CHAPTER THIRTEEN

1.9K 78 12
                                    

HAILEY/GREEN POV:

"Wow, as in wow. Ang ganda-ganda mo talaga Green" sambit ni Ava habang hawak-hawak ang isang Hera mini lipstick na ginamit niya sa akin.

"Grabe, kahit anong ayos talaga ang gawin ko sayo, bumabagay pa din" dagdag pa nito.

"Alam mo, kung hindi ka lang talaga madre, baka kinuha na kitang modelo"

Namula naman ako sa sinabi niya.

Naiisip ko pa lang na tatayo ako sa harap ng isang photographer, ay nahihiya na agad ako.

Paano pa kayo kung totoo?

"Nako Ava, huwag na huwag mong gagawin yang binabalak mo, kapag yan narinig ni Dhalia, lagot ka dun" saway naman ni Bernice sa kanya.

"Ano yun?" nakataas ang kaliwang kilay na tanong ni Dhalia habang nakatingin kay Bernice. Napalunok naman si Ava.

"Ah--eh, ano yung bago mo sa--nang sa--sakyan gusto kong hira--min" bulol na sagot ni Ava.

"Hihiramin mo? Diba di ka naman marunong mag drive ng kotse?" nagtatakang tanong ni Dhalia at saka pumasok sa pintuan ng kwarto ko.

Nandito kase kami ngayon sa loob ng kwarto ko na pinahiram sa akin ni Dhalia.

"Ah--eh" napakamot na si Ava sa kanyang kilay, habang si Bernice naman ay tahimik lang na nakaupo sa gilid ng kama ko.

Alam kase nilang magagalit si Dhalia kapag pinag-pilitan nila na mag model ako.

"Gusto kase ni Ava na mag-aral, magdrive kaya hihiramin nila yung sasakyan mo, eh baka magalit ka daw kase bago yun" pagsisinungaling ko.

God I'm sorry, kung nagsinungaling po ako.

Dasal ko sa aking isipan at napakagat na din ako ng aking ibabang labi sa pagsisinungaling.

Mula kase ng magising ako sa ospital, at nalaman ko na madre ako, ay pinipigilan ko ng gumawa ng kung ano-ano mang kasalanan.

Napatinggin naman sa akin si Dhalia, saka siya tumango.

"Ganun ba, sige kuhanin mo na lang mamaya sa akin yung susi" sagot pa nito.

Kaya nakahinga ng maluwag ang dalawa.

"Oo nga pala tara na sa kusina, kakain na tayo, lalo na ikaw Green, kailangan mo kumain para mainom mo na ang mga gamot mo" ani pa nito at saka tumingin ulit sa akin.

Sa kanilang lahat na magkakaibigan si Dhalia yung napakama-aalalahanin sa akin, lagi ako nitong pinapa-
alalahanan na inumin ko ang aking mga gamot, kahit busy siya sa trabaho niya, ay hindi niya pa din ako nakakalimutan na tawagan at ipaalala kung nakainom na ba ako ng gamot, at kung kumain na ba ako.

Halos oras-oras siyang tumatawag sa akin.

Ngunit hindi naman ako naiirita sa kanya, natutuwa pa nga ako kase sobrang bait nila sa akin.

"Susunod ako, buburahin ko lang muna itong make-up ko" ani ko naman.

Tumango lang ito sa akin bago lumabas.

"Bwisit ka Bernice, kinabahan ako doon" ani ni Ava na ikinatawa namin ni Bernice.

"Malay ko ba naman kasing nandyan siya" sagot ni Bernice.

"Ewan ko sayo, tara na nga at bumaba, baka magtaka pa si Dhalia, at Green, yung wipes nandyan lang sa make-up kit" tinuro niya sa akin ang make-up kit, bago sila lumabas.

Kinuha ko naman ang wipes at sinumulan ko ng burahin ang ginawa sa akin ni Ava.

Hindi naman sa akin magagalit si Ava, dahil sa ilang buwan naming pagsasama at pagme-make-up sa akin nito ay ganto lagi ang nangyayari.

Pagkatapos niya akong makeup-an ay pinabubura niya din sa akin.

Mabait sila sa akin, halos lahat sila ay tinuturin ako bilang isang kaibigan kaya naman magaan ang loob ko sa kanina.

Tinutulungan din nila ako na maghanap ng simbahan kung saan ako nagsisilbi.

At kung minsan kapag may trabaho silang lahat at ako na lang maiiwan sa bahay ay sinasama ako ni Ava sa modeling agency kung saan siya nagtatrabaho kaya naman magaan ang loob ko dito.

Napakabibo din nito, at hindi ka mabobored kapag kasama mo siya, dahil pala kwento ito.

Pagkatapos ko burahin ang make-up ay bumaba na ako papunta sa kusina.

"Green, dito ka ulit sa tabi ko" sambit ni Ava at tinapik pa ang silya.

Lumapit naman ako sa kanya at tumabi.

Tahimik kami habang nakain ng biglang nagsalita si Kuya Gian.

"Kilala niyo ba si Arthemis Rivas, ang alam ko may hinahanap siyang tao eh" sambit nito na ikinatigil namin, at bigla ding tumibok ang aking puso na ikinahawak ko sa aking dibdib.

"Yung girlfriend ni Alecia Tan" sambit naman ni Bernice.

"Hoii, hindi yan totoo mag kaibigan lang sila no, saka single silang pareho. Akin lang si Alecia" ismid ni Ava at umirap pa kay Bernice.

Gustong-gusto kase ni Ava si Alecia, tuwing magkasama nga kami ayun parati ang bukang-bibig nito.

"Lumalayo na kayo sa usapan" singit naman si Ben.

"Sino daw ang hinahanap? Kilalang tao si Arthemis Rivas, kay madali lang sa kanya iyon" ani ni Bernice. Kaya nag simula na naman silang mag-usap tungkol sa hinahanap ng nagngangalang Arthemis.

Habang si Dhalia naman ay tahimik lang ding nakain, hindi niya ata kilala ang pinag-uusapan ng mga ito.

Arthemis.

Bakit parang pamilyar sa akin ang pangalan nito?

"Ayun na nga ang problema, may hinahanap pero di naman sinabi kung sino, at ang malala pa nito ay ilang buwan na silang naghahap" paliwanag naman ni Kuya Gian.

"I'm sure, imporatanteng tao yang pinapahanap niya, hindi naman yan hahanapin ng isang Rivas kung  hindi" ani pa ni Ben.

"Saan mo ba, nakuha yang tsismis na yan Kuya?" tanong ni Bernice na hanggang ngayon ay nakikipag- asaran pa din kay Ava.

"Sa kaibigan mismo ni Arthemis, na si Taylor, dumalaw kase yun sa ospital nung nakaraang araw" sambit nito na ikinatango nila.

"Nakakaawa din yang si Arthemis no, isipin mo may problema yan sa kumpanya nila at halos lahat ng investors nila ay nag pulled out, tapos may hinahanap pa siya" sambit ni Kuya Gian.

"Ayos ka lang ba Green, ang tahimik mo ata?" nag-aalalang tanong sa akin ni Dhalia.

Ngumiti naman ako dito at saka tumango.

Ayos lang ba talaga ako?

Bakit parang nalulungkot ako sa mga naririnig ko sa kanila?

Sino kaba talaga Arthemis?

••••••••
Date Published: Aug. 14, 2021

Time: 6:29 pm

~Eeybeedi🐝

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon