CHAPTER SIXTEEN

1.9K 86 8
                                    

HAILEY/ GREEN POV:

Hinila ako ng tatlong babae sa likod ng simbahan at pinaupo ako sa isang bench, saka sila tumabi sa akin.

Habang si Dhalia naman ay kasama ang isang babae na nagngangalang Arthemis.

Arthemis.

Bigla nang-init ang pisngi ko ng maalala ko ang ginawang pag halik nito sa akin.

"Sister Hailey" sambit ng isang babae, kaya napatinggin ako sa kanya.

Kanina pa kase nila akong tinatawag na Sister Hailey, ramdam ko tuloy lalo ngayon na madre ako.

Katulad kase nila Ava ay halos di rin ako makapaniwala na madre ako.

Kung hindi lang siguro dahil sa suot at rosaryo ko baka hindi ko makilala na isa akong madre at baka may magawa akong kasalanan na tiyak kong pag sisisihan ko.

Kaya nagpapasalamat pa din ako na suot ko ang mga iyon, ng may mangyari sa akin.

"Anong iniisip mo Sister Hailey?" nila na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"Ah, eh sino ang ulit kayo?" imbis na sagutin ito ay pinili ko na lang na tanungin kung sino sila.

Hindi ko kase talaga sila maalala.

"Ako si Taylor at ito naman si Diana ang girlfriend ko" pakilala sa akin nito, blondie ang buhok nito at mahahalata mo talagang hindi siya purong pinay. Tinignan ko naman ang babaeng tinuro niya bughaw ang mga mata nito at katulad ni Taylor ang maganda rin ito at mababakas na hindi din ito purong pinay.

"Hindi mo manlang ako pinakilala Taylor" sambit naman ng isang babae at saka inirapan si Taylor na ikinatawa lang nung isa.

"By the way, Sister Hailey. Ako nga pala si Alecia" pakilala sa akin nito. Tinignan ko ang kabuuan niya, at masasabi kong hindi sapat ang salitang ganda sa itsura niya.

Mukha kase siyang Dyosa, at mahahalata mo ding modelo ito sa suot pa lang  nitong damit na mahahalata mo na, naalala ko tuloy sa kanya si Ava.

Speaking of Ava.

Hindi kaya itong kaharap ko ngayon ang sinasabi niyang crush niya?

"At yung babaeng humalik sayo kanina, siya si Arthemis girlfriend mo" sambit ni Taylor na ikinagulat ko.

Paano ako magkakaroon ng girlfriend kung madre nga ako?

Nagtataka akong napatinggin sa kanilang tatlo upang alamin kung totoo ba ang sinabi ni Taylor.

Bigla namang pinalo ni Diana si Taylor sa kanyang balikat, na ikinatawa lang nito.

"Sira*lo ka talaga Taylor, tignan mo gulat na gulat si Sister Hailey" sambit nito.

"Pasensya na Sister Hailey, pero yung totoo ex-girlfriend mo talaga yung baliw naming kaibigan" sambit nito kaya napahawak ako sa aking mukha upang takpan ang pamumula nito.

"Nagbablush ka Sister Hailey, kasalanan yan" tukso sa akin ni Taylor, kaya nakatanggap na naman siya ng palo kay Diana.

Habang si Alecia naman ay tahimik lang habang nakangiti sa akin.

"Pagpasensyahan mo na si Taylor, Sister Hailey. Ganyan talaga yan kapag inaatake ng kabaliwan" paumanhin sa akin ni Diana, na ikinanguso ni Taylor, ngunit tinampal lang ito ni Diana.

Kaya natawa kami ni Alecia.

"Ehem" may tumikhim sa likod namin kaya sabay-sabay kaming napalingon dito.

Bigla naman akong namula ng magtama ang mga paningin namin ni Arthemis.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, ngayon ko na nga lang nalaman na totoo pala akong madre dadagdagan pa ng impormasyon na meron akong ex-girlfriend na hinalikan ako kani-kanina lang kahit alam na madre ako.

Nakapa kumplikado naman pala talaga ng buhay ko.

Ako na ang naunang nag-iwas sa kanya dahil halos mabingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Mukhang nagkakasayahan kayo huh, anong pinag-uusapan niyo?" tanong ni Arthemis.

"Wala naman, ito kasing si Taylor inatake na naman ng kabaliwan" sagot ni Diana.

"Tapos na ba kayong mag-usap?" tanong naman ni Alecia at saka lumapit kay Arthemis, may pamilyar na bagay naman akong naramdaman sa aking dibdib.

At bigla kong naalala yung pinag-
uusapan nila Kuya Gian nung nakaraang buwan, kung saan pinag-pilitan ni Bernice na mag kasintahan si Arthemis at Alecia.

Totoo kaya?

"Oo, gusto ko sanang dalhin natin si
Hailey sa St. John Church, para naman  makita na siya nila Father Erick, alam niyo namang katulad natin ay alalang-ala din sila" sambit ni Arthemis.

Napatinggin naman ako kay Dhalia, tumango lang siya sa akin at ngumiti, kaya napangiti din ako sa kanya.

••••
Date Published: Aug. 15, 2021

Time: 7:28 pm

Watch out:

      Madami akong nakitang wrong typos, pasensya na.

~Eeybeedi🐝

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon