ARTHEMIS POV:
Malungkot ang mga matang nakatingin sa akin ang mga kaibigan ko habang abala lang akong umiinom ng alak.
Pang ilang bote ko na ba ito?
Halos hindi ko na mabilang.
Ganto naman lagi ang routine ko. Papasok sa kumpanya buong maghapon at magpakalasing sa alak buong magdamag.
"Guys, ano ba!Wag niyo akong tignan ng ganyan, para akong namatayan sa mga tingin na pinupukol niyo sa akin" sambit ko at saka tinungga ang alak na hawak ko.
"Namatayan ka naman talaga, namatayan ng puso" naiiling na sambit ni Alecia.
"Sa dami ba namang magugustuhan mo bakit sa madre pa?" sambit naman ni Taylor.
"Hindi siya madre noong magkakilala kami" dipensa ko sa mga ito.
"Pero madre na siya ngayon Arthemis, tigilan mo na yang kahibangan mo" sambit naman ni Diana, na ikinatayo ko.
"Kahibangan? Mahal ko siya Diana, at di mo alam kung gaano kasakit itong nararamdaman ko, dahil hindi ikaw ang nasa pwesto ko. Mahirap alam mo ba? Sobrang hirap na para bang pinapatay ako nito" sigaw ko at saka ko binato ang hawak kong bote.
Lumapit naman sa akin sina Alecia para pigilan ako sa pagwawala ko.
Bakit feeling ko hindi nila ako naiintindihan?
Bakit parang ayaw nila makinig sa akin?
Kung natuturuan lang ang puso, sana matagal ko na siyang inalis dito.
At saka kahibangan? Kailan ba naging kahibangan ang pagmamahal ng totoo?
ALECIA POV:
"Diana, bakit mo naman sinabi iyon?" inis na tanong ko kay Diana.
Itong gagong ito, alam namang wasak na wasak na ang puso ng aming kaibigan kung makapag bitaw pa ng salita akala mong ayos lang ang lahat.
"Gusto ko lang naman na matauhan na siya Alec, hindi habang buhay ay magpapakalunod na lang siya sa alak, alam kong mahal na mahal niya ang madre na iyon, pero isipin mo Alec, mahigit apat na taon na siyang ganyan, walang kabuhay-buhay" paliwanag nito kaya naman agad ko siyang naunawaan.
"Ayokong makita siyang nagkaka-
ganyan, laging laman ng iba't-ibang bar at lunod na lunod sa trabaho" dagdag pa nito, na ikinabuntong hininga ko."Magiging okay din siya" pagpapa-
kalma ko dito."Kailan pa? Ilang taon na ang lumipas at unti-unti na siyang lumalayo sa atin, ang alam niya ay di natin siya maiintindihan, pero di niya maramdam na doble ang sakit na nararamdaman natin sa nangyayari sa kanya." sambit nito na ikinatigil ko.
Hanggang kailan nga ba?
Hanggang kailan ka magiging ganyan Arthemis?
Nandito naman kami, bakit ayaw mong buksan ang sarili mo sa amin? Para mas lalo ka naming maunawaan.
DIANA POV:
Hindi ko sinabi ang mga salitang iyon para saktan siya ang gusto ko lang ay matauhan siya at ayusin niya ang kanyang sarili.
Gusto ko ng bumalik yung dating siya, yung dating Arthemis na puno ng kulay ang buhay, hindi tulad ngayon na tila ba naging black and white ito.
Sa mahigit apat na taon niyang pagiging ganto ay halos gabi-gabi na rin siyang laging laman ng iba't- ibang bar.
Iinom, paano na lang kung may manamantala sa kanya?
Alam kong mahirap ang pinagda-
daanan niya ngayon, dahil bukod sa sawi siya sa pag-ibig ay nagluluksa din siya sa pagkawala ng kanyang mga magulang.Kaya kahit mahirap para sa kanya ay siya ang naatasan na magpatakbo ng kumpanyang naiwan ng kanyang yumaong mga magulang.
At dahil nag-iisa lang siyang anak ay wala siyang katuwang at karamay sa
mga pinagdadaanan niya.Kaya mula noon ay nangako kaming magkakaibigan na kahit anong magyari ay sasamahan at dadamayan namin si Arthemis.
Pero si Arthemis na mismo ang gumagawa ng paraan upang lumayo sa amin, ang akala niya di namin siya naunawaan sa mga pinagdadaanan niya.
Kung alam niya lang...
Kung pwede ngang kidnappin ang madre na iyon sa kumbento ay baka matagal ko ng ginawa iyon para kay Arthemis.
Tumabi sa akin si Taylor at saka niyakap ako.
"Don't worry, magiging okay din si Arthemis" bulong nito sa akin at niyakap ako ng mahigpit kaya naman sinubsob ko ang aking mukha sa kanyang leeg at tumango-tango.
Sana....
Sana maging maayos na ang lahat para kay Arthemis.
--•••--
Kinaumagahan ay pumunta agad ako sa bahay nila Arthemis para humingi ng tawad dito.
Lasing siya kagabi kaya di ko na nagawang humingi ng tawad sa kanya.
"Hey" bati ko sa kanya pagkababa niya sa hagdan.
"Hey" bati nito pabalik, kaya wala akong inaksayang segundo at niyakap ko siya agad.
"I'm sorry Arth, di ko naman gustong saktan ka sa mga sinabi ko sayo kagabi, kaya pasensya na talaga" ani ko.
Naramdaman ko naman na hinagod niya ang aking buhok at yumakap siya sa akin pabalik, kaya napangiti ako.
"It's okay I understand. I'm sorry din sa inakto ko sayo kagabi" ani nito at saka siya bahagyang lumayo sa akin.
"It's okay, ako naman yung nauna" ani ko pa.
Napangiti naman ako ng ngumiti ito.
Ayos lang kahit hindi ito umabot sa kanyang mata, ang maganda ay ngumiti siya.
Ngumiti ulit si Arthemis....
Na kalahating tao, kalahating pusong bato sa lahat, but there is only exception and that is Sister Hailey.
•••••
Hindi ko alam kung may magbabasa ba ng istoryang ito o may magta-
tangkang magbasa nito.Pero hahayaan ko lang na nakapublish ang istorya na ito, kaya naman kung may gustong magtangka na mag basa nito ay feel free to read it.
Bago ko ipublish ito ay binasa ko muna and *toink batok sa sarili. Masasabi kong napakatypical lang ng istorya na ito yung tipong hindi makacatch yung attention mo.
Tapos tinggin ko pa, may magbabasa lang nito kase no choice sila at wala ng mabasang ibang istorya.
Nakakasad naman, but that's life.
Watch out:
• Pasensya na sa wrong typo at grammar, kasalan yan ni keyboard na makulit.~Eeybeedi🐝
• Ang bubuyog na sadghurl.
BINABASA MO ANG
Sister Hailey (GirlxGirl) Completed
RomanceMahal na Mahal ni Arthemis Rivas ang kanyang childhood bestfriend slash ex-girlfriend na si Hailey Conception, na ngayon ay isa ng madre. May pag-asa pa kaya si Arthemis kay Hailey kung madre na ito? At kung may pag-asa man si Arthemis.. Handa kayan...