CHAPTER TWENTY-SIX

1.8K 76 11
                                    

ARTHEMIS POV:

Kinaumagahan pagpasok ko ng kusina ay nakita kong masayang nag-uusap si Dhalia at si Hailey, habang nakain.

"Good morning Arthemis" nakangiting bati sa akin ni Dhalia.

Ngumiti naman ako sa kanya pabalik at saka ko sila binati ni Hailey, na ngayon ay nakahalukipkip lang.

"Good morning, babe" bati ng magaling kong pinsan at yumakap mula sa likod ko.

Gulat namang napatinggin sa akin si Dhalia.

Pasimple kong tinanggal ang yakap ng magaling kong pinsan at umupo ako sa tabi ni Hailey.

"Kumusta na, Dhalia?" tanong ko dito habang sumasandok ng pagkain.

"Ayos lang naman ako, siya nga pala kaya ako nandito, gusto ko sanang samahan si Green, para magpacheck-
up" ani pa nito.

"Check-up mo, ngayon?" gulat kong tanong kay Hailey.

Wala naman kase siyang sinasabi sa akin.

Tahimik lang itong tumango sa akin, na ikinabuntong hininga ko.

Hinawakan naman ni Aria ang kamay ko na ikinatigin ko sa kanya.

Nauunawaan na tumingin lang siya sa akin, kaya napangiti ako. Atleast ngayon may nakakaintindi ng nararamdaman ko.

"Tapos na ako kumain, Tara na Dhalia" maya-maya'y sambit ni Hailey, habang nagpupusa ng kanyang labi.

Mabilis naman uminom si Dhalia at saka nagpunas ng kanyang labi, bago tumayo.

"Mauna na kami Arthemis" paalam ni Dhalia.

"Ingat kayo" sambit ko habang nakatingin kay Hailey.

"Ang ganda ng ex-girlfriend mo, kaya pala patay na patay ka sa kanya" sambit ni Aria, pagkalabas ng dalawa sa kusina.

"Ikaw lang naman ang pangit" ani ko, na ikinairap niya sa akin, na ikinatawa ko.

Parang si Aubrey din siya. Pikon masyado.

Maya-maya'y may tumawag sa kanya kaya nagpaalam muna ito sa akin.

Ako naman ay pumasok sa kwarto ko para magbihis dahil may pasok pa ako sa opisina ngayon.

May katulong naman kami, kaya ayos lang kahit di ko na linisin ang mga pinagkainan namin.

Abala ako habang inilalagay ang Mac lipstick ko sa aking labi ng malakas na kumatok si Aria sa pintuan ng kwarto ko.

"Bakit ba katok ng ka----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hilahin ako nito palabas ng kwarto ko, at kinaladkad ako papasok ng kanyang kotse.

"Saan ba tayo pupunta?" naiinis na tanong ko dito, habang mahigpit akong nakakapit sa seatbelt ko.

Ang bilis niya kase mag drive,

"Sa ospital" maikling sagot nito.

"Ano namang gagawin natin dun?" nagtataka kong tanong.

"Si Ate, sinubukang mag pakamatay" naiiyak na sambit nito.

Kaya hinawakan ko ang kamay, unti-unti naman siyang kumalma, kaya naging ayos na din ang ang pagpapatakbo niya ng sasakyan.

Pagdating namin sa ospital ay mabilis kaming lumabas ng kanyang sasakyan ngunit nagulat na lang kami ng may narinig kaming malakas na putok ng baril.

"Anong nangyayari?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam, kasama mo ako ih" mabilis namang sagot nito.

Unti-unti kaming lumakad papunta sa  loob ng ospital ng biglang nagkakagulo na mga tao ang sumalubong sa amin.

"Si Ate" nag-aalalang sambit ni Aria, at saka mabilis na tumakbo papasok.

"Aria" tawag ko sa kanya at akmang hahabulin na siya ng may tumulak sa akin, kaya napaupo ako sa semento.

"Lintek naman oh" inis kong sambit at tatayo na sana ng may tumunog na naman na putok ng baril, kaya nag si tilian ang mga tao at lalo pa silang nagkagulo.

Pagkatayo ko ay mabilis akong pumunta sa likod ng isang puno.

Habang nasa likod ako ng puno ay may nakita akong isang babae na nagtatago din sa isang puno.

Bakit di na lang siya tumakbo paalis?

Habang pinagmamasdan ko ang babae ay biglang kumalabog ang puso ko ng makita kong may kulay pulang dots na nakatutok sa likod niya, kaya napatinggin ako sa pinangalingan nun.

"Tang*na" hindi ko napigilang magmura ng may nakita akong sniper sa kabilang building.

Mabilis akong tumakbo papalapit sa babae at niyakap ito...

*Bang

Isang malakas na tunog ulit ng baril, at naramdaman ko ang mainit na bagay sa aking braso.

Nagulat naman ako ng makita ko si Hailey, na umiiyak.

"Hailey" nag-aalalang bangit ko sa pangalan niya at mabilis ko siyang niyakap.

"Oh, God" sambit ko.

Paano na lang kung hindi ako tumakbo para iligtas siya?

Paano na lang kung siya ang na nabaril?

"Arthemis, ayos ka lang ba?" tanong nito at tumingin sa dumudugo kong braso, at ganun na lang ang gulat ko ng bigla siyang himatayin.

"Hailey" tawag ko sa kanya at tinapik ko ang kanyang pisngi niya.

Maya-maya'y dumating na ang mga pulis kaya napahinga ako ng maluwag.

"Arthemis, anong nangyare kay Hailey?" nag-aalalang tanong ni Dhalia habang nakatingin kay Hailey na ngayon ay walang malay.

Mabilis niya namang binuhat si Hailey at ipinasok sa loob ng ospital, habang ako ay nanghihinang sumunod sa kanila.

•••••••
Date Published: Aug. 18, 2021

Time: 2:07 pm

~Eeybeedi🐝

Sister Hailey (GirlxGirl) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon