tahimik kaming dalawa ni Aubrey habang nakatingin sa madilim na kalangitan, nandito kami ngayon sa rooftop ng ospital kung saan dinala namin si Hailey.

"Namimiss ko na ang nanay ko" panimula nito at saka malungkot na ngumiti.

Kaibahan sa Aubrey na nakilala ko, yung laging nakangisi at tila ba walang gagawing mabuti.

Yung Aubrey na kinakainisan ko, dahil kahit ano-anong kalokohan ang ginawa niya sa kumpanya.

"Totoo ba ang lahat ng sinabi mo?" tanong ko sa kanya.

Bahagya naman siyang tumango sa akin at saka humawak sa railing.

"Labing limang taon ako noon ng malaman kong anak ako sa labas at may kapatid ako. Kinuha ako ni Daddy kay Nanay at dahil nga bata pa ako ay wala akong nagawa kundi ang sumama dito. Nang makarating ako sa bahay nila Daddy ay buong puso akong tinanggap nila Tita at Aria, pero si Daddy, kung itrato niya ako parang hindi niya ako anak. Kaya naman pinilit kong umalis sa puder niya nang makatuntong ako ng labing walong taon. Pinuntahan ko si Nanay sa dati naming bahay at ganun na lang ang pagkagulat ko ng makitang pinagsasalit-salitan itong gahasain ni Conception at ng mga tauhan nito. Ang masama mo pa ay pinatay pa ito. Kaya ganun na lang ang galit ko sa demony*ng lalaking iyon. Ginawa ko ang lahat para makapaghiganti sa kanya. Nag-aral ako ng maigi hanggang maging pulis ako, at ang unang kaso na hinawakan ko ay ang car accident ng magulang ng nobya mo. May hinala na kami noon na ang mismong kamag-anak nito ang pumatay sa kanila. Kaya nagtrabaho ako kay Cesar Conception, para bantayan ang mga kilos nito. Ang naging trabaho ko sa kanya ay ang pagpapadala ng mga pinagbabawal na gamot sa ibang bansa. Kaya naman para mapadali ang trabaho ko ay nag-apply ako ng trabaho sa kumpanya niyo, at isinasabay ko ang pinagbabawal na gamot tuwing ishiship ang mga produkto natin sa ibang bansa. Alam iyon ng mga magulang mo, dahil ikinuwento ko sa kanila kung bakit ko iyon ginagawa, pinayagan naman nila ako, basta mag-iingat ako. Lumipas ang mga taon pero wala pa ding nangyayari sa kaso na hawak ko at halos mabaliw na ako hanggang sa nalaman ko na may nag-iisang anak ang mga Conception kaya hinanap ko, ngunit sa kasamaang palad ay ganun din ang ginagawa ng mga tauhan ni Cesar. Noong isang beses naman ay nautusan ulit ako ni Cesar na magship ng mga droga sa ibang bansa, ngunit nahuli ako ng mga tauhan mo. Akala nila nakulong ako, pero pinalabas ko lang talaga iyon para makalayo pansamantala kay Cesar at para hanapin ang anak ng Conception, ngunit nahuli na ako. Nalaman ko na pinapatay ito ni Cesar. Nawalan ako ng pag-asa noon ngunit nang malaman ko na may pinapahanap kang madre na nagngangalang Hailey Conception ay bigla na lang akong nabuhayan kaya pinadala ko si Lt. Del Fuego ang isa sa aking mga tauhan. Hindi man namin nailigtas noon ang iyong nobya ay nagpapasalamat pa din kami dahil nalaman naming nabuhay ito at sana puder mo. Pero ang problema naman ay may amnesia ito kaya back to zero na naman ang kaso. Sa katunayan kayang-kaya ko na ipakulong si Cesar dahil may hawak akong mga ibidensya pero hindi ko ginawa dahil gusto kong pagbayadan niya ang lahat ng masasama niyang ginawa lalong-lalo na sa Nanay ko" mahabang paliwanag nito at nakita ko din ang masasaganang luha nito na natulo sa kanyang pisngi.

"Naging masama ba akong tao Arthemis?" may hinanakit na tanong nito kaya mabilis ko siyang niyakap.

"Napakabuti mong tao Aubrey" walang pagdadalawang isip na sagot ko.

"Pasensya na Aubrey huh, pasensya na sa lahat ng masama kong nagawa sayo. Ikaw naman kase bakit puro sakit ng ulo ang ibinibigay mo sa akin sa loob ng kumpanya" sermon ko sa kanya na ikinatawa niya.

"Hindi ko alam kung nanghihingi ka ng tawad sa akin, Arthemis o pinamumukha mo sa akin ang mga kalokohan kong ginawa" saad nito na ikinanguso ko.

Ginulo niya naman ang aking buhok.

"Yung isang beses na sinugod ka sa ospital sabi ni Aria nagpakamatay ka daw" tanong ko naman ng maalala ko ang araw na iyon.

Ang araw kung saan muntikan ng mabaril si Hailey.

"Ayun ba, nalaman kase ni Cesar na isa akong pulis na nagmamanman sa kanya kaya naman noon pinapatay niya ako, para naman di mag-alala si Aria ay pinalabas kong nagpakamatay ako" naiiling na sagot nito.

"Bakit hindi ka takot mamatay Aubrey?" maya-maya'y tanong ko sa kanya.

"Bakit naman ako matatakot mamatay, wala na naman akong silbi sa mundo" sagot nito at sumandal sa railing.

"Huwag mong sabihin yan, kailangan ka ng mundo Aubrey. Ikaw na lang ata ang nag-iisang tapat na pulis na nakilala ko" sagot ko sa kanya na kanyang ikinatawa.

"Ewan ko sayo Arthemis, aalis na ako para ayusin ang kaso ng tiyuhin ng nobya mo" saad nito na ikinapula ko.

Ngumisi naman siya sa akin at tinaasan ako ng kaliwang kilay.

"Nakita ko kayo sa gilid ng pool na naghahalikan grabe ang swerte mo Arthemis, madre pa talaga" humahangang saad nito bago tumawa.

Nanlaki naman ang aking kamay sa sinabi niya.

"Paano mo nalaman yun?" nahihiya kong tanong.

Ginulo niya naman ulit ang aking buhok.

"Binata ka na talaga aking pinsan, ang gandang gwapo mo naman" pangangasar nito sa akin.

"Saka gabi-gabi ko kayong binabantayan Arthemis" dagdag niya pa.

Hawak niya nga pala ang kaso ng magulang ni Hailey kaya hindi na impossible kung bakit siya nagbabantay sa amin.

"Sige, aalis na ako. Alagaan mo ang nobya mo huh" paalam nito sa akin bago umalis.

Napangiti naman ako, bago hawiin ang buhok na tumatabing sa mukha ni Hailey.

"Gumising kana Hao, namimiss na kita" sambit ko bago ko siya halikan sa kanyang noo.

••••••
Date Published: Aug. 24, 2021

Time: 11:33 am

Mahal ko na ata si Police Commander Aubrey Alcantara.

Akin ka na lang Aubrey.

WATCH OUT:

Pasensya na sa wrong grammars at typography

~Eeybeedi🐝

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon