HAILEY POV:
Pagkatapos naming magdinner ay lumabas agad si Arthemis at dumeretsyo sa gilid ng pool.
Kanina kahit nahihirapan siyang kumain ay pinilit niya pa ding kumain.
Tuwing akmang tutulungan ko naman siya ay pinipigilan niya ako.
I don't know, but it's make me sad.
Gusto ko lang naman siyang tulungan kundi dahil sa akin ay hindi naman yun mangyayari sa kanya.
"Gabi na, baka hamugin ka" sambit ko pagkalapit ko sa kanya.
Sinundan ko kase siya dito sa gilid ng pool. Tumingin naman siya sa akin at saka bahagyang ngumiti.
Kailan ko kaya ulit makikita ang maganda niyang ngiti? Yung lalabas yung dalawa niyang biloy sa kanyang magkabilang pisngi.
"Kumusta na kayo ng girlfriend mo?" tanong ko at umupo ako sa tabi niya.
"Girlfriend" taka niyang tanong.
"Si Aria?" gusto ko namang mapairap sa itinanong niya.
Sino pa ba? Eh, si Aria lang naman ang girlfriend niya.
Tumango naman ako sa kanya bilang sagot.
"Hindi ko siya girlfriend, pinsan ko yun" sagot niya na ikinaawang ng bibig ko.
"Bakit sabi niya, girlfriend ka daw niya?"inis na tanong ko, hindi ko mapigilang mainis dahil niloloko nila akong dalawa.
Kung alam lang ni Arthemis kung gaano ako nagselos.
Wait, nagselos?
Hindi ako nagse-selos.
Naiinis lang ako sa kanya, dahil tuwing titingin ako sa kanya ay lagi siyang nakangisi.
Tama, naiinis lang ako sa kanya.
"Mapagbiro kase talaga yung si Aria" sagot niya naman habang pinaglalaruan ang kanyang paa sa tubig ng pool.
"Pasok na tayo, nilalamig na ako" ani niya at saka tumayo.
Pahakbang na sana siya ng bigla akong nagsalita.
"Iniiwasan mo ba ako" hindi ko napigilang itanong.
Kanina ko pa kase nahahalata na umiiwas siya sa akin.
Umiiwas ba siya sa akin, dahil nakakaalala na ako?
"Ano ba yang sinsabi mo Hailey, hindi kita iniiwasan" sambit nito at pilit na tumawa.
Mabilis naman akong tumayo at lumapit sa kanya.
Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at pinaharap ko ang kanyang mukha sa akin hanggang magpantay ang aming mga paningin.
"Bakit mo ako iniiwasan Arth" tanong ko habang nakatingin sa walang kabuhay-buhay niyang mga mata.
Aalisin na sana niya ang aking mga kamay ng mabilis kong ipinatong ito sa kanyang batok at niyakap ko siya.
"Anong ginagawa mo, Hailey?" tanong nito at pilit akong inilalayo sa kanya, ngunit lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya.
Ganto pala ang pakiramdam, kapag nayakap mo muli yung taong dahilan kung bakit ka lumalaban.
Yung taong kahit ipagtulakan mo, hinding-hindi pa din susuko sayo.
Yung taong nagpakita at nagparamdam sayo ng totoong pagmamahal.
Ano bang ginawa ko? Bakit ko sinaktan ang taong walang ginawa kundi ang mahalin ako?
"I'm sorry Arth, pasensya na sa lahat- lahat na ginawa ko sayo. Pasensya na kung iniwan kita, habang nagluluksa ka sa mga magulang mo. Pasensya na kung wala ako para damayan ka sa lahat ng paghihirap mo. Pasensya na kung wala ako sa tabi tuwing nasasaktan ka. Patawadin mo ako Arthemis" paghingi ko ng tawad sa kanya.
Naramdaman ko namang niyakap niya ako pabalik at hinalikan ako sa aking buhok.
"Di mo naman kasalan yun Hailey, ang maganda, nakikita kitang masaya. Your happiness is everything to me. Handa akong gawin ang lahat mapasaya ka lang." sambit nito at saka bahagyang lumayo sa yakap para hawakan ang aking pisngi.
"Mahal na mahal kita Hailey, and I'm ready to do everything for your happiness" nakangiting sambit nito at saka inilapit ang kanyang labi sa akong noo na ikinapikit ko.
"Pag naging ayos na ang lahat at nahuli na ang Tito mo, handa akong ihatid ka sa lugar kung saan ka sasaya, handa akong ihatid ka sa simbahan na iyong pinaglilingkuran, at pangako ko sayo once na naihatid na kita hindi na ulit kita kukulitin" nahihirapang sambit nito, habang natulo ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi.
"Arth" bangit ko sa pangalan niya.
Malungkot naman siyang ngumiti sa akin na ikinatulo ng luha ko.
Bakit ang sakit?
Bakit nasasaktan ako ng ganto?
Paano ko aalisin ang sakit na pareho naming nadarama?
And then, I remember what Father said to me....
"Mabait ang Panginoon, Sister Hailey. At alam kong napatawad ka na niya sa kasalanan mong nagawa dahil kahit kailan hindi mali ang pagmamahal. Alam kong sinusubok ka ng Panginoon, kaya habang maaga pa ay dapat mong malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman mo, dahil ang Panginoon hindi ka niya pipilitin sa isang bagay na hindi mo gusto, bagkus tutulungan ka pa niyang maliwanagan."
A small smile form into my lips.
Sana this time..
Pwede na...
"I'm ready to let you g~" hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng hinalihin ko ang collar ng kanyang damit at mabilis ko siyang hinalikan.
"Huwag mo na akong ihatid, dahil nandito na ako mismo sa lugar kung saan ako sasaya" sambit ko ng maghiwalay ang aming labi.
"Hailey, ano bang sinsabi m~"
Sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko na naman siya pinatapos sa pagsasasalita dahil mabilis kong ipinatong ang aking mga braso sa kanyang batok at bahagyang tumingkayad para abutin ang kanyang labi.
Agad bumilis ang tibok ng puso ko, habang ang mga paru-paro sa aking tiyan ay agad nagkagulo ng maglapat na naman ang aming labi.
Ilang sigundong magkadikit ang aming mga labi at akmang lalayo na ako ng hawakan niya ako sa aking bewang at masuyong gumalaw ang kanyang labi.
Ginaya ko naman ang bawat galaw ng kanyang labi.
"This time, hinding-hindi na kita ibabalik sa kumbento" sambit nito at saka ako niyakap.
Habang ang puso ko ay mabilis padin ang pag pintig.
•••••
Date Published: Aug. 21, 2021Time: 4:39pm
~Eeybeedi🐝
BINABASA MO ANG
Sister Hailey (GirlxGirl) Completed
RomanceMahal na Mahal ni Arthemis Rivas ang kanyang childhood bestfriend slash ex-girlfriend na si Hailey Conception, na ngayon ay isa ng madre. May pag-asa pa kaya si Arthemis kay Hailey kung madre na ito? At kung may pag-asa man si Arthemis.. Handa kayan...